THIRD PERSON'S POV
PANAY ang paglalaro ni Alesia sa mga bula sa bathtub. She left them to unwind and pamper herself before everything fall into the right places. Ang mga naunang plano ay babalewalain na lamang niya.
Bumuntong-hininga siya at inilubog lalo ang sarili sa tubig. Ipinatong niya ang ulo sa gilid na tub. Napahilot siya sa sentido. She clearly remember everything now. Lahat-lahat, walang labis, walang kulang. Paanong hindi niya maaalala e nasa mismong lugar siya kung saan nagsimula ang lahat?
"You need to train her." Narinig niya ang boses ng ina.
Bahagya siyang sumilip sa pinto na may maliit na siwang. Nandoon ang mga magulang at kaharap ang kapatid niya. Alam niyang masama ang makinig sa usapan ng iba pero mas masama naman yata kung siya ang pinag-uusapan nila tapos wala siyang kamalay-malay sa mga gagawin nila sa kanya. At least kapag nakinig siya, mapaghahandaan niya pa ang plano ng mga ito sa kanya.
"But mom! Four years old pa lang siya!" bakas ang matinding pagtutol sa boses ni Dale. Hindi siya makapaniwala sa narinig kahit alam niyang mangyayari talaga ito. Pero hindi pa rin siya papayag. Masyado pang bata ang kapatid niya!
"Pero Dale---"
"Dad! Hindi ako papayag! Kahit anong pilit n'yo sa 'kin ngayon, hinding-hindi n'yo ako mapapapayag. Let her enjoy being a kid. Pero 'wag kayong mag-alala, unti-unti ko siyang tuturuan. Ite-training ko lang siya kapag six years old na siya."
May init na humaplos sa puso niya dahil sa narinig sa kapatid. Aware naman siya na sooner or later ay magsasanay din siya tulad ng sa kapatid niya pero maging siya ay hindi akalaing magiging ganito kaaga. Kailangan nilang magkapatid magsanay dahil sa trabaho ng mga magulang nila. Parehong scientist ang mga ito at nagtatrabaho sa gobyerno. Hindi sila simpleng siyentista lang dahil kasapi ang mga ito sa isang organisasyon na pinamumunuan ng gobyerno at gumagawa ng mga ilegal na gawain.
Alam niya dahil nag-oobserba siya. Ilang beses lang sa isang taon kung umuwi ang mga ito. Hindi sila pwedeng magkasama lagi ng pamilya niya dahil sa dalawang dahilan, a) masyado pa silang bata para malagay sa delikadong sitwasyon, b) hindi pwedeng may ma-miss na ilegal na impormasyon ang mga magulang nila.
Mula ng marinig niya iyon sa mga magulang ay nanonood na siya ng kung ano-anong palabas na may kinalaman sa action or sci-fi. Sa loob ng dalawang taon ay nagawa niyang ilihim sa mga magulang at kapatid ang pagsasariling-sikap niya. Kaya ng mag-anim na taong gulang siya at nagsimula ng magtraining, ganoon na lamang ang gulat ng mga ito sa mga kaya niyang gawin.
Kahit naman nagte-training na siya ay may oras pa rin siyang maglaro. Sina Lysa at Nathaniel ang palagi niyang kalaro. Minsan naman ay sumasali ang kapatid niya sa kanilang tatlo o mahahati silang apat sa dalawang grupo. Syempre, si Lysa ang kasama niya. Sumali rin sa training niya ang dalawa para naman daw may karamay siya.
Akala niya ay magiging okay na ang lahat pero nagkakamali siya. Dahil noong walong taong gulang na siya ay saka naman may nagtatangkang kumuha sa kanya. Their first attempt was when she's walking with Lysa at Nathaniel. Pauwi na silang tatlo at sanay naman silang naglalakad lang nang may humintong van sa mismong tapat nila. Mabilis na bumukas ang van at may bumuhat sa kanya pero agad niyang kinagat ang kamay nito kasabay ng pagbibigay ng warning shot ng gwardiya ng eskwelahan sa van.
Mula noon ay hinahatid-sundo na siya ni Dale. Minsan pa nga ay binabantayan siya nito hanggang matapos ang klase nila. Pero akala nila ay titigil na ang mga ito. Tatay niya ang sumundo sa kanya ng hapon na yon. Masaya siyang nagkukwento sa ama ng mga nangyari sa kanya ng araw na yon nang may bumangga sa kotse nila.
BINABASA MO ANG
ZOMBREAK
Science FictionVessels of Martiri #1 Do you know how to defend yourself? Perhaps, to kill? How 'bout being independent? Self-reliant? If you have or can do this two, then congratulations! You can definitely survive as long as you can Because as day one started...