28th Break: Tired

3.5K 213 12
                                    

28th Break
Tired

ALESIA

NAPANGISI ako nang makitang natigilan silang lahat.

"Joke lang." Humagikhik ako at nagkibit-balikat. "Pero puwede rin."

Tinalikuran ko sila at tumingin sa labas. Kahit isang side lang ang nakikita ko, alam kong napapalibutan na kami ng mga zombies.

Napabuntong-hininga ako at tumingin sa kalangitan bago mag-concentrate sa gusto kong gawin. Napahawak ako sa glass wall nang kumirot ang ulo ko.

"I won't make things easy for you." mariing wika ko sa isip ko. Napatingin ako sa repleksyon ko at nakitang kulay abo ang kulay ng mga mata ko. Pumikit ako at ibinalik sa dating kulay ang mga mata ko.

I'm Alesia Montes and I love playing games.

Bumuntong-hininga ako at walang emosyong tumingin sa kanila.

"Hindi ko na talaga kayo nagugustuhan." seryosong wika ko habang nakatingin kay Nicole. "Isang pagkakamali na lang at magkakanya-kanya na tayo."

"Ha! Akala mo naman ay ikaw ang dinidikitan namin! Gusto lang naman ni George na may makasamang mga survivors din! Anong akala mo? Didikitan ka namin dahil sa kawirduhan mo?!" Namumula na sa galit si Nicole habang pinipigilan siya ng mga kasama niya.

Mula sa kanya ay lumipat kay George ang tingin ko. Alam kong kami ang nagdesisyon na maghanap ng survivor at nagkataong sila ang nahanap nila Dana pero hindi ko maiwasang magduda lalo na at may napapansin ako sa mga kilos ng grupo nila.

"Sabihin mo nga sa amin ngayon, Georgie. Bakit ba talaga kayo sumama sa amin?" tanong ko sa kanya.

Napalunok siya at nag-iwas ng tingin sa akin. Hindi ko pa naririnig ang sagot niya ay napangisi na ako. Alam ko na ang magiging sagot niya na bahagyang ikinasakit ng puso ko. Kaunting sakit lang naman dahil alam kong ginagawa lang nila iyon para mabuhay.

"Dahil kaya mo kaming protektahan gamit ang kapangyarihan mo." sagot ni Nathaniel na kararating lang. Hinarap niya si Nicole. "Stop bitching around, Nicole. Hindi ka na nga nakakatulong, mas pinapalala mo pa ang sitwasyon. Magpasalamat ka na lang na nakita nila tayo kaya buhay pa tayo ngayon. Magpakabait ka naman—"

"At siya na rin ngayon ang kinakampihan mo?!" galit na sigaw ni Nicole at tiningnan ang mga kaibigan niya. "Kayo?! Sa kanya na rin ba kayo kakampi?!"

"Don't ask—" Si Lester na ngayon ay mukhang lumpo pa rin.

"Just answer me! Damn it!"

"Oo! Siya ang kinakampihan namin kasi tama siya!" galit na sigaw ni Georgie. "Nicole naman! Hindi mo ba napapansin?! Mula ng magsimula ang outbreak hanggang ngayon, ni isang beses wala ka man lang nagawa para makatulong! Puro ka reklamo! Palaging naghahanap ng gulo! At pinapahamak pa kami! Ni minsan ba hindi sumagi sa isip mo na, pabigat ka lang sa amin?!"

"Pare..." awat ni Samuel kay George.

Buhay pa pala ang isang 'to? Masyadong tahimik.

"At kaya mo naman palang magsalita ng diretso." inis na saad ni Rowena.

Si Angel naman ay katabi ni Lester na tahimik lang. Muli ko silang pinasadahan ng tingin. Kumunot ang noo ko nang may mapagtanto ngunit ipinagsawalang-bahala ko na lang.

It's not my business, anymore.

"Tama na iyan. Kumain na lang tayo." basag ni Nate sa limang segundong katahimikan.

Sakto naman na kumalam ang tiyan ko.

"Kuya Dale, kain na tayo. Nagugutom na 'ko." wika ko at pinunasan ang dugo sa pisngi't braso ni Shaun. Hinalikan ko siya sa noo at pinunasan ang mga luha niya. "Sorry, baby."

Humihikbi pa rin siya na ikinasakit ng dibdib ko. Mabuti na lang din at daplis lang iyon. Mababaw man ang sugat ay kailangan ko pa ring magamot iyon dahil baka maimpeksyon. Hindi pa naman ganoon kalakas ang immune system ng mga ganitong edad. Kinuha ko si Shaun kay Dale at maingat na niyakap ito.

"Akala ko ba ay kakain ka?" tanong ni Dale nang mapansing nasa puwesto ko pa rin ako.

"Mauna ka na pala. Kailangan ko pang asikasuhin si Shaun." wika ko at hinalungkat ang pamilyar na bag na nakita ko sa isang tabi.

Mga gamit ni Shaun ang laman nito kaya kahit nakakasagabal sa pagtakbo ay hindi ko itinatapon kahit anong mangyari. Mabuti na lamang at hindi nila naiwan. Kumuha ako ng maliit na kumot at inilatag sa carpet para gawing higaan ni Shaun. Narinig ko ang mga yabag nila paalis at ang pagsara ng pinto ngunit hindi ko na sila nilingon. Napatitig ako sa mga mata ni Shaun.

"Ano ba talagang koneksyon natin, ha?" tanong ko sa kanya kahit alam kong hindi siya sasagot.

"Hindi pa iyan nakakapagsalita."

Napapitlag ako sa gulat at masamang tumingin kay Sho. "Ano pang ginagawa mo rito? Kumain ka na do'n."

"I want to have time with you. Hindi ako makalapit dahil sa Dale mo na kapatid mo naman pala." Inirapan niya ako at tumabi sa akin kaya pareho na kaming nakaupo sa carpet.

Teka nga... Napatawa ako sa naisip ko. "Pinagseselosan mo ang kapatid ko?!"

Halos mamatay ako sa kakatawa dahil sa pamumula ng mukha niya. Hindi na niya kailangang sumagot dahil alam ko na agad sa reaksyon pa lang niya.

Kaya pala todo iwas ang mokong. Ni hindi ako nilalapitan o kinakausap. Tumigil ako sa pagtawa. Ramdam ko ang init at tuwa sa puso ko dahil sa napakasimpleng bagay na 'yon.

"Ano? Tapos mo na 'kong pagtawanan?" pagsusuplado niya na ikinangiti ko at pinisil ang dalawang pisngi niya.

"Sho, hindi kita hahayaang hintayin ako kung alam kong walang kasiguraduhan 'to." Dinampian ko ng halik ang labi niya. "On the way na 'ko."

Nang gabing umamin ako sa kanya ay nilinaw ko sa kanyang crush lang ang nararamdaman ko sa kanya at hindi pa kasing lalim ng nararamdaman niya. Sinabihan ko na rin siya na manganganib ang buhay niya kapag ipinagpatuloy niya ang paglapit sa akin. Puwede naman kaming mag-aminan ng feelings tapos maging strangers kinabukasan. I gave him a lot of options just to back out from fully entering my life but he refused and declared that he'll wait for me no matter what happens.

His reaction made me chuckle. Nanlalaki ang mga mata niya sa akin at natulala pa siya saglit. Sinamaan niya ako ng tingin at kinuha ang kanang kamay ko para ilapat sa dibdib niya. Nanlaki naman ang mga mata ko nang maramdaman ang mabilis na pagtibok ng puso niya.

"You are the reason why it's beating faster than the usual." Hinawakan niya ang pisngi ko habang nakatitig sa mga mata ko. "It's my decision to wait for you. I'll keep you, no matter what will happen. The moment you said those words to me that night, akin ka na."

He's looking at me with so much admiration that made my heart flutter. He made me realize that someone exists to like me. But, will he still like me after learning my past? I doubt it. That thought immediately crashed my hope. Ang ngiting kanina'y sumilay sa aking labi ay agad ding napawi.

"Keep your words, Sho. Hindi ko alam ang gagawin ko sa oras na maibigay ko sa iyo ang gusto mo tapos ay sasaktan mo lang ako." Malungkot akong tumingin sa mga mata niya. "Sana ikaw na nga, Sho. I hope you're my savior that will free me from hell."

Kita ko ang gulo sa mga mata niya. Nararamdaman ko rin na kagustuhan niyang magtanong pero hindi niya ginawa. Mahigpit akong yumakap sa kanya. Naririnig ko ang mabilis na pagtibok ng puso niya na kasabay ng ritmo ng puso ko.

I'm tired, Sho. Please save me...

ZOMBREAKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon