31st Break: Fear

3.2K 191 10
                                    

31st Break
Fear

DANA

I DON'T know what I should feel right now. I'm nervous, afraid, confused— basta, halo-halo ang mga emosyon ko ngayon.

After watching Alesia throw everything what she could get, kumalma na rin siya. Lahat kami ay hindi maintindihan ang nangyari. Lalo na at kulay pula pa rin ang mga mata ni Alesia. Hindi pa 'yon bumabalik sa dating kulay.

"I'm sorry..." Dale whispered and looked at us apologetically.

Hindi na kami nakapagsalita dahil tumayo si Alesia at malamig na tiningnan kami. Nang dumako ang tingin niya kay Sho ay ngumiti siya kasabay ng pagbalik sa dating kulay ng mga mata niya.

"Umakyat kayo sa rooftop. May mga zombie na parating na rito." saad ni Alesia at lumingon kay Dale na parang walang nangyari. "Be ready."

"Dans..." Lumapit sa akin si Clent na hawak pa rin si Shaun. He held my hand that made my heart skip a beat. Alam kong mali ang kiligin sa mga oras na 'to pero hindi ko mapigilan.

"Sa akin na muna si Shaun." Alesia smiled at us. Tipid lang iyon at halata ang problema sa mga mata niya. "I'm okay."

I blinked few times and closed my mouth. I was about to ask her if she's okay pero mabilis na niyang nasagot 'yon. Clent gave Shaun to her.

"Ready your weapons and protect yourselves. If you can protect others, do it." anunsyo ni Dale na nakatingin kay Alesia na naglalakad palapit kay Sho habang hawak si Shaun.

"Do you think I will let them do that? Kulang ang armas natin. And that fact alone can tell you what's running on my mind." Alesia smirked and gave Shaun to Sho. "Protect him with all your might."

Inilahad ni Alesia ang kamay at kusang pumunta sa kanya ang baril at espada. Lahat yata kami ay napalunok sa ginawa niyang yun.

"Lead them the way out, Dale." She seriously commanded her brother with her cold voice and eyes. "Susunod ako."

"Alesia naman..."

"You can't change my mind. Just go and protect them."

Nakarinig kami ng mabibigat at mabibilis na yabag. Gumapang agad ang takot at kaba sa sistema ko.

"Calm down, Dans. I will protect you." Clent's soothing voice is enough to calm me down. I smiled and gave him a nod.

"Be careful." rinig kong wika ni Sho.

I saw him talking to Alesia, who's just looking at him directly. My eyes widened when Sho kissed her forehead. Pero mas nanlaki yata ang mga mata ko sa ginawa ni Alesia. Hinila niya si Sho at hinalikan sa labi! I heard Nicole whining about them pero hindi tumigil sa paghahalikan 'yong dalawa lalo na ng tumugon si Sho.

"Huwag mong hayaang lapitan ka ng kahit sinong ahas, Sho. Hindi kita pinoprotektahan para lang lingkisan ng iba." She raised her brow to Nicole. "Ang akin ay akin."

Shit! Bestfriend ko na talaga siya! I badly wanted to laugh when I saw how priceless her reaction is. Serves you right Nicole the bitch!

"Yes, baby girl." Ngumiti si Sho. Iyon 'yong ngiti niya na ngayon lang namin ulit nakita. At dahil sa parehong tao pa.

"Good, baby boy." Tumingin ulit si Alesia kay Dale. "Protect them well, Dale. Baka sakaling magbago ang isip ko."

"Siguraduhin mo lang na susunod ka sa amin." mariing wika ni Dale na walang ganang tinanguan ni Alesia. "Sumunod na kayo sa 'kin."

I don't want to let her fight alone but I also don't want to be a burden to her. I know that she can do it. I trust her.

Sumunod kami kay Dale at paakyat na naman kami sa rooftop. I don't wanna be a bitch right now that's why I'm keeping myself quite. Wala rin naman akong sasabihin. Pinanood ko si Dale na kumuha ng mahabang lubid at itali yun sa matibay na talian.

"Tatalon tayo." anunsyo niya na ikinalaki ng mga mata ko. Napatingin ako sa kabilang building. Medyo malapit lang yun sa amin at mas mababa kumpara sa kinatatayuan namin.

But, damn it! Mamamatay pa rin kami kapag nahulog kami!

"Don't be nervous. You can do that, Dans."

Sa pagkakataong 'to, hindi na ako nagawang pakalmahin ng boses niya. Kinakabahan ako ng sobra.

"Ako muna ang tatawid."

"Dale!" All of us called his name nang bigla siyang tumalon papunta sa kabilang building.

"I'm still alive!" He shouted and did his thing there. Ikinabit niya ang kabilang dulo ng lubid sa matibay na kabitan. "One by one!"

"Ako na muna." Nathaniel volunteered at kumapit na sa tali. "It's easy, guys! Huwag lang kayong titingin sa baba!"

You can do it, Dans. I chanted repeatedly. Pinapanood ko si Mich na tumatawid na papunta sa kabila. I know that she's nervous too but she doesn't want to be left behind kaya nilalabanan niya ang nararamdaman. 

It's my turn now. I told to myself when she succeed going there.

"You can do it, Dans. Don't look down, okay?"

I just gave Clent a nod bago humawak sa lubid. Nanginginig ang mga kamay ko at agad na umiling.

"H-hindi ko kaya." Namuo ang luha sa mga mata ko. "Sorry..."

"Mauna na kayo, George." rinig kong saad ni Sho.

"I'm sorry..." I whispered and let my tears fall. Takot talaga ako sa heights. I let Clent hug me as he caress my hair. His gestures made me calm down a bit.

"Mauna ka na, Clent." wika ni Sho.

Kumalas ako sa yakap niya at tiningnan ang paligid. Kami na lang nina Sho ang narito.

"Go, Clent." I whispered as I wiped my sweats and tears.

"Paano kayo?" tanong niya na nasa akin pa rin ang tingin.

"Susunod din kami. Ako na ang kakausap kay Dana."

"Sumunod kayo." Lumambitin na siya sa lubid at gumapang papunta sa kabilang building.

"Sumunod ka na Dana." maawtoridad na saad ni Sho na agad kong inilingan.

"H-hindi ko talaga kaya, Sho." I badly want to live, to survive from this outbreak. Pero hindi ko talaga kaya. "I'm sorry..."

"I know that you have fear in heights—"

"I can't, Sho." Umiling-iling ako sa kanya. "I really can't. J-just go and protect him for me."

"Dana!" Clent's voice roared, making me cry harder. Nakita niya marahil ang pag-iling ko.

"Just go, Sho."

"Itatawid ko lang si Shaun at kukunin kita."

I smiled when I sensed determination on his voice. I nodded to him even though I know that it'll be impossible to happen. Pinanood ko siyang maingat na lumambitin sa lubid. Tahimik lang si Shaun na parang alam kung ano ang nangyayari kaya hindi siya naglilikot sa bisig ni Sho.

"Dana!" They shouted in unison no'ng bumukas ang pintuan ng rooftop at lumabas ang madaming zombies. I smiled bitterly when I heard my friends crying and desperately calling for me. I closed my eyes, waiting for my death.

ZOMBREAKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon