7th Break: Lock

5.7K 317 16
                                    

7th Break
Lock

ALESIA

"WHAT the heck?"

"Ssshh... He's sleeping, okay?" suway ko kay Sho.

Matapos ang paggapang namin sa kisame ay nakarating kami sa kwartong pinagtataguan ko rito sa ospital. At ngayon ay hindi sila makapaniwala sa nakikita.

"Saan mo nakuha ang batang 'yan?" Bakas ang pagkadigusto sa boses ni Dana na hindi ko na lang pinatulan.

"Sa NICU."

"NICU?"

Akala ko pa naman matalino.

"Neonatal Intensive Care Unit." Si Clent ang sumagot na tinanguan ko lang bilang pasasalamat.

Mabuti na lang din at hindi na sila nagtanong pa ng tungkol sa kalagayan ng bata. Karga ko ang sanggol na natutulog. Mabuti na lang at hindi siya napasok dito ng sandaling iwan ko siya kanina. Isang malaking ospital room ang kinaroroonan namin. VIP room yata dahil sa laki at maraming gamit na naririto. May mga sofa at cabinet ito na ginawa kong pangharang sa pinto.

"How did you find us?" tanong ni Sho.

"I heard gunshots. Mabuti na lang at naghahanap ako ng gatas para sa batang 'to kaya natulungan ko kayo." sagot ko nang hindi siya tinitingnan.

"Pero bakit sa kisame ka dumaan?" kunot ang noo na tanong ni Andrei.

"Mas safe. Iwas gulo. By the way let's talk about something more important." pag-iiba ko sa usapan.

Naupo ako sa gilid ng kama at nagkanya-kanya rin sila ng pwesto. Bumilog sila para mas madali kaming magkarinigan. Sila ang dapat na mag-adjust dahil nasa bisig ko pa rin ang natutulog na baby.

"What is it?" seryosong tanong ni Sho na ikinabuntong-hininga ko.

"I found three survivors at the NICU. Hindi sila makaalis doon at kulang na rin sila sa pagkain at gatas. Marami silang pinoprotektahan na baby doon..." Kinagat ko ang pang-ibabang labi nang bigla akong nakaramdam ng hiya sa sunod na sasabihin. Gusto kong humingi ng tulong pero hindi ko masabi ng diretso dahil nahihiya ako.

"And you want us to provide their needs?" dugtong ni Sho.

Bahagya akong ngumiti at tumango sa kanya. Nang mapagtanto ang aking naging aksyon ay agad akong yumuko para itago ang pamumula ng mukha dahil sa hiya. Hindi ako sanay humingi ng pabor, okay? Tapos... sa kanya pa?

"What the?! As far as I remember you told us to care only for ourself and now, I'm hearing bullshits from you?" reklamo ni Dana na agad ikinainit ng ulo ko.

Parang bulang naglaho ang hiyang nararamdaman ko kanina at napalitan ng galit. Malamig ang mga matang tiningnan ko sila.

"Hindi pa kayang protektahan ng mga baby ang sarili nila, okay? Ikaw nga na tumatanda hindi maprotektahan ang sarili mula sa mga zombies na 'yon, ang mga baby pa kaya na wala pang isip? And yes, I may be heartless to anyone but not with children. At sa sinabi mo, nalaman kong mas wala ka pang puso kaysa sa akin." Inirapan ko sila bago padabog na tumayo.

Kung ayaw n'yo, ako ang gagawa.

"S-saan ka pupunta?" tanong ni Mich na humarang sa dadaanan ko.

"Stop asking. Gisingin n'yo na ang mga sarili n'yo sa reyalidad. I thought I already woke something in you to survive in this zombreak but it looks like I failed. We're in a zombie outbreak. May virus na kumakalat. All you need is to be independent in able to live longer. If you need to kill, then do it mercilessly." I softly caressed the baby's cheek.

Ang sarap pisilin.

"Bakit napakadali para sa'yong sabihin 'yan?" hindi makapaniwalang tanong niya at umatras palayo sa akin.

"Because I am me." Nakita kong nagmulat ng mata ang baby. Matamis akong ngumiti na para bang hindi ako naging dragon kanina. "Hi, Shaun."

My heart melted when he smiled. Natawa ako ng makita ang gilagid niya na hindi pa tinutubuan ng ngipin. Siyempre, kapapanganak lang sa kanya. Naupo ako ulit sa gilid ng kama bago sila haraping muli.

"You can't blame us for being... uhm... not like you?" panimula ni Mich na bakas ang pag-aalinlangan sa mga mata.

Akala ko pa naman tapos na ang usapang 'to. Napaikot ako ng mga mata.

"You don't have to be like me. Ang kailangan n'yong gawin ay ang isantabi ang lahat ng batas na alam n'yo. You need to break the rules and disobey the laws. Officers won't mind it since they were doing the same thing to survive. They're killing the people they once vowed to protect. Everyone are doing their best to live. If you can't, then it's your loss. Not ours, not mine." Napatingin ako kay Sho na nakatingin din sa akin. "If you want to be a great leader, Sho, you need to scold your friends sometimes. Dana and Mich should know how to protect themselves too. Hindi dapat sila nakadepende lang sa inyo. Angelo, Andrei and Clent can help you, you know. Try to open yourself and be vocal in able to create a stronger bond. Masyado kang tahimik."

Hinawakan ako ng bata sa mukha at para bang gusto niyang tingnan ko siya na ginawa ko naman. Tumawa siya na ikinasimangot ko.

Anong problema ng batang 'to? Mukha ba 'kong clown?

Tumingin ulit ako sa kanila. "By the way, have you noticed something strange?"

"Bukod sa nakakakita na sila at mas mabilis kumilos ay wala ng iba pa." sagot ni Andrei.

I sighed. "Ikalawang araw pa lang pero mukhang nagi-improve na ang senses nila. If their eyes are white, then it means that they are just new turn zombies. The only sense they had is their sense of hearing. Next are those zombies who has green eyes. They have the sense of sight and smell. Mas mabilis na rin sila kumpara sa mga nauna. Then the yellow-eyed zombies—"

"What?" sabay-sabay na tanong nila.

"Since you haven't encountered one yet, I just want you to know that they are more dangerous than the first two. Mas enhance ang senses nila at mas mabilis silang kumilos. At kapag may nakita kayong panibagong kulay, better stay away from them. I noticed that their senses are being heightened as time goes by at malalaman naman natin 'yon kapag nagbago na ang kulay ng mga mata nila." paliwanag ko. Pakiramdam ko ay para akong guro na nagtuturo sa mga estudyante kong pasaway.

"Seems that this virus is not a joke." Andrei sighed. "I wonder how our family is doing out there..."

"Nasaan sila?"

"Lahat ng pamilya namin ay nasa ibang bansa." tipid na sagot ni Sho.

"Haven't I told you that Sitio Seven is closed? I'm pretty sure that they are safe."

"For real?" tanong ni Dana na tinanguan ko.

"Sarado na siya kahapon pa bago magsimula ang zombreak. Mukhang balak talaga tayong ikulong dito ng nagpasimuno nito."

ZOMBREAKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon