It's 5pm and lahat kami ay nasa kanya kanya naming kwarto, kauuwi lang namin galing sa bayan ng sta.cruz nag gala kami doon at kumain.Naligo ako saka nagpalit ng short saka sleeveless.
"Girl May entertainment room ba kayo dito??" Tanong ni Frans habang nagpupunas ng buhok.
"Yeah. Sa may dulo" sabi ko.
"Tara movie marathon" sabi niya.
"Kain muna tayo ng dinner then papahanda ko na kila manang yung room" sabi ko.
Bago pa kami makalabas ay may kumatok na sa pinto, ako na ang nagpresinta magbukas.
"Where's Lillian??" Tanong ni Gray.
"Oh she's inside, pasok ka" sabi ko.
"Can you call her?" Tanong niya.
"Frans! Gray's looking for you!" Sigaw ko.
Lumapit naman si Shan sa pinto at hinarap si Gray.
"Why??" Tanong ni Frans.
"C'mon dinner's ready" sabi ni Gray at hinila na si Frans.
"Shan tara na" sabi ni Frans.
"Susunod ako" sabi ko.
Kinuha ko yung pony ko and tie my hair saka bumaba.
Kumain kami ng dinner saka umakyat sa taas for a movie marathon. Isang mahaba at malaking bed ang nakaayos don with blankets and pillows.
Magkakatabi yung mag jojowa at feeling magjowa. Nanood kami ng rom-com as request naming mga babae.
Habang nanonood ay patingin tingin ako sa orasan. I have a surprise for Fourth kasi pagdating ng 9pm.
"Bao kanina mo pa chinecheck yung oras, is there a problem??" Tanong niya.
Umiling naman ako.
"Wala naman bao" sabi ko.
Pagpatak ng 9pm.
"Bao labas tayo" aya ko.
"Bakit?? Di pa tapos yung movie" sabi niya.
"Basta. Labas tayo" pilit ko.
"Alright" sabi niya at tumayo na kami.
Alam ng barkada to so alam na nila gagawin nila. Paglabas namin ni Fourth ay hinila ko siya sa veranda ng bahay.
"Anong gagawin natin dito bao??" Tanong niya at humarap sakin.
"Bao you know i love you right??" Tanong ko.
Tumango naman siya.
"And you know na gagawin ko lahat just to make you happy" sabi ko.
Tumango uli siya.
"You already did many surprise for me and give me things" sabi ko and look at his eyes.
"But right now, it's my time to make you happy and do a return for the things you did" sabi ko.
"Bao what's happening?? You're making me nervous" sabi niya.
I chuckled.
"Pwede na po kayo pumunta dito" sabi ko.
Nangunot naman ang kilay niya sa sinabi ko.
I saw Tita Faye and Tito Zander entering the veranda. Nakatalikod kasi si Fourth sa entrance ng veranda so hindi niya kita.
YOU ARE READING
My Enemy, Loves Me
Novela Juvenil"Do you...do you like her??" Tanong ko. Yumuko siya at marahang tumango. Isa isa nanamang tumulo ang luha sa mga mata ko. "Fourth...look at me" utos ko but he move his head sidewards. "Please?" Dahan dahan niya kong tiningnan. Hinawakan ko ang magka...