32nd Break
FamilyMICHONNE
"DANA!" sigaw naming lahat nang makita ang napakaraming zombies sa pinanggalingang rooftop.
Kinakabahan ako at natatakot para kay Dana. Naiiyak na rin ako. Ayaw kong mawalan ng kaibigan. Ayaw ko.
Pero nasaan si Alesia? Hindi ba niya kinaya? Ipinilig ko ang ulo sa naiisip. Matatag si Alesia at hindi niya ugali ang magpatalo. Please come and save her, Alesia.
Alam kong darating si Alesia. Palagi siyang sumusulpot kapag nasa ganitong sitwasyon kami.
"Damn it! Bitawan n'yo ako!" sigaw ni Clent na pilit kumakawala sa pagkakahawak nina Nathaniel at George.
Gusto niyang bumalik at iligtas si Dana kaya pinipigilan nila siya. Sa dami ng zombies, imposibleng makaligtas pa silang dalawa. Gusto ko ring bumalik pero anong gagawin ko? Hindi pa ako ganoon karunong makipaglaban. Baka maipahamak ko pa siya.
Pero ayaw kong tumunganga lang.
"Gusto kong bumalik." bulong ni Angelo habang nakatingin kay Dana na hindi gumagalaw sa kinatatayuan.
"Ako rin." wika ko.
"Andrei!" sigaw ni Sho. Nakita ko si Andrei na nakakapit na sa lubid.
"Lintik! Gusto kong bumalik, Sho!" angil ni Andrei. Lalapit na sana kami sa kanya para tumulong pero nakarinig kami ng sigaw.
"Tangina! Huwag kayong magulo riyan!"
Natahimik ang lahat sa boses na iyon. Nabuhay ulit ang pag-asa sa dibdib ko dahil sa kanya. Nakita ko si Alesia sa kabilang building na nakikipaglaban. Hanggang ngayon ay palaisipan pa rin sa akin kung paano siya naging magaling sa pakikipaglaban. Ibang-iba sa Alesia na nakilala ko sa eskwelahan.
"Alesia! Sa likod mo!" hindi ko mapigilan ang mapasigaw.
Isang malaking zombie ang aatake sa likuran niya. Kasing tangkad nito ang dalawang tao at may hawak na malaking palakol.
"Tangina! Buhay ka pa?!" iritadong sigaw ni Alesia at nilingon si Dana na nakakapit na sa lubid. Isang malaking hakbang lang ay siguradong hulog na siya. "Humawak ka lang sa lubid, Dana!"
Iwinasiwas ng malaking zombie ang hawak na palakol. Umatras lang nang umatras si Alesia hanggang sa mapalapit siya kay Dana.
"Dale! Salo!" sigaw ni Alesia kasabay ng pagputol niya sa tali na ikinabit ni Dale. Nawalan ng balanse si Dana kaya para siyang unggoy na papunta sa ibang floor ng building na ito. Nakarinig kami ng pagkabasag ng bubog na malamang ay nanggaling sa nabasag na bintana.
"She's safe!" sigaw ni Dale mula sa ibaba at doon lang namin napansin na wala siya rito.
Napatingin ulit ako kay Alesia. Isang hakbang na lang ay mahuhulog na siya. Nakaramdam ako ng kaba dahil wala siyang lubid na hahawakan. Parang tumigil ang paghinga ko nang makita ang muling pagwasiwas ng palakol ng zombie papunta sa direksyon niya. Mabilis na umikot siya papunta sa likod ng zombie at buong lakas na sinipa ito ng ilang beses para mahulog. Nang magtagumpay siya ay tumakbo siya papalapit sa pinto habang patuloy sa pagbaril sa mga zombie na nag-uunahang makalapit sa kanya.
"Layo!" sigaw niya at mabilis na tumakbo.
Nanlaki ang mga mata ko nang maintindihan ang balak niya. Tatalon siya papunta rito! Naramdaman ko na lang ang paghila nang kung sino sa akin palayo sa babagsakan ni Alesia.
"Sasaluhin naman kita." boses ni Sho.
Pagtingin ko sa kanya ay nakita ko siyang nakahiga sa semento at nasa ibabaw niya si Alesia. Napangiti ako sa kanilang dalawa. Hindi ko maiwasang hindi kiligin para sa kanila.
"Ah, guys..." kinakabahan na wika ni Nathaniel at nakatingin sa kabilang building.
Napatingin din ako at ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata ko ng makita ang ilang zombie na tumatakbo at mukhang gagayahin ang ginawa ni Alesia! Hindi nga ako nagkakamali dahil tumalon sila. Pero bago pa man sila bumagsak ay may kung anong invisible barrier ang pumigil sa kanila. Napatingin ako kay Alesia na nakatayo na at nakatitig sa kanila.
Bumaba ang tingin ko sa kamay nilang magkahawak ni Sho. Lihim akong napangiti. Malakas na tumalsik ang mga zombie pabalik sa kabilang building at pati ang zombie doon ay nadamay sa lakas ng impact. Hindi ko maiwasang mamangha kay Alesia.
"Tara na sa baba." mahinang wika ni Alesia. Humakbang siya pero muntik na siyang matumba kung hindi lang siya agad nahawakan ni Sho sa bewang.
"Anong nararamdaman mo?" bakas ang pag-aalala sa boses ni Sho.
Napangiti ako. Nag-aalala rin naman siya sa amin pero mukhang mas malala ang para kay Alesia. May halong takot ang mga mata niya.
In love talaga ang best friend ko.
"Okay lang. Nahihilo o nahihimatay talaga ako sa tuwing gumagamit ako ng kapangyarihan depende sa lakas nito." Napahawak sa sentido si Alesia.
Kahit ako ay nag-aalala dahil baka may iba pang side effect sa kanya ang paggamit ng abilidad niya at hindi lang niya sinasabi sa amin.
"The, refrain yourself from using it. Lalo na kung hindi naman talaga kailangan." masungit na sabi ni Sho.
Napanguso na lang si Alesia. Ang cute niya kapag ganyan siya. Unang kita ko pa lang sa kanya sa Del Madrid University ay nagandahan na ako sa kanya. Akala ko ay nabighani lang niya si Sho dahil sa ganda niya pero nagkakamali pala ako. Nakita ko kasi kung ano ang mga kaya at kakaibang ginagawa niya. Kaya kahit hindi pa kami nagkakausap ay nagustuhan ko na siya.
"Susubukan ko."
"No, dapat mo ring alagaan ang sarili mo. Hayaan mo kaming matuto na iligtas ang sarili namin."
"Alagaan ang sarili ko?" Umirap si Alesia. "Hindi mo ako aalagaan?"
"That's a different case, baby girl."
Mahina akong napatawa sa kanilang dalawa. Halos lahat pala kami ay nakikinig at nanonood sa kanila.
"Ewan ko sa iyo. Bumaba na lang tayo." Nauna na siyang maglakad na agad namang hinabol ni Sho.
Napailing na lang ako at umangkla sa braso ni Angelo bago bumaba.
"Mukha silang ewan." saad ni Angelo na nakatanggap ng hampas sa akin. "Mapanakit ka na, ah!"
"Sweet sila, Gelo. Ang cute kaya nilang tingnan." depensa ko. "Para namang ang lakas ng pagkakahampas ko sa iyo, ah."
"Okay, I'll shut up."
Tinawanan ko na lang siya.
I want to survive in this outbreak with my friends complete. Ayaw kong mabawasan kami. Ayaw kong may mawala. Hindi ko lang sila kaibigan, pamilya ko rin sila.
BINABASA MO ANG
ZOMBREAK
Science FictionVessels of Martiri #1 Do you know how to defend yourself? Perhaps, to kill? How 'bout being independent? Self-reliant? If you have or can do this two, then congratulations! You can definitely survive as long as you can Because as day one started...