37th Break
RopeMICHONNE
"WE don't have any choice but to jump from rooftop to rooftop." saad ni Alesia.
Madaling-araw pa lang pero naririto na kami sa rooftop. Tulog pa si Shaun na buhat-buhat ni Alesia gamit ang carrier.
"W-we're not going to use a rope?" kinakabahang tanong ni Dana na agad kong hinawakan ang kamay para pakalmahin siya.
"Hindi na sana. Pero dahil sinabi mo, sige gagamit tayo. Siguraduhin mo lang na tatawid ka dahil kung hindi, ipupulupot ko sa 'yo ang lubid na hinahanap mo."
The rude Alesia is back. Nanlalaki ang mga matang sabi ko sa aking isip.
"W-what?!" inis na sigaw ni Dana. Hindi rin siguro siya makapaniwala sa inaasta ni Alesia.
"Walang ulitan sa taong bingi." Ngumisi pa siya at nagkibit balikat bago harapin si Dale. "Mauna kang tumalon. Tingnan mo muna ang area bago mo kami patawirin."
Nauna nga na tumalon si Dale. Hindi ko akalain na makakaya niyang tumalon dahil sa sobrang taas ng kinaroonan namin. Kapag nabitin ang pagtalon ng kahit sino sa amin ay tiyak basag ang bungo at bali-bali ang mga buto namin bago kami pagpiyestahan ng zombie sa ibaba. It's a double dead for us.
Kaya kahit nakakatakot ay mas gugustuhin ko pang gumamit ng lubid kaysa tumalon.
"Susunod ako." saad ni Lysa.
"Pero hindi pa nakakabit ang lubid!" pagtutol ni Migo na nginisihan lang ni Lysa.
"You sure?" taas ang kilay na tanong ni Alesia.
"It's time to show what I've got." Umatras si Lysa para makabuwelo bago tumakbo.
"Sabi mo, eh." Nagkibit-balikat si Alesia kaya tumalon na si Lysa. Namangha ako dahil parang napakadali lang para sa kanya ang tumalon.
"That was awesome!" sigaw ni Lysa sa kabila at siya na mismo ang nagkabit ng lubid sa matibay na kabitan. "Titingnan ko lang si—"
"Sa likod mo!" sigaw ni Migo nang makita ang dalawang zombie mula sa likod ni Lysa. Nanlaki ang mga mata ko nang walang kahirap-hirap niyang ipinilipit ang ulo ng dalawang iyon.
"I'll just check Dale!" Tumakbo agad si Lysa papasok ng building.
"Sho, George, Samuel, tumawid na kayo. Dalhin n'yo ang armas na kaya ninyong itawid. You three will guard the rooftop. Hindi na tayo puwedeng umatras." utos ni Alesia. "Dana, Mich, Nicole, susunod kayo sa kanila."
"Dito ako sa 'yo." biglang angil ni Sho na nakipagtitigan kay Alesia.
"Baby boy naman..."
"Tss. Ayoko." pagmamatigas ni Sho.
"Sige ako na lang ang unang tatawid."
"Mauna ka, susundan kita." nakangising saad ni Sho.
Natawa ako nang umirap si Alesia. Ano bang nangyari sa kanila kahapon? Matapos nilang bumalik galing rooftop ay hindi na humihiwalay si Sho kay Alesia maliban na lang sa pagtulog dahil katabi namin sila ni Shaun. Nagiging isip-bata na rin si Sho na ngayon ko lang nakita.
"Fine. Angelo, ikaw na." Napaikot ng mga mata si Alesia. Nginisihan ni Angelo si Sho bago tumawid.
Pinanood ko ang isa-isang pagtawid ng mga lalaki. Mabilis lang silang nakarating sa kabila. Nauna si Nicole sa amin ni Dana.
"Kaya mo ba, Dans?" tanong ko pero hindi siya sumagot.
"Mauna ka na, Mich. Ikaw Dana, tatalon ka o maglulubid ka?" Tumaas ang kilay ni Alesia.
"Ako na ang mauuna!" saad ni Dana na kumalas sa pagkakahawak ko. Lumapit si Alesia at bumulong sa kanya na ikinatango niya.
"Huwag kang titingin sa ibaba." babala ni Alesia at binigyan si Dana ng isang handle pulley. "Dito ka humawak at huwag na huwag kang bibitaw kung ayaw mong mamatay."
Mabilis na ikinabit iyon ni Sho sa lubid at hinawakan naman agad ni Dana ng mahigpit.
"Angelo!" sigaw ni Alesia kasabay nang malakas na pagtulak niya kay Dana.
"Shit!" mura ni Clent at akmang susugod na pero nahawakan siya ni Andrei.
Sisigaw na rin sana ako pero maayos namang nakarating sa kabila si Dana. Para lang siyang nag-zipline.
"She's afraid of heights. At kung tatawid siya sa paraang ginagawa ninyo, puwede siyang makabitaw sa sobrang takot at panginginig sa kalagitnaan ng pagtawid. Walang sasalo sa kanya kung masyado pa siyang malayo sa kabila. Sa ginawa ko naman, segundo ang kalaban ko para masalo siya ni Angelo bago pa man siya makabitaw kung saka-sakali." paliwanag ni Alesia. "Kung sakali mang nakabitaw nga siya, I have Lysa and Dale to catch her. Tamang timing lang."
Nakita ko sina Lysa at Dale sa bintana ng magkaibang floor ng kabilang building. Gustong-gusto ko talaga kung paano mag-isip si Alesia.
"So, pwede na ba kayong tumawid? I badly want to have some rest. Ayaw ninyo naman sigurong maiwan, hindi ba?" Nakataas ang kilay ni Alesia.
Kahit nanginginig at natatakot ako ay tumawid na ako agad.
"That girl! She made me nervous!" reklamo ni Dana nang makatawid ako. Mahina akong napatawa.
"Anong ibinulong niya sa iyo?"
"Close your eyes and hold on tight or you'll gonna die." naiiritang saad niya. "Why is she bitching out again?!"
Nagpatuloy lang siya sa kakareklamo habang ako ay nanonood sa pagtawid ng iba. Rooftop to rooftop ang dadaanan namin at medyo nasasanay na ako. Si Dana naman ay ginawa na talagang zipline ang pagtawid-tawid namin. Humihinto naman kami para maghanap ng pagkain at armas. Para na rin makapagpahinga at kumain lalo na at may bata kaming kasama.
Parang nanay si Alesia kung mag-alaga at protektahan si Shaun. Naga-alcohol siya bago hawakan ang bata. Ang bag na dala-dala ni Sho ay naglalaman ng mga gamit ni Shaun. Mabuti na lang at hindi iyon iniiwan ni Alesia kahit mabigat. Nakakatuwa rin ang pananahimik na ginagawa ni Shaun. Hindi siya iyakin at kapag nagugutom ay inaalis niya sa bibig ang pacifier. Parang alam na alam ng bata kung ano ang sitwasyon namin.
Tahimik lamang kami at kung mag-uusap man ay bulungan lang. Dahil sa ginawa ni Nicole ay nagkaroon ulit ng distansya sa grupo namin at sa grupo niya. Kahit ganoon ay nag-uusap pa rin sina Sho, George at Nathaniel. Pero sila lang tatlo. Ngunit nabasag ang katahimikan ng isang matinis na sigaw mula kay Angel ang narinig namin.
"Lester!"
BINABASA MO ANG
ZOMBREAK
Science FictionVessels of Martiri #1 Do you know how to defend yourself? Perhaps, to kill? How 'bout being independent? Self-reliant? If you have or can do this two, then congratulations! You can definitely survive as long as you can Because as day one started...