13th Break: Heat

5.2K 285 13
                                    

13th Break
Heat

ALESIA

DALA ang mga push cart na naglalaman ng supplies namin ay nilibot ulit namin ang mall. Si Sho ulit ang may hawak kay Shaun. Kahit nakasuot sa kanya ang carrier ay mas pinili niyang hindi ilagay doon ang bata na naiintindihan ko naman. Hindi pa marunong umupo si Shaun dahil ilang araw pa lang naman siya at baka magkaproblema pa sa likod niya kung lagi siyang nasa carrier.

Ikalawang ikot na namin ito sa mall at nakakapagtaka lang talaga na walang zombie dito. Inaasahan ko pa naman na mapapalaban kami rito ngunit hindi pala. Mabuti na rin iyon at nadagdagan ang oras naming mabuhay. Mga bakas lamang nila ang naririto ngunit sila mismo ay wala rito.

Saan naman kaya ilalagay ng doktor na 'yon ang mga zombie na 'yon? Pero patay na siya... Kaya nasaan na sila? Napabuntong-hininga ako. Paano nila nakuha ang mga zombie? Sa dami ng mga 'yon ay paanong natipon nila at naitago ang lahat ng iyon?

Kumabog bigla ang dibdib ko nang makarinig ng mararahas na mga yabag.

"Stop." pigil ko sa kanilang lahat.

Tumahimik naman agad sila at hindi gumawa ng kahit na anong ingay. Naging alerto rin sila na ipinagpasalamat ko. All of my senses automatically heightened. Ayaw ko man ay wala akong magagawa kun'di gamitin ito.

"What's wrong?" Sho whispered behind my ear.

Tahimik kong ininda ang kiliting hatid niyon at piniling huwag na lamang sumagot. Singkit ang mga mata kong iniikot ang tingin sa paligid. I saw a shadow moving at a fast pace and the next thing I knew, it was in front of me and holding my neck. Dana and Mich freaked out while the boys started shooting this thing that's holding me.

Hindi na ako nagtaka nang bumaon lang ang mga bala sa katawan nito. Walang kahirap-hirap na iniangat niya ako sa ere kaya mas nahirapan akong huminga. I gathered my strength and kicked him on his face. Kasabay ng pagbitaw niya sa akin ay ang pag-ikot ko sa ere at muling pag-atake sa kanya. Sa loob ng ilang segundo ay nagkaroon ako ng pagkakataong pagmasdan ang itsura nito. Para siyang bouncer sa laki ng katawan at nagpuputukang muscles na maraming...

Tattoo? Pinasingkit ko pa ang mga mata ko. No... Mga naglalabasang ugat iyon na kulay itim.

Mula ulo hanggang katawan ay mayroon siya noon. Mukha 'yong tattoo sa malayuan ngunit kung lalapitan at tititigan ay saka lang mapapansing mga ugat iyon. Kulay dilaw ang mga mata niyang walang emosyon at diretsong nakatingin sa akin.

Isang maling kilos ko iyon dahil naging trigger pa iyon para magsimulang sumakit ang ulo ko na lantarang ikinatuwa ng kaharap. Matinis ang tawa niya na siyang masakit sa tainga at dumadagdag sa sakit ng ulo ko. Nahihirapan akong huminga lalo na kapag pilit kong nilalabanan ang sakit. May mga boses din akong naririnig sa aking isip. Halo-halo ang mga boses mila kaya hindi ko maintindihan ang sinasabi nila. Humugot ako ng hangin at buong lakas na ikinuyom ang kamay na may sugat para magdugo iyon. Nang makaramdam ako ng sakit ay nawala din ang mga boses sa utak ko pero nandoon pa rin ang sakit ng ulo.

Gulat na gulat ang nilalang na kaharap ko kaya mabilis kong itinutok ang baril sa kanya at pinaputok iyon ng sunod-sunod habang humahakbang palapit sa kanya. Within enough distance, I kicked him on his face followed by a hard punch on his stomach that made him fell into the ground. Malakas kong inapakan ang tiyan niya kaya nabuksan niya ang bunganga para sa na dumaing. Hindi ako nag-aksaya ng oras at agad kong itinutok ang baril doon at tatlong beses na pinaputok iyon.

I massaged my temple when it starts throbbing again. Nanghihinang napaupo ako sa sahig habang nakatingin sa nilalang na 'to. Sabog na ang bungo niya pero sa halip na pula ay kulay berde ang dugo nito na malapot pa. Pero hindi iyon ang talagang nakakuha ng atensyon ko kun'di ang isang maliit na kulay itim at hugis na parisukat na nakahalo sa sumabog na utak niya. May maliit na kulay pula ang umiilaw doon. I shot it without thinking twice.

Chips...

"Alesia."

I stood up as if nothing happened and decided not to face them. Maraming tanong sa utak ko at habang tumatagal ay napupuno ng galit ang dibdib ko. Kailangan ko ng sagot!

"We better get going." malumanay ang boses na saad ko. Tinalikuran ko na sila at nauna na akong maglakad.

Sa buong biyahe pabalik ng ospital ay tahimik lang ako. Sila Sho at Clent lang ang pumasok ulit sa ospital para magbigay ng supplies habang nasa akin naman si Shaun na panay ang ngiti at tawa na para bang gustong ibahagi sa akin ang kasiyahan niya.

Kung ganyan lang talaga kadali ang lahat, Shaun... Mapait akong ngumiti at marahang hinalikan ang noo niya. Tumawa lang siya at sumandal sa dibdib ko. Napailing naman lamang ako at niyakap siya.

"You okay?" tanong ni Mich sa akin.

"I'm still alive so, I'm fine." I answered even though I am bothered by some things. Wala pang isang linggo pero ang dami ko ng tanong.

Well, everything happened so fast...

"Alesia..." Sadness and sympathy can be heard on Sho's voice.

Hindi ko man lang namalayan ang pagbalik nila mula sa ospital. Tumaas ang kilay ko nang makitang dala pa rin nila ang supplies. Wala pa siyang sinasabi pero namuo na ang luha sa mga mata ko.

"S-sa iyo muna si Shaun." pigil ang iyak na sabi ko at nanginginig ang kamay na iniabot sa kanya ang bata. "Protect him."

Walang pasabing bumaba ako ng sasakyan. Hindi ko pinansin ang pagtawag nila sa akin at dire-diretsong tumakbo papasok sa ospital.

They can't be dead... The babies... They can't be...

Pinunasan ko ang luhang tumulo at inihanda ang steel bar. Mas gusto ko ito kaysa sa baril dahil nakokontrol ko ang lakas ng paghampas ko rito. Mas malala rin ang natatamo nila sa bawat hampas ko kumpara sa baril na isang bala lang ay ayos na. Alam kong biktima rim ang mga zombie pero kailangan kong ignorahin ang katotohanang iyon dahil gusto ko pang mabuhay. Dumiretso ako sa NICU at mas tumulo lang ang luha ko sa nakita.

I don't know how will I describe the scene that I am seeing but all I can say is... awful. My tears kept falling while staring at the babies that's now lifeless... Even the nurse and the student. Everyone is dead. But you know what made me cried harder? Iyon ay ang katotohanang nagawang patayin ng isang tao ang mga inosenteng batang ito. Whoever did this planned this well. But I am not easy to fool. Pinalabas nilang zombies ang pumasok dito dahil sa mga dugong nagkalat kahit ang totoo ay namatay sila dahil sa tama ng bala sa ulo.

The familiar heat embraces me. I tried controlling my mixed emotions like what I always do 'till I succeed.

Napailing na lang ako at pumasok para kunin ang espada na nasa sahig bago tumalikod. Gulat ang rumihestro sa akin nang makita ang sobrang dami ng zombies sa magkabilang dulo ng hallway. Iba't iba man ang kulay ng mga mata, anyo at laki nila ay pare-pareho naman silang masasama ang tingin sa akin. Kumukurap-kurap din ang ilaw sa pwesto nila na mas ikinaalerto ko.

Malay ko ba kung may kinalaman ang ilaw o kuryente sa pagtatago sa kanila?

Naguguluhan man ay inihanda ko na lang ang sarili. Nang maalala ang senaryo sa NICU ay agad na binalot ng poot ang mata at puso ko na ikinahigpit ng kapit ko sa hawakan ng espada. Kasabay ng pagtakbo nila palapit sa akin ay ang pagsalubong ko sa kanila at ng espadang hawak ko.

Sila ang una kong gagantihan sa pangyayaring ito at magsisilbing babala sa mga nais kalabanin ako.

ZOMBREAKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon