9th Break: Emotion

5.5K 318 20
                                    

9th Break
Emotion

ALESIA

"MATAGAL pa ba tayo? Gosh. Sobrang init na." reklamo ni Dana.

Napapikit ako nang mariin para pakalmahin ang sarili. Calm down, Alesia. Calm down.

Napailing ako at nagsimula ng gumapang ulit. Ang isang kamay ko ay ginagamit kong pang-alalay sa bata at ang isa naman ay para makagapang ako. Lahat ng nadadaanan naming kuwarto sa ibaba ay hindi puwedeng tambayan. Masyadong marumi at hindi iyon puwede sa bata.

"Stop complaining, Dana. Hindi tayo naglalaro rito-" saad ni Sho na pinutol ko.

Naiirita na ako.

"Titigil ka sa kakareklamo mo at magtitiis o mamamatay ka ritong pinipira-piraso ng mga zombie na 'yan?" Hindi ko mapigilang magtaas ng kilay kahit wala namang makakakita. "Hindi lang naman ikaw ang naririto, 'di ba? Naririto rin kami. Sa tingin mo ba'y hindi kami naiinitan at nahihirapang huminga? Pero narinig mo ba kaming nagreklamo? Hindi naman 'di ba? So,shut the fuck up and follow them silently. One more word from you and I'll push you down to the room that's full of zombies. Fight me."

Aaminin ko, may pagkamaarte rin ako pero hindi 'yon pwede sa ganitong sitwasyon. Mapapaaga kamatayan ko 'pag gano'n.

"Ssshh..." suway ni Sho sa amin. "May naririnig kayo?"

Natahimik kaming lahat at pinakinggan ang paligid. Pare-pareho kaming nagmamadaling gumapang dahil mukhang may humahabol sa amin! Base sa tunog ng kilos nito ay mabilis itong gumalaw at walang pakialam kung makalikha siya ng ingay.

Damn it. Kung zombie 'yan, wala kaming laban 'pag nagkataon.

"S-saan tayo pupunta?" rinig kong tanong ni Mich. "Lahat ng kwarto sa ibaba ay m-maraming zombie."

Think, Alesia. Think.

"Sho, pakikuha naman no'ng baril ko." utos ko sa lalaking nasa likuran ko.

Si Clent ang nasa pinakaunahan, ikalawa si Andrei, sunod si Mich tapos si Dana, ako, si Sho at si Angelo na nasa pinakadulo. Alam kong sa mga oras na ito ay halos manginig na sa takot si Angelo dahil sa siya ang nasa huli at unang makikita ng nilalang na tila humahabol sa amin. Naiintindihan ko ang nararamdaman niya kaya mas kailangan kong mag-isip ng paraan.

"Where?"

"Sa ilalim ng palda ko."

"What?!" mahinang singhal niya.

I rolled my eyes in annoyance. "Just get it and give it to me. Why are you hesitating? It's not that you're gonna touch me, I have my pants under my skirt."

Jusko. Kailangan ko na 'yong baril bago pa kami mahuli ng kung sinumang humahabol sa amin.

Walang imik na kinuha nga niya 'yon at iniabot sa akin. Napailing na lang ako dahil halata ang pagmamadali sa kilos niya.

"Dana, pakipasa kay Clent." utos ko at iniabot sa kanya ang baril. "Clent, use that gun to eliminate everyone in the next room. It has a suppressor so, no worries "

Kanina pa kasi kami may nadadaanang mga kwarto pero marumi naman at puno pa ng zombies. Ang plano talaga namin ay maghanap ng kuwartong may kakaunting zombies para hindi sayang sa bala o 'di kaya ay kuwartong wala talagang zombie. Ngunit dahil may hindi inaasahang pangyayari, wala akong choice kun'di ipapatay kay Clent ang lahat ng makikita niya sa susunod na kwarto o pare-pareho kaming mamamatay dito.

Ilang minuto pa at isa-isa na kaming bumababa. Sinalo ako nina Clent at Andrei dahil nahihirapan akong makababa kaya tumalon ako. Agad kong kinuha kay Clent ang baril at itinutok sa nilabasan namin matapos bumaba nina Angelo. Pabilis nang pabilis ang kilos at palakas nang palakas ang tunog na nililikha ng nilalang na iyon. Ibig sabihin lang no'n ay malapit na siya sa amin.

"Come, baby, come." I sang then smirked as I pulled the trigger 'till it runs out of bullet. "Damn, another pokemon evolution."

"W-what was that?" Napaupo si Dana habang nakatingin sa bangkay na bumagsak.

It's not an ordinary zombie. Hindi na ito anyong tao lang na may kung ano-ano lang sa katawan. This guy is full of muscles. His body is huge, literally. Mukha siyang mini version ni Hulk pero hindi siya kulay green. I was staring on his body for minutes when I noticed something. Kumunot ang noo ko at pinakatitigan iyon.

"Lumayo kayo." wika ko habang hindi inaalis ang tingin sa katawan nito. Mabilis kong inalis ang suot kong carrier kung nasaan ang bata at iniabot kay Sho. "Magtago kayo."

"A-anong mayroon?" tanong ni Mich.

Hindi ako sumagot pero nakita ko ang pagbakas ng takot at panlalaki ng kanyang mga mata sa likuran ko.

"Layo!" sigaw ko at umikot para sipain ang atake mula sa aking likuran. Tumama ang binti't tuhod ko sa braso ng pangahas. Inangilan lang ako ng zombie na ito at muling inatake.

I sighed and gave everything that I have. Lahat ng suntok at sipa ay buong pwersa kong ibinibigay para mas malaki ang maging damage sa kanya. Napaubo ako nang masakal niya ako.

The way he fights... It's like that he's just a person who knows martial arts.

I kept on struggling from his grip but when his eyes met mine, everything stopped. Hindi dahil sa attracted ako kun'di may napansin ako. Puti ang gitna ng mga mata niya. Para iyong ilaw na napapalibutan ng kadiliman. I shrugged my thoughts and gave him another blow. Tinuhod ko siya sa sikmura na sinundan ng pagsipa ko sa kanyang mukha. Walang pagdadalawang-isip na pinilipit ko ang ulo niya. Kumalma lang ako nang marinig ang pagkabali ng buto niya at ang hindi niya paggalaw sa sahig.

He's dead. And I killed him in front of them.

Wala rin naman akong pakialam kung nanonood sila. Balewalang pinunasan ko ang mukha at tiningnan sila.

"We should keep going." basag ni Sho na tinanguan ko lang.

I didn't speak not because I don't want to, it's just that... something is bothering me.

Hindi ko muna kinuha si Shaun kay Sho. Alam ko namang hindi niya pababayaan ang bata. At isa pa, wala ako sa huwisyo.

Stop thinking about that, Alesia. Stop remembering what happened before. I sighed and shrugged my head. Kinuha ko ang kutsilyong nakita ko kanina sa isang tabi at pinaglaruan sa kamay ko.

But I can't stop thinking about it!

"S-saan ka pupunta, Alesia?" tanong ni Mich

"Sa NICU." I unknowingly used my cold voice. Na-realize ko lang 'yon nang makita ang pagbakas ng takot sa mga mata niya. Umiling lang ako. "Pumunta na lang tayo sa NICU."

At dahil alam ko ang daan papunta roon ay ako na ang naunang maglakad. Gustuhin ko mang mapag-isa ay may isang nilalang ang agad na tumabi sa akin.

"Are you okay?"

I rolled my eyes heavenwards. "I'm fine."

"You're lying, you're not okay."

"At paano mo naman nasabi, Pula?" Nakangising nilingon ko si Sho.

Nasa harapan niya ang natutulog na sanggol at sinusuportahan ito ng mga braso niya kahit may carrier naman.

"Your eyes..., they're showing what you really feel."

I laughed wholeheartedly and blink three times. "There. I told you, I'm okay."

Get a grip to yourself, Alesia. Don't let them know who you are.

ZOMBREAKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon