20th Break: Shot

4.2K 241 7
                                    

20th Break
Shot

ALESIA

"SINO ang nagpasabog?" Umayos ako ng tayo at binitawan na ang pole na kulang na lang ay mabali dahil sa higpit ng pagkakahawak ko rito.

Binuhat ko si Shaun na nagising sa pagsabog at napagdesisyunang mag-ingay din. Pinatahan ko muna siya bago bigyan ng pacifier. Pumunta ako sa unahan at sinilip ang nangyari sa likuran gamit ang sideview mirror. Nakahinga ako ng maluwag nang makalayo kami sa pagsabog.

"Sila." sagot ni Migo at itinigil ang bus ng ilang hakbang ang distansya mula sa isang puting van na nakaharang sa gitna ng kalsada.

Naalerto kami ng bumaba ang mga sakay ng van dala ang kani-kanilang mga armas at naglakad papalapit pa sa amin. Sinisenyasan nila kaming bumaba na agad kong ikinailing.

"Hindi tayo bababa." mariin kong wika dahil nararamdaman kong hindi mapagkakatiwalaan ang mga iyan. Idagdag pa ang pananamit nila na mukhang pang-terorista.

Hindi ako judgemental. Sadyang hindi lang sila mukhang katiwa-tiwala.

"But they're gonna kill us." kalmadong saad ni Lysa.

Nakatutok na sa amin ang mga baril nila ngayon. Nakita marahil nila ang pag-iling ko kanina.

As if I care.

"Bumaba na lang tayo." wika ni Lester na agad lumapit sa pinto.

Bago ko pa siya mapigilan ay nakarinig na ako ng malakas na putok ng baril na sinundan ng malakas na sigawan ng mga babae. Nakisabay na rin si Shaun na nagulat sa nangyari.

Shit! Sobrang ingay!

Tumalikod ako at akmang sisigawan sila nang makarinig ulit kami ng malakas na pagputok ng baril na sinundan ng mainit na pagtama ng kung anong bagay sa likod ko. Napaubo ako ng dugo kasabay ng lalong pag-iyak ni Shaun.

Nakakapunyeta.

"Alesia!"

"Shit!"

"You're bleeding!"

Humugot ako ng hangin at pinilit na pinamanhid ang sarili. "I'm okay. The pain is bearable."

Bearable my ass. Napangiwi ako nang makaramdam ng bahagyang panghihina.

"But you're gonna die if you lost too much blood!" sigaw ni Dana na hindi ko pinansin.

"Sho, nasaan ang baril?" tanong ko kay Sho na nakatiim-bagang at masama ang tingin sa labas. Kuyom na kuyom ang mga kamao niya na animo'y handang makipagsuntukan anumang oras. Napabuntong hininga ako dahil parang hindi niya ako narinig. "Baby boy, I need the gun."

Nang hindi pa rin siya kumilos ay ako na ang kumuha ng baril sa kamay niya. Ibinigay ko kay Clent si Shaun at saka lumabas. Gaya ng inaasahan ay tinangka rin nila akong barilin. Mabuti na lang at mabilis kong naiharang ang baril sa bala. Napataas ang sulok ng labi ko nang makita ang gulat sa mga mata nila.

Ano bang nakakagulat doon?

"Tss. Padalos-dalos kasi." pasaring ko habang nakatingin kay Lester na may tama sa hita. "Nate, Migo, pakitulungan nga ang isang 'to."

Lumapit ako sa unahan ng bus para protektahan sila sa oras na mamaril muli ang mga ito. Humugot ulit ako ng hangin ng bahagyang dumilim ang paningin ko.

"Padaanin n'yo kami." walang ganang wika ko. Nang lumapit ako ay doon ko sila napagmasdan ng mas maayos.

At masasabi kong hindi talaga sila mukhang mapagkakatiwalaan.

ZOMBREAKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon