After 1week
I'm sitting inside our classroom, waiting for the girls na makadating. Maaga akong pumasok ngayon, ewan ko ba kay Fourth at laging maaga kami pumapasok.
He's always like that these past few days, sasabihin niya maaga daw kami pumasok bukas pag tinatanong ko naman ang sagot sakin lagi, may basketball sila nila Zach.
Kaya eto ko sa room at inaantok pa, gusto ko sana na wag na sumabay kay Fourth papasok kaso siya mismo gumigising sakin.
"Grabe ha girl! Ang aga aga aga mo ng bongga!" Sabi ni Frans at naupo sa tabi ko.
"Si Fourth nanaman ba??" Tanong ni Kyla kaya tumango ako.
"Hay nako girl ha! Naghihinala na ko diyan kay Fourth, ilang araw na yang ganyan" sabi ni Frans.
"Ano ka ba girl! Nagbabasketball lang naman sila nila Zach. I trust him wag kang ano diyan" sabi ko at tumingin sakanila.
"Ang aga aga pa oh! We still have 1hour before magbell" sabi ni Sab.
"Sirang sira na ang beauty rest ko Sis!" Sabi ni Kyla.
"Sorry talaga" sabi ko.
"Ok lang sis. Sama sama tayo dito HAHA" sabi ni Frans at tumawa.
"Matulog nalang tayo" sabi ko.
"Nice suggestion" sabi ni Sab at dumakma sa desk niya same as Kyla and Frans, kaya yumuko na din sa lamesa ko.
KRING! KRING!
Nagising kami sa tunog ng bell.
"Hala time na!" Sabi ko at umayos ng upo.
"Wala pa sila Zach" sabi ni Kyla, sakto naman na pumasok sila Zach.
Pero wala si Fourth.
"Oh andyan na pala sila eh" sabi ni Frans.
"Si Fourth??" Tanong ko.
"A-ah may gagawin daw eh, di namin alam kung ano" sagot ni Dinn.
Tumango naman ako at umayos ng upo. I simply text him.
Nagtext naman agad siya saying na may inutos yung isang teacher sakanya.
Girls napapansin niyo ba?? Madalas na magkasama si Eleana saka si Fourth!
Oo nga girl! Grabe bagay sila!
Break na ba si Shan at Fourth?
Ewan namin??
Wala na kaming pake kay Shan!
Mas bagay naman kase talaga si Fourth at Eleana!
Balita ko matagal na sila mag kakilala.
Oo nga girl! Childhood sweetheart kumbaga!
Bulungan ng mga babae sa room.
"Can you please shut up?! Hindi nag break si Shan at Fourth! They're still together and Eleana is not in the picture so shut the fvck up!" Inis na sabi ni Kyla sakanila.
Natahimik naman sila.
"What if totoo??" Tanong ni Sab saka tumingin sakin.
"I trust my BaoBao, he won't cheat on me" sabi ko sakanila.
Nagsimula na ang klase pero wala pa din si Fourth, ganon ba kadami ang pinapagawa ng teacher na yon sakanya?? Even Eleana wala din.
Hindi kaya totoo yung bulungan?? No! He can't do that to me! He loves me! But what if it's true?? No!! Hindi pwede!!
YOU ARE READING
My Enemy, Loves Me
Teen Fiction"Do you...do you like her??" Tanong ko. Yumuko siya at marahang tumango. Isa isa nanamang tumulo ang luha sa mga mata ko. "Fourth...look at me" utos ko but he move his head sidewards. "Please?" Dahan dahan niya kong tiningnan. Hinawakan ko ang magka...