3rd Break: Zombies

7.1K 340 47
                                    

3rd Break
Zombies

ALESIA

ISA ako sa mga taong mahilig manood ng mga zombie movies or kahit anong creepy na palabas. Pero kahit kailan ay hindi ko hiniling na sana'y magkatotoo ang kahit isa sa mga napanood ko lalo na ang zombies.

Ipinagpapasalamat ko na mahilig din ako sa mga action movies kaya natuto akong lumaban. Mabuti na lang din at sa murang edad ay natutunan kong maging independent. Palaging wala ang parents ko at isa hanggang tatlong beses lang kung magpakita sila sa loob ng isang taon. Mabuti na lang din at may isang tao na nanatili sa tabi ko no'ng mga oras na 'yon pero ngayon, hindi ko alam kung... buhay pa siya.

"Malaman ko lang talaga kung sino ang may pakana ng pesteng zombreak na 'to, patay siya sa akin." inis na bulong ko. Wala akong pakialam kung marinig pa nila 'yon o hindi dahil isasakatuparan ko 'yan.

Napatingin ako sa labas. Malapit ng dumilim at kanina pa kami bumabyahe. Hindi ko alam kung saan kami papunta at wala rin akong balak magtanong kaya magpapatangay na lang muna ako.

"Bakit zombreak?" kuryosong tanong ng lalaking kulay asul ang buhok.

"Zombie plus outbreak equals zombreak." sagot ko habang nakatanaw sa labas.

Wala ng nagsalita pa na ipinagpasalamat ko. Tumigil kami sa tapat ng isang police station. Hindi na ako nagtaka o nagtanong pa dahil obvious naman na naririto kami para sa mga armas.

"Clent, come with me. Kukuha tayo ng mga armas." saad ng driver na kulay pula ang buhok.

"I'll come with you." presinta ko at nauna ng bumaba ng van. Kasunod ko naman ang lalaking blonde na 'Clent' pala ang pangalan.

"P-paano kami, Sho?" tanong ni Dana na bakas ang takot sa boses.

Hindi pa naisasara ni Clent ang pinto kaya narinig ko pa ang boses niya. So, 'Sho' ang pangalan ng lalaking pula ang buhok. Pamilyar na sa akin ang mga pangalan nila ngunit hindi ko pa rin sila maalala.

"Walang bababa at aalis. Hintayin n'yo kaming bumalik dito. And Andrei, you know what to do." Isinara na ni Sho ang pinto bago kami harapin. Nagtama pa ang mga mata namin ngunit agad din siyang umiwas ng tingin at nauna ng naglakad. "Tara na."

Pagpasok namin sa loob ay masangsang na amoy agad ang bumungad sa amin. May mga dugo sa mesa, sahig at dingding. Magulo ang mga gamit, may bahid ng kalmot ang mesang nakataob at wala ng pintuan ang ilang selda habang bukas naman ang iba. Sobrang gulo ng paligid na animo'y tinamaan ng malaking delubyo.

Napasulyap ako kina Sho nang umakyat sila sa second floor. Nagkibit-balikat na lamang ako at ipinagpatuloy ang pagtingin sa paligid. May ilang preso ang nakakulong pa rin ngunit halos lahat sila ay zombie na. Ang iba ay kinakain na ang kapwa nila. Napaiwas ako ng tingin at kinagat ang pang-ibabang labi dahil parang babaliktad ang sikmura ko.

Tahimik na bumalik na ako sa bungad bago pa ako mapansin ng mga ito. Mahirap na dahil baka makagawa pa sila ng ingay para mahakot ang mga zombies sa labas at malagay pa sa alanganin ang mga kasama ko. Kahit naman hindi ko personal na kakilala ang mga iyon ay hindi pa naman ako nababaliw para ipahamak sila. Wala rin naman akong dahilan para gawin iyon sa kanila.

Hindi ako friendly at mas lalong hindi ako mabait. Ayon sa mga taong nasa paligid ko, masama raw ang ugali ko. Hindi nila direktang sinasabi sa akin iyon at hindi na rin kailangan dahil wala naman akong pakialam sa mga opinyon nila. Sadyang naririnig ko lang dahil sa lakas ng mga boses nila tuwing nagtsi-tsismisan sila. Sabihin na nila ang gusto nilang sabihin ngunit hindi ko babaguhin ang sarili ko para lang sa kanila. Wala akong nakikitang mali sa ginagawa ko dahil nagpapakatotoo lang naman ako. Hindi ko isu-sugar coat ang mga salita ko. Hindi na sila mga bata na dapat kong i-baby talk. Nasa tamang edad na sila para malaman kung ano ang tama at mali at isasampal ko sa kanila iyon.

ZOMBREAKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon