36th Break: Thurday and Friday Flasbacks

3.1K 167 2
                                    

36th Break
Thurday and Friday Flasbacks

ALESIA

NASA Seven Mall ako. Thursday ngayon at mag-iisang buwan na ako sa Del Madrid University. May klase kami pero mas pinili ko ang hindi pumasok ngayon dahil tinatamad ako. Ano naman kung absent ako? Wala naman akong pakialam sa attendance. At mas lalong wala silang pakialamn kung ayaw kong pumasok. Magche-check lang sila ng attendance, ako ang gagawa ng iche-check nila.

Pero teka, ano bang gagawin ko sa mall bukod sa maglakad at tumingin-tingin? Wala naman kasi akong bibilhin. Wala rin akong ibang pupuntahan. At bored na bored na ako.

Naningkit ang aking mga mata nang may matanaw ako. Nakita ko ang lalaking pula ang buhok at kasama niya ang mga tropa niya. Nasa isang boutique sila na para sa mga gown at suits. Napangisi ako nang makitang umalis ang lahat ng kasama niya dala ang mga napili nilang damit at siya na lang ang naiwan. Pasimple akong lumapit habang pinapanood siyang mamili sa pula o itim na necktie.

"Mas bagay ang red necktie." saad ko na agad niyang ikinalingon sa akin. "Just stating my opinion, okay?"

Hindi siya nagsalita at umiling lang. Napangiti ako ng ibalik niya sa estante ang itim na necktie. It means na pinili niya rin ang gusto ko.

"You didn't attend your class." wika niya.

"Obvious naman, 'di ba? I'm bored at nauumay na ako sa story telling ng mga tanders. Pati biography nila itinuturo." Napairap ako nang ngumiti siya. "Bakit ba kasi ayaw pumili ng may-ari ng school ng bata-batang teacher? Sige, kahit 'di na bata basta lively magturo."

"Sa tingin mo rin?" tanong niya na parang na-a-amuse habang nakatingin sa akin.

Tumango ako. Hindi ko alam kung bakit biglang umarangkada ang bibig ko sa kanya. Pero nasabi ko na at bagot na talaga ako sa buhay ko. Kailangan ko ng makakausap kahit saglit lang.

"Oo, para naman hindi antukin sa klase ang mga gaya kong estudyante."

"Okay, I'll do something about that."

"Bakit? Miyembro ka ba ng student council?" tanong ko. "Parang hindi naman kasi hindi kita nakikita sa tuwing hinuhuli nila ako. Sino ka ba?"

Oo, pasaway akong estudyante sa Del Madrid University. Natutulog ako sa klase, napapaaway sa ilang estudyante, sumasagot sa teacher at iba pa. Sinasagot ko naman talaga ang teacher kapag nagtatanong sila kaso pamimilosopo ang tawag nila sa pagsasabi ko ng totoo. Ang gugulo talaga ng mga gurang na iyon.

"Seriously? You didn't know who am I?" Tuluyan na siyang humarap sa akin matapos ilagay sa counter ang binili niyang necktie at suit. Pati na rin ang credit card niya.

"Magtatanong ba ako kung kilala kita? Sa buhok siguro oo." sagot ko at pinanood ang ginagawa ng cashier.

"I'm Sho Del Madrid, the son of the owner of the academy."

Nanlaki ang mga mata ko at agad tinakpan ang mukha gamit ang paper bag na may pangalan pa ng shop na ito.

"Ako, kilala mo?" tanong ko at pasimpleng sinulyapan ang exit dito.

"Hindi—"

"Good." saad ko at agad kumaripas ng takbo palabas.

Wala akong pakialam kung pinagtitinginan na ako ng mga tao dahil sa ginagawa kong pagtakip sa mukha ko. Nang makalayo ay agad kong ibinibaba ang paper bag. Napahilamos na lang ako sa mukha dahil sa nangyari. Sa sobrang paghahanap ko ng magagawa ay ito ang napala ko! Nakakahiya! Ang anak ng may-ari ng school na pinapasukan ko ay inutusan kong linisin ang classroom namin! Tapos heto naman!

Napasimangot na lang ako sa sariling katangahan. Napagdesisyunan ko na lang na kumain muna bago umuwi. Ayaw kong magtagal dito dahil baka magkasalubong pa kami. Matiwasay akong kumain at bumili ng kaunting grocery para may makain ako mamaya sa bahay. 

BIYERNES. Kahit tinatamad ay pumasok ako sa klase. Alerto akong naglalakad ngayon papunta sa cafeteria. Baka magkasalubong kami at yariin niya ako dahil sa mga pinagsasabi ko kahapon. Nakarating ako sa cafeteria nang hindi siya nakikita kaya napangiti ako ng malawak.

"Ate Ale!"

Nakita ko si JM na kumakaway sa akin. Kasama rin niya si Eric at tulad noong unang beses ko silang nakita ay may dala pa rin silang gitara. Lumapit ako at naupos sa tabi niya.

"Bakit?" tanong ko

"Dito ka na po kumain. Binilhan ka na rin namin." Marahang itinulak ni Eric sa akin ang isang tray na may lamang pagkain. Dahil libre ay hindi ko na tinanggihan.

"Salamat." Nagsimula na akong kumain at hindi na pinansin ang paligid. Gusto kong enjoyin ang libre nila sa akin.

"Ate pupunta ka ba?" tanong ni JM.

"Saan?" Kunot ang noo na kinagat ko ang straw ng paboritong Milo.

"Sa birthday po ni Dana. Imbitado raw po ang lahat ng estudyante." sagot naman ni Eric.

"Hindi ko alam."

"Punta ka na, Ate Ale. Gusto kong maranasan ang party ng mayayaman." Ngumuso si JM sa akin na mas ikinakunot ng noo ko.

"E'di pumunta ka."

"Pero Ate..."

"Tss. Oo na! Huwag mo na akong idaan sa paiyak-iyak mong :yan! Dukutin ko mata mo, eh." Inirapan ko siya at tumayo. "Pupunta ako. Siguraduhin n'yo lang na naroon kayo. I'm Alesia Montes and I don't mind being a party crasher tonight."

Natapos ang maghapon na wala akong ibang ginawa kun'di ang sumimangot. Kung hindi ko lang gusto si JM ay hindi ako pupunta sa party na 'yon mamaya. Gusto ko siya bilang nakababatang kapatid at hindi na hihigit pa roon.

Pag-uwi sa bahay ay nagpahinga muna ako. Pahinga na nauwi sa pagtulog. Nagising ako ng 7:32 kaya dali-dali akong nagbihis at nag-motor papunta roon. 8 o'clock ng gabi ang start ng party at malamang na male-late ako. At hindi nga ako nagkakamali dahil sa labas pa lang ay rinig ko na ang tugtugan. Sa bahay ng celebrant ginaganap ang party. Pagpasok ko ay binigyan ako ng maskara ng isang babae roon. Hindi ko na siya hinintay pang magsalita dahil nakikita ko naman na masquerade ang party. Sinuot ko yon habang naglalakad. Nakagown ang mga babae at nakasuit naman ang mga lalaki. Ako? Nakadress lang. Ayaw ko ng gown dahil mabigat suotin.

Nasa second floor na ako nang makarinig ako ng mahihinang daing mula sa mga pamilyar na boses.

"You're just a scholar and you dared to attend a party for rich people?!" boses ng isang babae na nanggagaling sa isa sa mga kwarto rito.

"P-pero pwede naman daw po kaming sumama sabi ni Miss Dana!" boses ni Eric.

Hindi na ako nag-aksaya ng panahon at pumasok sa kwarto. Napatingin silang lahat sa akin.

"Wait. Ikaw 'yong kaklase kong hindi makasagot sa akin, ah!" Natutuwang itinuro ko siya at hinubad ang mask kasabay ng pagsasara ko ng pinto.

"A-Alesia..."

"Ano? Alam mo na ba ang sagot sa tanong ko?" Lumapit ako at tinampal ang kamay niyang nakahawak sa panga ni JM. Kakalapat pa lang ng kamay ko sa balikat ni Eric ay agad na siyang binitawan ng dalawang alipores ng babaeng ito. Inilagay ko silang pareho sa likod ko. "Ang mga scholar na nilalait mo ay hindi hamak na mas kahanga-hanga kaysa sa iyo. Sila, salat man sa pera may utak naman. Ikaw, may pera nga pero wala namang utak."

"You!"

"Oh? Ako nga. Don't ever mess up with me or else..." Itinaas ko ang nakakuyom na kamao. "Tss. Tara na. Hindi tayo nababagay sa kuwartong punong-puno ng mga walang utak."

Lumabas kami ng kwarto at saglit na sumali sa kasiyahan. Sila lang pala dahil naupo lang ako sa isang tabi at kumain.

Pero hindi ko akalain na ito na pala ang huling beses na makikita ko ang mga tao na nagsasaya. Na ito na pala ang huling beses na magiging normal ang lahat.

ZOMBREAKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon