Kadadating lang namin ni Fourth from Laguna, it's 5pm na din kasi. Right now kalalabas ko lang ng sasakyan ni Fourth."Bao you should rest, kanina ka pa nagddrive" sabi ko sakanya at nilapitan siya.
"I'm fine, mimiya na" sabi niya at hinawakan ang kamay ko saka kami sabay pumasok sa loob.
"Nakauwi na pala kayo, anak" sulpot ni mommy galing ata sa kusina.
"Good evening mom" bati ko and kiss her cheek.
"Good evening tita" bati din ni Fourth at humalik sa pisngi ni mommy.
"You both look tired, siya sige, magpahinga muna kayo" sabi ni mommy.
Umakyat kaming dalawa ni Fourth, sa kwarto ko kami dumaretsyo, sabi ko sakanya dun na siya sa room niya pero ayaw niya.
Nagpalit ako ng shorts and tshirt saka naupo at sumandal sa headboard ng kama ko.
Si Fourth naman ay tumabi sakin.
"Bao hindi ka ba naiinitan??" Tanong ko at humiga ng bahagya sa kama ko.
"It's cold bao, Christmas ngayon" sabi niya at niyakap ako saka umunan sa may bandang dibdib ko.
Pinalibot ko ang kamay ko sa ulo niya saka hinimas iyon ng marahan.
"You smell so good bao" mahina niyang sabi.
"Just sleep bao, para may energy ka mamaya" sabi ko habang hinihimas padin ang ulo niya.
Hindi na siya umimik kaya sinilip ko ang mukha niya, his eyes are close. Mukhang natutulog na. Pumikit na din ako and sleep habang ganon ang posisyon namin. Dad and mom won't get mad naman siguro because of our position, wala naman kaming ginagawang masama.
-----
Nagising ako pero wala na si Fourth sa tabi ko, bumangon ako and wash my face tapos ay lumabas ako ng kwarto ko.
It's currently 7:45pm.
Ng malapit na ko sa kitchen ay nakarinig ako ng tawanan kaya sumilip ako and there i saw ate Charm and mom laughing over ate's phone.
"Mom, ate" tawag ko sakanila.
Napaharap naman sila sakin while smiling widely.
"Bakit po kayo natawa?" Tanong ko at umupo sa stool.
"Kasi i asked mom awhile ago kung nasan ka sabi niya nasa room mo, then umakyat ako and saw this" sabi niya saka hinarap sakin yung picture namin ni Fourth.
He's hugging me habang nakaunan parin sa may bandang dibdib ko tapos yung kamay ko nasa ulo niya.
"Ateeee!!" Angal ko dito.
"What?! Ang cute niyo kaya" sabi niya.
"Nakakahiya kaya" sabi ko at yumuko.
"Bakit ka mahihiya?? Ang cute kaya, you two look comfortable with each other" pang aasar pa ni ate.
"Besides don't worry, kung akala mo galit sila mom, hindi sila magagalit" sabi ni ate kaya napatingin ako kay mommy.
"I trust the both of you anak, alam kong hindi kayo gagawa ng bagay na ikagagalit namin ng daddy mo" sabi niya and smile.
I'm about to answer ng sumulpot si Fourth.
"Hello ladies" bati nito and smile.
"Hi Fourth" bati ni ate dito.
YOU ARE READING
My Enemy, Loves Me
Подростковая литература"Do you...do you like her??" Tanong ko. Yumuko siya at marahang tumango. Isa isa nanamang tumulo ang luha sa mga mata ko. "Fourth...look at me" utos ko but he move his head sidewards. "Please?" Dahan dahan niya kong tiningnan. Hinawakan ko ang magka...