ALESIA
"IKAW ba talaga 'yan, baby?"
"Kingina, Dale! Paulit-ulit? Unli ka? Unli ka?" iritadong wika ko. Ngumuso siya at inirapan ako. "Bakla ka talaga."
Napatingin ako kay Sho na nakikipaglaro kay Daddy ng golf. Naalala ko kung paano natapos ang lahat.
Tumitig ako sa salamin. Magulo ang buhok at puro dugo ang damit. Halatang may minassacare ako. Napatingin ako sa labi ko at napabuntong-hininga bago magmumog. I spit out the poison that I put in my mouth an hour ago. A kind of poison that can make a person die five minutes after the intake. Kulay asul ang tubig na iniluwa ko. I washed my mouth again hanggang makuntento ako.
Kissing another man other than Sho is so disgusting. But I need to kill him sa paraang hindi siya maghihinala. Lumabas ako at nakita siyang nakahiga sa sahig habang hawak ang lalamunan. Napailing ako at hinila siya papasok sa banyo. Nilagay ko siya sa tub na puno ng tubig at iniwan doon.
Lumabas na ako ng kwarto. I don't have any weapons right now kaya ang sarili ko lang ang maaasahan ko. I have to surrender it to get his trust at para makampante ang nasa monitoring room. Pwede naman akong mang-agaw ng armas sa mga tauhan dito.
I glanced on my wrist watch and saw that it's 15 minutes after they left. Malamang na hindi pa sila nakakalabas ng Sitio Seven. I need to do everything to make them safe.
Hindi na ako nag-abala pang magtago sa mga camera. Napatigil ako sa paglalakad nang may marinig.
"The board is here. Ipatawag na si Boss Archie pati na rin ang fiancee niya. They want Ms. Alesia's presence in the meeting."
"Yes, Miss."
Nagtago ako at sinundan ng tingin ang babaeng nautusan. Nakiramdam muna ako bago siya sundan. Papunta siya sa kwarto ni Archie. Hinintay ko siyang makapasok bago patayin. Pinulot ko ang folder na hawak niya at pinasadahan ng tingin. Napakuyom ako ng kamao. Plano nilang pag-eksperimentuhan ang magiging anak ko. I saw Shaun's name on one of the papers. At tama nga ako ng hinila sa batang iyon.
Malamang na malalaman agad ni Dale kung sino ang tatay ni Shaun sa unang tingin pa lang niya. Mabuti yon para hindi na rin ako mag-explain. Hindi ko rin naman alam kung paanong nangyari yon.
Dala ang folder ay pumunta ako sa sinasabi nilang conference room. Alam ko kung saan iyon. Pagdating ko ay mukha silang tuwang-tuwa sa 'kin. May ilang babaeng kamukha ko ang mga nakatayo sa gilid at walang emosyong nakatingin sa akin.
"Oh hindi ko akalaing ahas pala ang lahat ng nasa gobyerno." sarkastikong wika ko at naupo sa mesa. Oo, sa mesa at hindi sa upuan. Napangisi ako ng makita silang pasadahan ako ng tingin. Lahat sila ay lalaki kaya magiging madali lang sa akin ang lahat.
"Where's your fiance?" tanong ng isa.
"He's tired. Nagpapahinga muna para…" Gumapang ako sa mesa sa nakakaakit na paraan. Tumigil ako sa tapat ng isa at bahagyang yumuko. I saw his eyes glancing probably on my cleavage. I traced his nose with my pointing finger. "…mamaya."
Agad din akong nagseryoso at bumaba sa mesa. Naglakad-lakad ako paikot sa kanila habang may pahawak-hawak pa. Kita ko ang paglunok nila.
"You all know who I am, right?" They nodded like dogs kaya nagpatuloy ako. "I'm Alesia Montes and turning 19 next month. My parents worked here to protect the humanities kahit kapalit pa niyon ay ako na anak nila. I can't say that it's fine for me but I can do this." Ipinitik ko ang kamay at tumalsik ang isa sa mga lalaki. Naalerto ang mga kamukha ko. "Chill. Bawal bang ipakita kung ano ang ginawa nila sa akin? So as I was saying, I didn't like anything of this. Pinag-eksperimentuhan n'yo ako ng mahigit walong taon. Bingi kayo sa pagmamakaawa ko… So, I will do the same thing to all of you. Hindi na lang ito tungkol sa akin kundi para na rin sa mga taong naging zombies."
Kasabay ng pagtaas ng mga bakal ay ang paglabas ng glass window na basag-basag na at ang paglabas ng mga zombie at ang pag-akyat ko sa kisame. Ang meeting room na ito ay napapalibutan ng limang naglalakihang kwarto. Glass window ang ginamit nila para makita ang mga kaganapan sa plano nila. At ito rin ang papatay sa kanila. All of my replicas are weak kaya hindi na ako nagtataka kung bakit nila ako hinahabol.
Umalis na ako doon at nagsimula na sa pagpatay sa lahat ng makita ko. Sinisira ko ang bawat kwarto at pinakakawalan ang mga pinage-eksperimentuhan nila. Their army is here at pinaulanan ako ng mga bala. I used my power to dodge the bullets at ibalik sa kanila iyon.
I glanced on my wrist watch and decided to run as fast as I could. Nararamdaman ko ang pagyanig mula sa pinakailalim ng base at pataas iyon ng pataas. Kapag naabutan ako no'n, malamang na kasama nila akong magiging abo.
Pero sa kamalas-malasan ko ay nanghihina na ako at nanlalabo na ang paningin. Ramdam ko na rin ang sakit ng katawan at mga sugat ko. Sa kabila ng lahat ay nagawa ko pa ring ngumiti. Seeing his red hair for the last time is enough for me.
And I found out the truth ng magising ako. Tinakasan niya sina Dale para balikan ako at magmakaawa sa 'kin.
"Alam na ba niya ang tungkol kay Shaun?"
"Hindi pa, mamaya na lang."
"Okay lang ba talaga na delay muna ang kasal?"
"Yeah. Alam mo naman si Daddy. Nagiging emosyonal kapag nababanggit ang bagay na 'yan." Napasimangot ako.
"Mabuti at okay lang kay Sho." Tumawa siya na mas ikinasimangot ko.
It's been four years since the zombreak happened. Wala na ang Sitio Seven dahil nabura na 'yon ng pagsabog. About the zombies na biktima lang din naman, my parents created a cure for them. Hindi ko naman sila dinamay lahat sa pagsabog.
So, we're currently living in Osaka kasama ang tropa at ang mga magulang nila. Everything's going well, maliban lang talaga sa kasal namin ni Sho. Hindi naman tutol si Daddy pero hindi pa raw siya ready akong i-let go. Kahit sinasapak na siya ni Mommy ay matibay pa rin ang desisyon niya.
"How 'bout you? Wala ka pa ring girlfriend? Naunahan ka pa ni John Dale." tukoy ko sa replika niya.
Inampon na siya nina Mommy at pinalabas na kakambal ni Dale. Clarification nga pala. John Dale is a human. The Vessels of Martiri will use my brother's DNA to create another him. Of course, with the help of science and technology, they could create as many as they wanted. They don't need a woman to carry the experiment. Magiging tao pa rin naman ang mga iyon na halos magkakapareho ng alaala. It may sound impossible but if the word science and technology combined, everything's possible.
"I'll send you to the altar first before finding one."
"Marinig ka ni Daddy." natatawang suway ko sa kanya. They've been battling 'bout that mula ng ianunsyo namin ang aming plano ni Sho.
"Here comes your lover boy."
"Hi."
"Hey, how's the game?" tanong ko kay Sho na agad naupo sa tabi ko.
"I won." He grinned at me.
"Aw, that's a good news." Pinisil ko ang ilong niya. "Nanalo ka rin sa madaya kong tatay."
"Ako pa ba?" Ngumiti siya. "I'm so happy, baby girl."
"Nakikita ko nga." Pinunasan ko ang luhang tumakas sa kanyang mata. "Naiyak ka na e."
"Bakla!" My Dad shouted suddenly.
"I'll prove you wrong, Papa." He gave him a meaningful look before looking at me. "I love you."
"I love you too." Matapos kong sabihin iyon ay nagdilim ang paningin ko.
Shit. What's wrong with me?
~*~
BINABASA MO ANG
ZOMBREAK
Science FictionVessels of Martiri #1 Do you know how to defend yourself? Perhaps, to kill? How 'bout being independent? Self-reliant? If you have or can do this two, then congratulations! You can definitely survive as long as you can Because as day one started...