35th Break
WishDANA
"Something's wrong with her." Sho whispered but enough for me to hear. Nakatingin siya kay Alesia na kausap si Dale at Nathaniel.
"She looks normal to me, Sho." sabi ni Clent. Lumapit na rin sina Angelo at Andrei sa dalawang lalaki. At medyo hinila naman ako ni Mich palayo sa apat para hindi nila mahalatang nakikinig kami.
'Coz duh, we're curious on what they were talking about.
"Parang wala namang problema si Alesia." bulong ni Mich sa akin.
"She's simply avoiding Sho." saad naman ni Angelo.
Ba't parang baliktad? Si Clent dapat ang nakapansin no'n dahil siya ang observant sa amin.
Anyway, naiintindihan ko na. Napansin ko rin 'yon dahil tatlong araw na kaming naririto sa building na 'to. Sa tuwing lalapit si Sho ay tipid na ngingiti si Alesia kay Sho tapos lalayo. Si Dale at Nathaniel na rin ang madalas na humawak kay Shaun. At 'yong dalawa rin na 'yon ang madalas kausapin ni Alesia pati na rin si Lysa.
"Ano bang mayroon sa inyo, Sho?" tanong ni Andrei na nakakunot ang noo.
I know that there's something going on between them. They've even kissed each other like we're not existing that day. Hindi naman magpapahalik si Sho kung wala lang. Pero ano nga ba talaga ang label nila?
"They obviously like each other. Or is it more than that?" wika ulit ni Mich.
"I think it's the latter. We all know naman na nakuha ni Alesia ang atensyon ni Sho nang hindi niya nalalaman. Remember what happened last Thursday of June?" I asked.
I can still vividly remember what happened that day because that was the first time that I saw Sho smiling like an idiot while looking at Alesia.
"Tss. Hindi ko alam." Sho answered lazily. "I confessed my feelings to her when I was driving the bus. I'm not rushing her yet she gave a positive answer and now, she's acting like that."
Oh, I think that was the night that I saw her backhugging him.
"Woah!" Those three idiots said in unison.
Halatang hindi sila makapaniwala sa nangyari. Kahit kami naman ni Mich. Napatingin ang lahat sa gawi namin na agad naman naming ikinailing para sabihing ayos lang kami.
Ang iingay kasi. I rolled my eyes at nagpatuloy na sa pagtingin sa paligid. Kanya-kanya na ulit sila ng daldalan katulad namin.
"Hindi ka na torpe, bro!" Angelo jokingly patted Sho's back.
"You like her for him?" Mich asked with a wide smile on her face.
"Yeah. Bagay naman sila." kalmadong sagot ko.
I really like Alesia for Sho kahit hindi maganda ang naging unang pag-uusap namin. Hindi siya katulad ng ibang babae dahil napakakakaiba niya. Kaya siguro nagustuhan siya agad ni Sho. She's unique in her own way.
"I agree." She grinned. "I wonder what their babies will look like."
Bahagya akong natawa ngunit agad ding natigilan nang mapadapo kay Shaun ang tingin ko. My heart beats so fast while staring at those innocent eyes of him. Ipinilig ko ang ulo dahil napakaimposible ng iniisip ko. Ilang segundo lang iyon pero nakita ko ang batang Sho sa mukha ni Shaun.
"Form a circle, guys." Nathaniel clapped his hands three times.
Sumunod naman kami agad. Lumapit si Sho at kay Alesia na himalang hindi siya nilayuan. Magkatabi silang nakaupo sa sahig habang na kay Alesia si Shaun. Katabi ko si Clent at si Mich. Dale entered and sat inside the circle. May hawak siyang papel at ballpen.
"That's the Sitio Seven's map." saad ni Alesia matapos ibato kay Dale ang isang nakarolyong papel.
"Okay, let's start." panimula ni Dale. "Sitio Seven is an island-like version of Manila. May main city tayo na tinatawag na Escalante. We have four districts inside the main city. Ang iba ay nadaanan na at ang natitira ay madadaanan pa lang natin. Pero mas mag-focus muna tayo rito sa Escalante..."
Nagsimula na siyang magpaliwanag sa mga gagawin namin sa oras na makalabas na kami rito. First, we have to gather more lethal weapons. Next is to get anything that we can eat for at least a week. Then, find a place where we can stay or have a full rest for days or even a week. Lastly, repeat the three steps.
"Sa oras na lumabas tayo sa building na 'to, roon na magsisimula ang totoong laban ninyo." Alesia said after her brother's long explanation. "Hindi ito katulad ng mga nakaharap ninyo, natin, noon. Mas marami rito at mas delikado. Dito masusukat kung ano ba talaga ang mga kaya ninyong gawin para maka-survive. Yes, you have friends with you, but you can't rely on them every time. Kung gusto ninyong mabuhay ang isa't isa, magtulungan kayo sa paraan na hindi kayo magiging pabigat. But remember this words, in every circle of friends, there will always be a traitor. Swerte n'yo na lang kung wala."
Her words made me nervous this time. Napatingin ako sa mga kaibigan ko.
I do believe that none of us is a traitor or will be one. We know each other for almost two decades and betrayal is too imposible to happen. I trust them and our friendship.
"Bakit napakaexpert mo sa ganitong bagay?" tanong ni Samuel.
Nakita namin ang pagtititigan nina Alesia at Lysa kahit saglit lang 'yom. Pareho silang ngumisi at umiling-iling bago tumawa.
"Anong nakakatawa?" tanong ni Migo.
"Wala." nakangising sagot ni Lysa.
"I love watching zombie movies, Samuel." Alesia answered with a wicked smile. Saglit lang iyon pero kinilabutan ako. "And because of that, being a survivor of this zombreak is easy for me. Walang masama kung i-apply ko ang mga natutunan ko."
"Stop asking her and just rest. Aalis tayo bukas ng umaga." saad ni Lysa at hinila na si Migo papunta sa higaan nila. Ganoon din ang ginawa namin ni Mich. Nagkanya-kanya na kami ng pwesto at gawa.
"Dale, sa iyo muna si Shaun. Nasa rooftop lang kami ni Sho." Ibinigay niya sa kapatid si Shaun at hinila palabas si Sho.
"Tingin mo makakasurvive tayo?" mahinang tanong ni Mich.
"Hindi ko alam. Puwedeng maka-survive tayo ng ilang linggo o buwan, puwede ring hanggang matapos ang lahat ng 'to. Pero kailan nga ba 'to matatapos?" Malungkot akong ngumiti. "I miss my parents. I miss my life before this happened."
"Bakit nga ba ito nangyayari?" Ipinatong niya ang baba sa tuhod. Ganoon din ang ginawa ko.
"I don't know. All I know is I want this to end at magbalik na sa normal ang lahat."
A wish of mine that will never be granted.
BINABASA MO ANG
ZOMBREAK
Science FictionVessels of Martiri #1 Do you know how to defend yourself? Perhaps, to kill? How 'bout being independent? Self-reliant? If you have or can do this two, then congratulations! You can definitely survive as long as you can Because as day one started...