43rd Break: Hurt

2.9K 168 7
                                    

ALESIA

"BAKIT mukhang masaya ka pa?" tanong ni Georgie habang tinatali pahiga si Samuel. "Ikaw lang ang nakita kong tinatraydor na, natutuwa pa."

"Ano bang dapat kong i-react? Malungkot? Magalit? Bakit at paano naman magiging ganoon ang reaksyon ko kung una pa lang ay wala naman akong pakialam sa existence nila?" Inirapan ko siya at tiningnan si Samuel. "Plus, hindi yun mawawala sa bawat kwento. Ang mga traydor ang mas nagpapaganda ng istorya at nagbibigay thrill sa bida."

"Kakaiba ka nga'ng talaga."

"What do you expect from Alesia Montes?" May bahid ng pagmamayabang ang boses ko. "Bilisan mo na lang dahil ready na akong tingnan ang kaibigan mo. Mag-ingat ka kung ayaw mong magaya sa kanya."

Hindi na siya nagsalita at hinigpitan na lang ang pagkakatali ni Samuel. Kailangan ko siyang tingnan para tama ang mga gamit na ihahanda nina Lysa. Ang pinag-uusapan namin kanina ay tungkol sa cure. Plano naming gumawa para maibalik sa dati si Samuel at ang iba pa. Isa pa, wala naman talaga akong pakialam sa mga traydor. But I can't move carelessly dahil may bata at mga kasama akong maaapektuhan. And they all know that. Ikalawa pa, ang mga traydor na iyon ang magdadala sa akin sa kanila ng walang kahirap-hirap kaya hindi ko pa sila ginagalaw.

"Maibabalik pa ba natin siya sa dati?" tanong niya habang pinagmamasdan ang kaibigan na angil ng angil.

Samuel is now a fully transformed zombie. Matalas ang mga ngipin niya, nanunuyot ang balat kaya medyo kulubot na at para siyang aso na naglalaway at umaangil. Wala kami sa bahay na pansamantalang tinutuluyan dahil lumipat kami. Ayaw kong malaman ng iba ang plano ko kay Samuel lalo na at may mga traydor na pwedeng sumabotahe sa akin.

Si Georgie, Nate at Lysa lang ang nakakaalam kung saan nakatago si Samuel. Kung ako ang tatanungin ay mas maganda kung si Nate na lang ang isinama ko rito at hindi si Georgie. Ako, si Lysa at Nate lang naman ang nakakaalam ng mga gusto kong mangyari. Hangga't maaari ay mas gusto kong sa aming tatlo lang muna umiikot ang mga impormasyon. Kaso hindi na mangyayari iyon dahil sa nangyari sa pagitan nina Nate at Sho kanina.

"Hindi ko alam. But I will do everything that I can." Napatingin ako sa relo ko. Alas nuebe na ng gabi. "Tara na. Bumalik na tayo."

Pagbalik namin ay halos magdilim ang paningin ko sa nakikita. Napangisi ako at pinanood pa sila. Pinaramdam ko rin ang presensya ko. Natigil sa pagbaba ng hagdan si Clent na kasama si Dana habang buhat niya si Shaun. Nanlalaki rin ang mga mata nilang dalawa.

"Ahas!" sigaw ni Dana at agad tumakbo pababa. Sinabunutan niya si Nicole at kinaladkad paalis sa kandungan ni Sho na takot at kinakabahan na nakatingin sa akin.

Nagsibabaan ang lahat ng marinig ang ingay nung dalawa. Hinayaan ko silang magsabunutan. Alam kong hindi magpapatalo si Dana at sigurado akong pupuruhan niya pa si Nicole.

"Alesia..." Hinagod ni Georgie ang likod ko kahit di naman ako umiiyak.

Bakit naman ako iiyak? Nakita ko lang naman si Nicole na nasa ibabaw ni Sho at naghahalikan. Wala namang kaiyak-iyak sa nakita ko. Kung gusto pa nga nila ay iwan namin sila sa bahay na ito para naman makapagsolo sila.

At saka ko pasasabugin ang bahay na ito para matusta silang dalawa! Nang sa gayon ay magkasama sila hanggang impyerno!

Tiningnan ko lang si Sho bago kunin si Shaun kay Clent.

"Alesia, he loves you." sabi ni Clent

"The last person who fell in love with me betrayed me. And now, your bestfriend cheated on me."

Buhat-buhat si Shaun ay dumiretso ako sa kwarto ni Nate. Dito muna ako magpapaglipas ng gabi. Kailangan kong lumayo muna hangga't hindi maayos ang pag-iisip ko. Sigurado akong paglalamayan kaming lahat kapag nakipagplastikan pa ako sa kanila. Alam kong nasa baba si Nate at nakikipagsuntukan kay Sho. Of course, he knew what happened to my previous relationship.

I tried calming myself by playing with Shaun but it's no use dahil paulit-ulit kong nakikita ang eksenang naabutan ko kanina. Malinaw na malinaw iyon sa isipan ko.

Mapakla akong tumawa. Kaya pala ayaw niyang gawin namin ang bagay na iyon dahil kay Nicole. Kaya pala kahit hubad na ako sa harapan niya ay nagawa pa rin niya akong tanggihan dahil si Nicole ang gusto niya. Gusto niya sa may experience na.

Oo, nang gabing mag-inuman kami ay inakit ko siya. I want to do it with him. I want him to be my first dahil hindi ako sigurado na siya rin ang magiging huli. But he rejected me. He told me that he's respecting me and he doesn't like premarital sex, that he believe in sex after marriage. Mas nahulog ako sa kanya dahil doon. Nirespeto ko rin ang gusto niya. Pero kasinungalingan lang pala iyon.

Tinitigan ko ang natutulog na si Shaun. Malamang na pagod ito sa pakikipaglaro kina Angelo. Napangiti ako at hinalikan siya sa noo. Sa mga oras ding iyon ay nakapagdesisyon na ako. Ayaw ko ng patagalin pa ang lahat dahil alam kong ganoon pa rin naman ang magiging resulta.

Ngayon ko naramdaman ang lahat ng pagod sa mga pinagdaanan ko. Manhid na ako sa pisikal at emosyonal na pananakit. Wala na akong maramdaman ngayon maliban na lang sa kagustuhang tapusin na ang lahat.

Hindi ko ito desisyon dahil lang sa nasaktan ako. Desisyon ko ito dahil matagal ko na dapat pang tinapos ang lahat at hindi na sana umabot pa sa ganito.

Naligo at nagbihis ako. Pumili ako ng damit kung saan ako komportableng makakakilos. Naghagilap ako ng papel at ballpen. Nagsulat ako ng ilang habilin bago yun iwan sa side table. Umapak ako sa bintana at nilingon muna sa huling pagkakataon si Shaun bago ako tumalon.

Napatingin ako sa buwan. Nasasaktang ngumiti ako kasabay ng pag-alpas ng mga luha ko.

Biglaan man ang naging desisyon ko ngayong gabi, sigurado naman akong hindi ko pagsisisihan 'to sa huli.

Para sa mga kaibigan ko, anak ko at sa lalaking mahal na mahal ko. Handa akong isuko ang sarili ko.

~*~

ZOMBREAKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon