19th Break: Zombie Tsunami

4.4K 248 11
                                    

19th Break
Zombie Tsunami

ALESIA

"DO you really want to die, huh?!" Piningot ko ang tenga ng madaldal na lalaking ito. Kanina pa ako nandito at narinig ko ang lahat ng sinabi niya.

Now that I stopped denying my past, I finally remembered who he is to my life. I mean, naalala ko lang siya bilang kaibigan ko na idineklara ang sarili niya bilang manliligaw ko kahit hindi ko naman talaga pinayagan pero ngayong pinili kong alalahanin ang lahat, naalala ko na rin kung gaano siya kalapit at ka-importante sa akin.

"Alesia!" natutuwang tawag nila Mich at Andrei na sinuklian ko lang ng ngiti.

"What happened to you?" tanong ni Nate habang tinitingnan ang ayos ko.

Nakapagpalit na ako ng damit at puro itim ang kulay nito. Puno ako ng dugo kanina mula buhok hanggang binti kaya naligo at nagbihis muna ako bago bumalik dito. Binitawan ko siya at lumapit kay Sho dala ang bag na naglalaman ng sombrero, jacket, pares ng pajama at medyas na para kay Shaun. Nagdala ako nito dahil alam kong ibabalot lang nila sa kumot ang bata at hindi nga ako nagkakamali. Inalis ko sa carrier si Shaun at isinuot ang mga dala ko sa kanya sa tulong na rin ni Sho. Hindi ko muna ibinalik sa carrier si Shaun. Binuhat ko siya at niyakap para hindi siya tuluyang lamigin.

"Kailangan na nating umalis rito." panimula ko at sinenyasan silang lumapit sa akin. I rolled my eyes when Nicole didn't come near me. Huh, para namang kawalan siya.

"I don't wanna lapit to her!"

Tss. Pilipit na palaka talaga.

"George, huwag pilitin ang ayaw. It will be her fault naman if your group die because of her katangahan." Kinagat ko ang dila dahil parang pumilipit iyon.

Damn. Ayoko na nga ng frog language na iyan!

"What are—"

"Ang katangahan pa naman ay 'di dapat inaaraw-araw. Nakakaoverdose iyon, Nicole. Nakakamatay. Kaso sa level ng katangahan mo baka pati grupo mo, idamay mo." Ngumisi ako.

"You!" Namumula na ang buong mukha niya sa galit nang ituro niya ako.

"Me?" I pointed myself innocently. "Why are you getting mad at my words? Bakit? Tinatamaan ka ba?"

"Alesia." Sho warned me but the heck I care!

Okay. Medyo kumirot si heart. Medyo lang naman.

"Anong rights meron ka to speak to me ng ganyan?!"

"I have all the rights to say what I want because I... have your lives." I smirked. "In this zombreak, all the lives of survivors belongs to me. At nasa akin na kung hahayaan kitang mamatay o tulungang mabuhay. If I were you puputulin ko na ang mga sungay ko. Kasi kapag ako ang pumutol niyan, hindi mo magugustuhan."

"Alesia." tawag ni Mich kaya napatingin ako sa kanya. "Okay ka lang?"

Bumuga ako ng hangin at umiling lang sa kanya. Pagod kong kinuha kay Sho ang carrier. I'm not okay and I think, I will never be.

Isinuot ko ang carrier paharap at niyakap si Shaun na hindi ko pa rin inilalagay doon. I will protect you no matter what.

"Nawalan na 'ko ng ganang magsabi ng plano." Tumalikod ako at hinarap ang kababagsakan ko. "Kung gusto ninyo, sumunod na lang kayo, kung ayaw ninyo, e'di huwag. Ayaw ko ng maraming salita dahil hindi naman ako namimilit."

Hindi ko na sila hinintay na sumagot at bumaba na lang. Tahimik lang akong kumikilos at alertong pinakikiramdaman ang paligid.

"Sorry." saad ni Nate habang naglalakad kami sa dilim.

ZOMBREAKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon