29th Break: Tuesday Flashback

3.9K 198 9
                                    

29th Break
Tuesday Flashback

ALESIA

ISANG linggo na ako sa Del Madrid University. Wala pa namang kakaibang nangyayari ulit sa akin— well, maliban na lang sa buong araw akong na-detention kahapon.

Lunes na lunes ba naman ay may mga siraulong estudyante ang binalak akong gulpihin kahapon. May mga dala silang armas tulad ng baseball bat, mga hawakan ng mop at iba pa na pwedeng gawing armas na puwedeng makita sa loob ng school.

Nasa sampu rin silang pinatulog ko kahapon bago ako mahuli ng teacher. Hindi pa nga ako nakakapagpaliwanag ay sinigawan agad ako ng teacher at pinapunta sa detention room.

Oh, 'di ba? Ang saya-saya.

Sa tingin ko rin ay hindi siya maniniwala sa akin kapag sinabi kong 'self defense' lang ang ginawa ko dahil hindi naman iyon ang unang beses na may pinatulog akong kapwa ko estudyante. Bukod doon ay ako na ang numero unong sakit sa ulo ng mga guro rito.

Oo na, ako na ang mahilig sa gulo kahit siya naman ang kusang lumalapit sa akin.

Nakabusangot akong kumakain ngayon sa cafeteria na dinaig pa ang sementeryo sa sobrang tahimik. Ramdam ko ang mga tingin nila sa akin na nakakairita. Alam ko rin na kating-kati na silang pagtsismisan ako kaso hindi lang nila magawa dahil baka sapukin ko sila.

Tss. Para namang nananakit ako ng walang dahilan. Bumuntong-hininga ako at tinapos na ang pagkain. Tatayo na sana ako nang biglang mag-ingay ang kanina'y tahimik na mga estudyante. Araw-araw ay ganyan sila at hindi ko naman inaalam kung bakit.

Well, maliban ngayon.

Tumingin ako sa pintuan at nakitang may isang grupo na naglalakad. Apat na gwapong lalaki at dalawang magandang babae.

Sa itsura pa lang ay mukhang alam ko na ang mga ugali nila. Kumunot ang noo ko at pinagmasdan silang maglakad. 'Yong lalaking may kulay pula na buhok ay masungit at misteryoso ang dating. 'Yong isa naman na may green na buhok ay mukhang masayahin. 'Yong isa naman na blue ang buhok ay mukhang babaero at yung natitira na blonde ay mukhang suplado. Sa babae naman... Hmm. 'Yong isa mukhang fashionista. At 'yong isa ay mukhang mabait at masunurin.

Napatawa ako nang may naisip. Mukhang naglalakad na mga crayola ang mga lalaki. Pagkaupong-pagkaupo nila ay lumingon sa akin 'yong lalaking kulay pula ang buhok. Isang minuto rin kaming nagtitigan hanggang sa siya na ang unang umiwas ng tingin. Kumunot ang noo niya at nagsimula ng kumain.

Akala yata niya ay iiwas ako ng tingin porke't nahuli niya 'ko. Napailing ako at umalis na lang doon.

Buong araw ay hindi ako nakikinig sa klase. Kung hindi ako natutulog ay pinagmamasdan ko lang ang tanawin sa labas. Hindi naman ako takot na bumagsak dahil kayang-kaya kong ipasa ang lahat ng iyan kahit walang aral-aral.

Iyon nga lang ay may isa na imposibleng makapasa ako. 'Yong subject na may kinalaman sa pagpapakatao.

Napakuyom ako ng kamao nang maalala kung bakit ako nagkaganito. Napailing ako at inalis sa isip ang mga nakakasukang alaala na 'yon.

Lumipas ang oras hanggang sa mag-uwian na. Kanina ko pa gustong umuwi dahil gustong-gusto ko ng mahiga sa kama ko. Iyon nga lang ay napasimangot ako nang maalalang Martes ngayon.

Lintik. Cleaners pa nga ako.

Walang emosyon kong tiningnan ang kaklase kong babae na lumapit sa akin. Kaklase ko siya pero hindi ko siya kilala. Wala naman akong balak kilalanin ang kahit sino sa paaralang ito dahil makakalimutan ko rin sila. Nanonood lang naman sa isang tabi ang tatlo pa naming babaeng kaklase na kasama rin dapat naming maglinis. Lihim akong napangisi nang makita ang panginginig niya habang nakatayo sa harap ko.

ZOMBREAKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon