5th Break: Hospital

6.2K 318 7
                                    

5th Break
Hospital

ALESIA

MATAPOS nilang kumain ay dinala na ng mga lalaki ang mga bag na naglalaman ng mga baril at ng mga natirang pagkain.

Bago lumabas ay hinarang ko si Andrei at kinuha ang bag ng pagkain sa kanya. Magaan iyon at kayang-kayang buhatin ng babae. Iniabot ko 'yon kay Dana na tinaasan ako ng kilay.

"What? Don't tell me pagbubuhatin mo 'ko?"

Tiningnan ko lang siya nang hindi-ba-obvious-look. Sa aming lahat ay siya lamang ang walang dala na kahit ano. At sa sitwasyon na mayroon kami ngayon, hindi na pupwede ang pagiging gentledog ng mga lalaki at pagiging pabebe ng mga babae. Hindi porke't magkakaibigan sila ay i-aasa na ni Dana ang simpleng pagdadala ng gamit kay Andrei gayong may kamay din naman siya.

"A-ako na lang ng magdadala, Alesia." pagpe-presinta ni Mich ngunit tinaasan ko lamang siya ng kilay at hindi ibinigay ang eco bag.

Matalim ang mga matang tiningnan ko si Mich nang subukan niyang kunin sa akin iyon. Nakangusong umatras siya bago yumuko at yakapin ang bag na dala.

Kailangan pa talagang samaan ng tingin, ah? Ibinalik ko ang tingin kay Dana na nakahalukipkip ang mga braso at masama ang tingin sa akin.

"Marunong ka bang bumaril?" kalmadong tanong ko.

"Of course not! That's not my thing and will never be." Pinaikot niya ang mga mata na lalong ikinasama ng tingin ko sa kanya.

"E'di dalhin mo ito. Hindi ka na nga marunong bumaril, wala ka pang pagkukusang tumulong? Ano ka? Manikang pang-display? O baka naman prinsesang inihahanda para i-alay?" sarkastiko ngunit may bahid ng pananakot na wika ko. "Oh, I like the latter, tho. Time will come that we'll need someone to sacrifice and you're the best candidate for it. Kung ayaw mo, e'di don't. Just don't expect me to listen to your plea when that time comes. I'll be standing on the corner, watching them devour you."

Akmang tatalikuran ko siya nang mabilis niyang agawin sa akin ang eco bag na lihim kong ikinangisi. Alam kong natakot ko siya dahil nakita ko ang mga mata niyang nais umiyak ngunit pinipigilan lamang niya. As for me, hindi naman ako nakaramdam ng guilt. Kailangan niya ng gumising sa mga kahibangan niya. We're in the middle of an apocalypse and her, being a spoiled brat, won't do anything good to their group. Nang sabihin ko ang tungkol sa alay, totoo iyon ngunit hindi siya ang tinutukoy ko. Imposibleng mangyari iyon sa grupo nila dahil bukod sa hindi naman sila ganoong klase ng mga tao ay hindi ko rin naman hahayaang mangyari iyon. Ngunit sigurado ako, na ang iba na pinipilit mabuhay ngayon ay ginagawa iyon. Dahil sa mga oras na ito, walang puwang ang awa sa mga taong handang gawin ang lahat para manatiling buhay.

Tumingin ako sa aking harapan at saka mariing pumikit kasabay ng aking pagbuntong-hininga. Nang magmulat ay iniabot ko kay Andrei ang isang baril ko at kinuha ang bag na dala ni Clent para kumuha ng armalite bago ibalik sa kanya 'yon.

"Mauna na kayo." saad ko habang sinisipat ang baril na hawak.

"Tara na." wika naman ni Sho at nauna ng maglakad.

Kasabay niya si Clent na gaya niya ay alerto rin sa paligid samantalang kaming tatlo nina Andrei at Angelo ang nasa dulo. Oo, nasa gitna namin sina Dana at Mich na kulang na lang ay maghawak ng kamay sa sobrang bagal nilang maglakad. Sa halip magsalita ay pinalampas ko na lamang ang ginagawa nila.

"Bakit parang sanay na sanay ka na?" biglang tanong ni Andrei. "Pasensiya na sa pagiging direct to the point. Curious lang talaga ako. Huwag mo sanang masamain ang tanong ko, ha?"

"Hmm? Okay lang naman. Saka natutunan ko lang lahat ng ito sa mga pinapanood ko." kalmadong sagot ko.

"A-ano? 'Yong paga-assemble mo ng baril sa mga napanood mo lang natutunan?" gulat na tanong ni Angelo na nakikinig pala sa amin.

Alam kong hindi kapani-paniwala ang sagot ko ngunit wala akong magagawa dahil iyon ang totoo. Well, sort of.

"Yes." Tumango ako. "Mahilig ako sa action movies."

"Action lang? I mean, parang alam na alam mo na kasi ang gagawin sa zombreak na ito. Sorry ha. Curious lang talaga ako." tanong ni Andrei na napakamot pa sa batok.

Halata namang interesado talaga siyang malaman dahil diretso talaga kung tanungin niya ako. Walang hiya-hiya, hindi paligoy-ligoy.

"Sa napanood ko lang din. Marami na akong napanood na interesting sci-fi movies. Hindi ko lang inaasahan na ilan sa mga napanood ko ay magkakatotoo at mai-a-apply ko pa sa reyalidad ang mga natutunan ko sa mga iyon. 'Yong iba naman sa experience ko na lang din natutunan."

Akmang magtatanong pa sila nang tumigil ako dahil sa pagtigil ng mga nasa unahan namin. Sa halip na magtanong ay nakitingin na lang ako sa tinitingnan nina Sho at ganoon na lang ang kaba ko nang makita ang mga zombies na papalapit sa amin. Green ang mata nila. Walang puti o itim. Green lahat.

"Takbo!" sigaw ko kasabay ng pagpapaputok ko sa mga zombie.

Mabilis naman silang anim na kumilos. Mabagal pa rin ang pagkilos ng mga zombie pero mukhang nakakakita na sila dahil alam nila kung nasaang direksyon kami. Nang masiguro kong nakapasok na silang lahat sa sasakyan at nabuhay na rin ni Sho ang makina, itinigil ko na ang pagbaril at tumakbo. Tumalon ako at tumuntong sa kotse para makapunta sa bubong ng van. Agad kong inilawit ang ulo sa unahan para makita si Sho. Sinenyasan ko na lang siya na patakbuhin na ang sasakyan na ginawa niya naman agad. Kinuha ko ang kutsilyo at itinarak sa bubong ng van para may makapitan ako. Naririnig ko ang pag-iyak nina Dana at Mich sa loob na hindi ko na lang pinansin. Binaril ko na lang ang mga humahabol at nakakasalubong namin.

Argh! Ang tanga mo, Alesia! Napangiwi ako at saglit na pinanood ang pag-agos ng sariling dugo sa aking palad.

Nasugatan pa ako dahil nahawakan ko ang talim ng kutsilyo. Kakatukin ko sana si Sho kaya lang ay nakababa na ang bintana niya.

"Buksan n'yo 'yong kabilang bintana!" sigaw ko at nakagat ang pang-ibabang labi nang kumirot ang hiwa. Mukhang malalim ang naging hiwa no'n dahil hindi pa rin humihina sa pag-agos ang dugo ko. Si Andrei na ang nagbukas ng bintana sa passenger seat. Mabilis na inilusot ko naman ang sarili roon.

Aish! I won't do that stunt again!

Nakita ko ang magulo kong buhok sa rearview mirror na ginulo ko pa lalo dahil sa inis. Kung hindi lang iyon ang mabilis at mabisang paraan ay hindi ko gagawin iyon. It was the easiest way for me to eliminate those who are coming after us. Mas madaling bumaril kung saan nakikita ko ang lahat ng kalaban.

"Aw..." daing ko dahil ang sugatang kamay ko pa pala ang nagamit ko.

"What happened to your hand?" tanong ni Sho na pasulyap-sulyap lang sa akin.

"Err. Nahiwa lang." Itinaas ko ang duguang kamay at ipinakita sa kanila. "I'm not infected. Kung natatakot kayong sakmalin ko kayo, e'di tingnan n'yo ang kutsilyo sa taas. May bahid pa iyon ng dugo ko dahil doon ako nahiwa. And don't worry, kapag na-infect ako ay papatayin ko agad ang sarili ko bago pa ako makapanakit ng iba. Hindi ko ugaling ipahamak ang ibang tao sa sarili kong katangahan."

"G-gamitin mo muna ito para pigilan ang pagdurugo." Iniabot ni Mich sa akin ang isang puting anyo na tinanggap ko na naman agad.

"Thank you." Umayos ako ng upo at tahimik na itinali na lang sa kamay ang panyo. Kumunot ang noo ko nang mapansing wala masyadong zombies sa dinaraanan namin. Hindi ko maiwasang hindi magtaka dahil dapat ay pakalat-kalat lang sila sa paligid.

"Ah, guys? Anong plano natin sa ospital?" biglang tanong ni Andrei kaya nagkatinginan kami ni Sho.

Nagkibit-balikat lang ako at isinandal ang ulo sa headrest. Pumikit ako dahil nakaramdam bigla ako ng antok at pagod. Wala pa akong tulog at hindi pa sapat ang mga kinakain ko kaya ngayon ay nanghihina ako at pagod na pagod.

"Get all the medicines that we may be needed and check if there's any survivors there. Of course, tingnan na rin natin kung may pagkain doon o mga gamit na pwede nating gamitin. Kailangan na rin nating maghanap ng iba pang armas. Hindi magtatagal ay mauubos ang mga bala ng mga baril na iyan. And please, guys, we need to do everything to survive in this outbreak."

Lihim akong napangiti sa narinig kay Sho.

Mukhang tapos na ang role ko rito...

ZOMBREAKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon