11th Break: Kiss

5.5K 326 46
                                    

11th Break
Kiss

ANDREI

"CLENT, kanina pa ako nabubugnot sa lalaking yan. Masyadong adib-adib." reklamo ko at sinamaan ng tingin ang lalaking estudyanteng 'yon.

"Adib-adib?"

"Bida-bida, Clent. Bida-bida." Umirap ako at sinulyapan si Alesia. Natutulog siya sa stretcher na kinuha niya kanina. "Hindi man lang siya sumigaw."

"Sino?" singit ni Angelo at naupo sa tabi ko.

Ininguso ko naman si Alesia. "Si Alesia. Kung hindi ko pa siya pinuntahan sa kusina ay hindi ko pa malalamang nawalan siya ng malay."

"Don't you think na na-infect siya kaya siya nawalan ng malay?" nagdududang saad ni Dana.

"Stop saying nonsense things, Dana. Huwag mong kalilimutan na siya ang madalas na maglitas sa atin." seryosong saad ni Clent kaya napapahiyang yumuko si Dana.

Tinapik ko ang balikat ni Clent para lihim na suwayin siya. Hindi naman lingid sa kaalaman namin na may gusto si Dana sa kanya at siya rin dito. Bukod sa torpe talaga siya ay manhid pa ang nagugustuhan niya.

"Hindi naman. Wala naman kaming na-encounter na zombie kanina." wika ko kaya napalingon silang lahat sa akin. Bahagya akong napaatras dahil hindi ko naman akalain na maririnig nila ako at ganito ang magiging reaksyon nila. Katakot, ah?

"Pardon?" saad no'ng doctor.

Isa pa 'tong doktor na 'to. Hindi maganda ang kutob ko sa isang 'to. Sa itsura pa lang ay hindi na mapagkakatiwalaan. Sa halip na pansinin siya ay inirapan ko lang siya. Tsismoso.

"What did you just said, Andrei?" salubong ang kilay na tanong ni Sho. Buhat-buhat niya pa rin si Shaun na tahimik na nakasandal sa dibdib niya. Hinubad niya muna ang carrier dahil hindi raw safe na ilagay lagi roon ang bata lalo na at hindi pa ito marunong umupo. Natatakot siyang mabalian ang bata.

"Wala kaming nakasalubong na zombie." sagot ko na may kasama pang pag-iling dahil parang ayaw nilang maniwala sa akin. "Kahit isa, wala talaga kaming nakita."

"How could be that possible kung lahat ng kwartong nadadaanan natin kanina ay may zombie?" naguguluhang tanong ni Dana.

"Hindi ko rin alam." mahina ang boses na sagot ko. "Pero wala talaga kaming nakita."

"Paanong nangyari 'yon?" bulong ni Mich.

Hindi ko rin alam. Naguguluhan din ako ngunit kahit anong halughog ko sa aking utak ay hindi ko talaga mahanap ang sagot. Marami kaming nakitang zombie sa loob ng ospital at imposibleng sa isang iglap lamang ay wala ni isa ang matitira sa mga iyon. Paano nangyari iyon?

"It's because we got them."

Naguguluhang tumingin kami sa doktor na nakangisi na ngayon. Nakatayo siya sa gilid ni Alesia at marahang hinahaplos ito mula sa pisngi papunta sa braso. Awtomatikong napatingin ako kay Sho na masama ang tingin sa doktor. Kung wala lamang siyang hawak na bata ay tiyak akong nakasugod na ito at nabangasan na ang doktor. Gustuhin ko rin man siyang biruin ay hindi iyon maganda sa ganitong sitwasyon.

"What do you mean by that?" tanong ni Clent na agad naging alerto at dumikit kay Dana para protektahan ito kung sakaling magkagipitan.

Aw, sanaol. Nakangusong kinamot ko ang sentido. Pero ba't ba kasi namin nakalimutan ang mga baril?! E'di sana inisang bala na ni Sho ang epal na doktor na iyan?!

ZOMBREAKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon