8th Break
Walkie-talkieALESIA
"HOW did you know?" tanong ni Angelo na siyang pinagbuhat ko muna kay Shaun. Nagtitimpla ako ng panibagong gatas para sa sanggol.
"Observations. Isa pa, may nakaharap na akong yellow-eyed zombie. And it was pretty strong." saad ko.
"You're fearless." puna ni Sho na tipid ko lang na nginitian.
If you only knew.
"Pero 'di ba, sabi mo may mga baby pa sa NICU? Bakit kinuha mo si Shaun?" tanong ni Andrei.
"Gusto ko lang."
Huh?! As if, I'm gonna tell you the truth.
"Paano kung buhay pa ang mga magulang niya?'
Ang daming tanong, ah.
"E'di ibabalik ko." kalmadong sagot ko. "Easy as that."
"Ang weird mo."
Natawa ako sinabi niya. "Everybody says that."
"But you're unique." saad naman ni Sho.
I rolled my eyes. "Bakit ba napunta tungkol sa akin ang usapan?"
"We want to know you. We want you to be our friend." sagot ni Clent.
I saw the sudden glimpse of sadness on Dana's eyes. Lihim naman akong napangiwi roon. He's not my type, girl.
"I don't want to. Masyado kayong marami para maging kaibigan ko." I sighed when I saw determination in their eyes. "No, I don't need you. You're just going to die if I fully enter your life."
Sandaling katahimikan ang namayani sa pagitan naming pito. Hindi sila nagsalita matapos marinig ang sinabi ko. Lihim akong napangisi. One of the reasons why no one wants to befriend with me. Lahat ng gustong maging kaibigan ako ay umaatras kapag sinabi ko ang bagay na 'yan.
They should stay away from me. Or they're gonna die, for real.
"Still, we're thankful that you saved us." basag ni Sho sa katahimikan.
"No big deal. Saan na ang punta n'yo n'yan?" tanong ko at kinuha si baby Shaun kay Angelo. Napatingin naman silang lahat kay Sho. Nilaro ko muna si Shaun habang pinapakinggan sila.
"To the place that can provide most of our needs." sagot ni Sho.
"What?" kunot ang noo na tanong ni Angelo.
"Saan naman 'yan?" tanong ni Mich.
"Is it safe for us to go outside?" nag-aalangan na wika ni Dana.
"Mayroon palang ganyan?" nakangiwing tanong ni Andrei.
Nagdadalawang-isip na ako kung matalino ba talaga sila. Mabuti na lang at hindi na nakisama si Clent dahil baka pagdudahan ko na talaga ang grupo nila.
I rolled my eyes in annoyance. "Ugh. People, he's referring to a mall. Habang tumatagal ay mas hindi tayo nagiging ligtas. Mukhang nage-evolve ang mga zombie sa bawat oras na lumilipas. I suggest that you better stay here... even for a while. Then, leave the premises tomorrow morning."
Naintindihan naman nila ang ibig kong sabihin. Ibinigay ko naman muna si Shaun kay Clent. Oo, kay Clent. Baka sakaling mabawasan ang pagiging suplado niya dahil sa cuteness ni Shaun.
"Why?" tanong niya ngunit kinuha rin naman ang bata.
"May titingnan lang ako." wika ko at pinulot ang isang walkie-talkie na nakita ko sa pinakasulok. Hindi siya mahahalata agad dahil natatabunan ng ilang gamit. I checked it if it's still working and luckily, it does. Kahit puro ugong at ungol lang ang naririnig ko. Panay lang ang pindot ko.
"It's useless." singit ni Dana na hindi ko pinansin.
[...I can't see them for now but I'm sure that she's here.]
Nanahimik silang lahat at hinintay kung may magsasalita pa. Napakunot ang aking noo.
[Okay. V009 was dead because of her. No, there are 24 survivors here excluding the babies. And she's one of them. Copy, Eight.]
Naghintay pa kami pero wala na talagang nagsalita.
"Sino ang tinutukoy niya?" basag ni Mich. "O mas tamang sabihin na sino sa atin ang tinutukoy niya?"
V009...
24 survivors excluding the babies...
Eight...
At ang babaeng pinag-uusapan nila...Ano ang pinag-uusapan nila? May kakaibang kaba akong naramdaman.
"Alesia, are you still with us?" tanong ni Clent na nagpabalik sa akin sa katinuan.
"May na-encounter ba kayong ibang survivors?" tanong ko.
"None." Sho answered. "Have you seen the others?"
Umiling ako. "Maliban sa tatlong nasa NICU, wala na."
"Okay. For now, we have 10 survivors including us and those 3 who's in the NICU. We need to find the remaining 14. We need to know who's the girl that they were talking about. Malakas ang kutob kong may koneksyon sila sa babaeng 'yon." Sho stated seriously.
"Paano ang mga bata?" I asked. I know I'm 'kinda' heartless but I really have a heart for babies. Only for them.
Ang cute kaya nila. Ang sarap pa nilang pisilin at ihagis. I chuckled on my own thought. Napatingin ako kay Shaun na na kay Clent pa rin. He's just staring at him and then started crying. Napalingon ako sa pintuan nang kumalabog iyon ng malakas. Of course, no one can blame the child for crying that loud. Kahit si Dana na parang binuhusan ng suka sa sobrang putla ay tahimik lang.
"Move. Move. Move!"
I heard Sho's serious voice as he assist them to the ventilation dock. Napabuntong-hininga ako at napapailing na kinuha si Shaun kay Clent na agad humingi ng tawad sa akin kahit wala naman siyang nagawang mali. Ngumiti lang ako at bahagyang isinayaw si Shaun para patahanin ito.
Sa ganitong pagkakataon ay hindi ko kayang ipagkatiwala sa kahit kanino ang bata.
Nakaakyat na silang lahat maliban sa amin ni Sho. Tinaasan ko siya ng kilay nang makitang nakatingin siya sa akin.
"Can you please hurry up?" angil niya.
"Sinabi ko bang hintayin mo 'ko?" ganti ko at inayos ang bata sa bisig ko.
Nahagip ng mga mata ko ang isang baby carrier sa isang tabi. Naalala kong naghanap pala ako ng ganito para sa ganitong sitwasyon. Isinabit ko ito sa katawan ko at rito inilagay ang batang tahimik na ngayon at patingin-tingin lang sa paligid. Sobrang useful sa akin ang carrier dahil para siyang backpack na pwedeng ilagay sa unahan at likuran ngunit sa halip na mga gamit pang-eskwelahan ang laman, bata ang inilalagay.
Paharap ang ayos nito sa akin para mas masiguro kong ligtas ang bata kung sakaling magkagulo. Tinulungan ako ni Angelo makaakyat at napairap na lamang nang biglang tumawa ang bata.
Pero gumaan din ang pakiramdam ko dahil sa tawang iyon.
Si Sho naman ang tinulungan niyang umakyat. At dahil pang-isahang daan lang dito ay nasa likuran ko siya. Nasa unahan ko naman si Dana. Hindi na ako nagtangkang sumilip sa ibaba dahil bukod sa hindi naman talaga ako makakasilip ay baka mahirapan ang batang huminga. Base sa tunog sa ibaba ay mukhang nakapasok na ang mga zombie. Napabuntong-hininga ako.
"Pwede na ba tayong gumapang?" tanong ko dahil mukhang wala silang balak kumilos.
Jusko. Mamamatay talaga ng maaga ang mga 'to.
BINABASA MO ANG
ZOMBREAK
Science FictionVessels of Martiri #1 Do you know how to defend yourself? Perhaps, to kill? How 'bout being independent? Self-reliant? If you have or can do this two, then congratulations! You can definitely survive as long as you can Because as day one started...