23rd Break
CrushALESIA
ARAY, punyemas. Iritado akong bumangon mula sa pagkakadapa sa lupa. Masakit pa ang katawan ko dahil mukhang naging bola ako kanina sa loob ng bus.
Inilibot ko ang tingin sa paligid. Sinong walang'ya ang nagbato no'n?
May nakita akong lalaki na prenteng nakasandal sa motor. Napahawak ako sa dibdib ng bumilis ang tibok noon.
B-bakit?
"Alesia!"
"Damn it!"
Napaluhod ako habang pilit na hindi inaalis ang paningin sa kanya kaso hindi ko na talaga kaya. Nanlalabo na ang paningin ko at mukhang mahihimatay na naman ako.
Wala na ba akong ibang gagawin dito kun'di ang mahimatay ng paulit-ulit?
At muli na naman nga akong nilamon ng dilim.
"SHE doesn't deserve this!"
"No! Alesia!"
Malabo ang mga mukha nila pero kitang-kita ko ang pagpupumiglas nila habang nakahiga ako sa stretcher na hindi ko alam kung saan papunta.
Nag-iba ang senaryo. Nasa loob ako ng isang incubator na may asul na likido. Bata pa ako rito. Wala akong kahit na anong damit maliban sa mala-fetus kong ayos na sapat na para takpan ang mga pribadong parte ng katawan ko. May mask sa bibig ko kaya nakakahinga ako kahit nakalubog sa tubig.
"I'm sorry... I'm sorry, baby..."
Nag-iba ulit ang senaryo. Wala na ako sa incubator. Nasa loob na ako ng isang kwarto na gawa sa glass wall ang apat na sulok at nakakulong pa rin. Nakaupo ako sa putting silya na tanging patient gown lang ang suot. Sa harap ko ay may puting mesa na pinagpapatungan ng mga bato na iba't iba ang hugis, kulay at laki.
"Palutangin mo."
Tiningnan ko ang nagsalita. Blurred ang mukha niya ngunit base sa boses niya ay masasabi kong babae siya. Tumingin ulit ako sa mga bato at tinitigan iyon. Hindi ko alam kung napalutang ko ba o hindi ang mga iyon dahil hindi ko inaasahan ang sumunod na nangyari. Mabilis akong kumikilos habang pinipilipit isa-isa ang ulo ng mga nasa loob ng silid na iyon.
"Alesia!" nanginginig ang boses na pagtawag ni Sho.
Gustuhin ko mang magmulat at huwag siyang pag-alalahanin ay masyadong malakas ang hatak sa akin ng antok kaya wala na akong nagawa kun'di ang magpatangay dito. Sa pagpikit ng mga mata ko, alam kong patuloy kong makikita ang nakaraang pilit kong kinalimutan at tinakbuhan.
"Chase her!" sigaw ng isa matapos kong makawala sa kwartong iyon.
Mabilis akong tumatakbo habang pilit iniiwasan ang mga taong nakasuot ng lab gown. I don't want to kill again.
"Alesia! Alesia, baby, please wake up."
That voice...
Sa isang iglap ay naputol ang bangungot ko. Nanghihina man ay pinilit kong imulat ang mga mata at maliit na napangiti nang sumalubong sa akin ang pares ng matang ngayon ko lang ulit nakita. Nakarinig ako ng malakas na pagbagsak ng kung ano at nang sulyapan ko ito ay nakita ko ang isang motor na sira-sira na. Dumaan pa sa harap ko ang isang gulong nito.
BINABASA MO ANG
ZOMBREAK
Science FictionVessels of Martiri #1 Do you know how to defend yourself? Perhaps, to kill? How 'bout being independent? Self-reliant? If you have or can do this two, then congratulations! You can definitely survive as long as you can Because as day one started...