38th Break: Loss

3.1K 169 10
                                    

38th Break
Loss

ALESIA

I WANT them all to be safe. But I know in myself that I can't always protect them. Kitang-kita ko kung paano tangayin ng kakaibang halimaw si Lester.

Kinuha ni Sho ang baril sa akin at binaril iyon pero nakalayo na ito kasama si Lester. Natahimik ako at pinagmasdan ang takot at galit sa kanilang mga mukha.

"Move faster." malamig na saad ko.

"H-hindi mo ba nakita 'yon?! Paano kung sumugod ulit 'yon?! Sino naman ang tatangayin, ha?!" galit na sigaw ni Samuel sa 'kin.

Tinakpan ko naman ang tenga ni Shaun at masamang tiningnan siya.

"Nakita ko dahil may mata ko. Kung sumugod e'di sumugod. Paano naman kung hindi? At malay ko ba kung sino ang tatangayin niya e hindi naman kami magkauri." pabalang na sagot ko at iritadong umirap. "Tanga ba talaga kayo? This zombreak is like a survival game. Mabubuhay ang gustong mabuhay. Mamamatay ang mamamatay. Having me doesn't mean that you'll live. Tangina. Ano? Masyadong dependent sa akin? Ipapaala ko lang. May bata akong dapat buhayin. At kung gagamit man ulit ako ng pesteng kapangyarihan na 'to, para lang sa mga taong deserving at worth it mabuhay. Hindi para sa mga taong tine-take advantage ang kung anong mayroon ako."

"Calm down, baby girl." bulong ni Sho at marahang hinagod ang likod ko.

"Kalmado ako, baby boy. Dahil kung hindi, kanina ko pa pinatalsik ang mga iyan." Napairap ako pero hinawi niya lang ang buhok ko. "Tara na. Sobrang init na."

Malapit naman na kami sa destinasyon namin. Tangina. Isa pa 'yon sa ikinakainis ko eh. Kahit isa sa kanila walang nagtatanong kung saan kami pupunta o kung ano ang goal namin. Kung masamang tao lang talaga ako, baka unang linggo pa lang ipinain ko na sila. Lintik lang.

Patuloy lang kami sa pagtawid sa mga rooftop at hindi maiiwasan ang masugatan at magasgasan kami. Oo, kasama ako. Kailangan kong protektahan si Shaun gamit ang mga braso ko sa bawat pagtawid namin. Si Lysa at Dale lang ang nage-enjoy sa amin dahil patalon-talon lang sila. At naiinggit ako. I wanna jump from rooftop to rooftop too but Shaun is my top priority kaya hanggang tingin na lang ako.

"Nicole, kailangan mong talian ang sugat mo." saad ni Lysa.

Kasalukuyan kaming nagpapahinga ngayon. Ito na ang pinakahuling rooftop at natatanaw ko na ang two-way na kalsada na may iilang zombies.

"B-but the glass..." Mangiyak-ngiyak si Nicole habang nakatingin sa kapiraso ng bakal na nakatusok sa braso niya.

May isang building kasi ang nasusunog na at sa kamalas-malasan ay inabutan kami ng pagsabog. Mabuti na lang at nasa kasunod na kaming building kaya hindi kami nadamay noong mag-collapse na ito. Iyon nga lang ay nagliparan ang mga tipak ng semento, salamin at bakal. At sa malas ng babaeng ito ay siya lang ang natusok ng salamin. Kami ay puro tipak lang ng semento ang hinarap.

"Lysa, do what you have to." saad ko na sinagot niya ng pagtango. "Kailangang bago magdilim ay makarating na tayo sa Seven Estreda."

Ang Sitio Seven ay parang North Korea, hindi open sa lahat at may sarili kaming mundo. Malayo ito sa ibang lugar kaya kaunti lang ang dumarayo rito. Naglo-lock down din ito kung kinakailangan sa pamamagitan ng pagtaas ng kalsada bilang gate at ang paglabas ng mga pulang laser sa kagubatan.

May limang bayan dito sa Sitio Seven. Una ay ang Seven Estreda na lugar para sa mga mayayaman. Ikalawa ay ang Seven Nicholas na para sa mga may kaya. Dito nanggaling si Nathaniel. Ikatlo ay ang Seven Aquino na para sa mga opisyal ng gobyerno o may katungkulan. Ikaapat ay ang Seven Andiola na pinanggalingan namin. Ang lugar na para sa mga taong may trabaho sa gobyerno o 'di kaya ay sa labas ng Sitio Seven. Dito sila maniniharahan kasama ang kanilang pamilya. Ang huli ay itong Escalante na kinaroroonan namin. Ito ang main city ng lugar dahil naririto ang nagtataasang building, bars, mall at iba pa. Walang mahirap sa lugar namin dahil na rin sa maayos na pamamalakad nila. Ang problema lang ay may kapalit pala iyon.

Napailing ako nang sumigaw si Nicole dahil sa biglaan at mabilisang paghugot ni Lysa sa bubog.

"Pakitali, Migo." utos niya habang hawak sa isang kamay ang baso na sumasalo sa dugo ni Nicole. Nasa loob din no'n ang bubog na hinila niya. Agad sumunod si Migo kaya tinakpan na ni Lysa ng plastik ang baso. Matapos 'yon ay naglakad na kami pababa.

"Hold your weapons tightly and heightened your senses. Bababa tayo at lalabas ng building. Hinihintay tayo nina Dale sa sasakyan. Dalawa naman iyon kaya magkakasya tayo." seryosong saad ko bago nakangising lumingon kay Lysa. "Alam mo na, Lysa."

Tumango siya sa akin at hinawakan si Migo. Sabay-sabay kaming lalabas. Ibinigay ko kay Sho si Shaun at mahigpit na hinawakan ang kamay niya. Sa isang kamay ko ay ang baril.

Pagbukas na pagbukas namin ng backdoor ay agad kaming tumakbo palabas. Kakaunti lang ang zombie rito pero dahil naagaw namin ang pansin nila ay tumatakbo na sila papunta sa amin. Nagsimula na akong bumaril habang pinoprotektahan sila. Ako lang naman ang may armas na pang long range kaya ako lang talaga ang malayang makakakilos sa amin.

"Nasa taas lang ako, Sho." Isinara ko na ang pinto at agad umakyat sa taas ng van.

May parang railings ito sa bubong para sa mga gamit kaya may hawakan ako. Kasabay ng pag-andar ng kotse ay ang paglingon ko sa kabilang van at pagbaril ko sa zombie na pumipigil sa pintuan ng kabilang van. Nang matumba ang zombie ay nakita ko ang pagdugo ng braso ni Samuel.

Kingina. Ibinaba ko ang ulo sa bintana ni Nathaniel na siyang nagmamaneho sa amin. Kumatok ako sa kanya at sinenyasang ibaba ng kaunti ang bintana.

"Ano 'yon?!"

"Lumapit ka sa kabila! Tatawid ako! Nasugatan si Samuel!"

Sinunod niya ang sinabi ko. Mabuti na lang at pareho ng bubong ang dalawang van kaya hindi ako nahirapang tumawid. Mukhang alam ni Dale ang balak kong gawin dahil bumukas agad ang pinto ng van. Pumasok ako sa loob at agad na tinalian sa mga paa at kamay si Samuel gamit ang damit ni George. Siyempre hindi pa sapat iyon kaya pinaghubad ko rin sina Clent at Angelo na mga naririto pala. Binusalan ko rin ang bibig niya para hindi siya makakagat pa. Sa pinakalikod ko siya pinapuwesto. Hindi siya nagtatanong pero naiiyak siya. Alam niya ang mangyayari sa kanya.

Tinapik ko lang ang balikat niya dahil hindi ko rin alam ang gagawin. Wala na ring nagtanong o pumalag pa sa mga naririto dahil baka naipaliwanag na ni Dale sa kanila.

"Shit! Alesia, sa kabila!" sigaw ni Dale na agad kong ikinakaba. Pagtingin ko sa kabilang van ay nasa bubong noon ang halimaw na tumangay kay Lester.

"Tangina, umayos kayo ng upo at ililipat ko sila rito!"

"No, sila ang ilipat mo roon at dito mo papuntahin ang bwiset na iyan!"

"Dale..." Tumulo ang luha ko. Ngumiti siya sa akin sa pamamagitan ng rearview mirror.

"You know the truth, right? Kaya huwag kang umiyak, pumapangit ka."

"Pero—"

"We love you kahit ganito lang kami. You know our purpose, right? At iyon ay ang protektahan ka. Go, don't mind me."

Pinahid ko ang luha kahit nasasaktan ako. Nakita ko ang pagewang-gewang na pagtakbo ng kabilang van. Naririnig ko rin ang iyak ni Shaun. Napabuga ako ng hangin.

"I will use my power to buy some time para makalipat kayo sa kabilang van. Isama ninyo si Samuel. Bilisan ninyo ang pagkilos." Lumabas ako ng van at walang sabing tumalon sa kabila. Iniangat ko ang sarili at ng sapat na ang puwersa ko ay buong lakas na sinipa ko pababa ang halimaw. May butas na ang bubong kaya sumilip ako. "Tumigil kayo at lilipat sila dito. Pakiusap, walang magtatanong."

Kinagat ko ang pang-ibabang labi. Kasabay ng pag-angat ko ng tingin ay ang pagtitig ko sa halimaw. Hindi siya makalapit dahil sa ginagawa kong pagpigil. Dalawang minuto lang ang itinagal noon at pareho kaming nanghina. Naramdam ko ang pagbuhat ng kung sino sa akin pababa sa bubong at papasok ng van.

"You did well, princess. I love you." saad ni Dale at hinalikan ako sa noo. Sinundan iyon ng malakas na pagsara ng van. "Go."

Mabilis na umandar ang van. Ngunit hindi pa man kami nakakalayo ay nakarinig na ako ng pagsabog. Tahimik na tumulo ang luha ko bago ako lamunin ng dilim.

ZOMBREAKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon