14th Break
FriendsALESIA
"WHAT happened?"
I rolled my eyes when I heard that question from Mich. Pumasok muna ako sa sasakyan at naghanap ng pamunas sa mukha habang nag-iisip ng isasagot sa kanya.
"Long story short, zombies attacked me." sagot ko na kahit alam kong bitin ay maiindihan naman nila.
Siguro. Nagkibit-balikat ako at patuloy sa pagpupunas ng mukha at katawan gamit ang basang panyo. Balewala ang pagligo ko kanina dahil naliligo ulit ako sa dugo ng mga zombie ngayon. Matamang nakatingin lang sa akin si Shaun gamit ang inosente niyang mga mata. Sa isang iglap ay nawala ang pagod ko at nakaramdam pa ng kapayapaan sa pagtitig ko sa mga mata ng bata. Wala sa sariling napangiti ako.
He really looks like him. May luhang pumatak sa mata ko na agad kong pinahid kasabay ng pagtikhim ko. Don't be so reckless, Alesia. Don't let them see your vulnerability.
"Umalis na tayo." Tumingin ako sa bintana. Nagpapasalamat ako na hindi ako nabulol sa pagsambit ng dalawang salitang iyon.
"Mich, sa iyo muna si Shaun." rinig kong saad ni Sho na sinundan ng pag-iyak ng bata.
Napalingon ako para lang makita na naglulumikot ang baby kay Mich. Bahagya akong nag-alala dahil baka mahulog siya ngunit hinuli ni Andrei ang mga mata ko at sinserong ngumiti sa akin bago kunin si Shaun kay Mich. Iiyak na sana ang bata na agad namang napigilan ni Andrei gamit ang mukha niyang pabago-bago ang ekspresyon.
Mukhang nagiging maarte na ang batang 'to, ah. Napailing na lang ako. Gustuhin ko mang kunin si Shaun ay hindi pupwede lalo na at wala ako sa tamang pag-iisip. Baka mapisa ko lang siya ng wala sa oras.
"Kunin mo na si Shaun, Sho. Ako na lang ang magda-drive." Bumaba ako sa sasakyan para lang salubungin ng isang matinis na tunog. Napatakip ako sa magkabilang tainga at napaluhod.
"Alesia?!"
"What's happening to her?!"
"Shit, Sho! Dumudugo na ang tainga niya!"
"Oh my gosh!"
Halo-halo na ang boses nila pero ang tunog pa rin na 'yon ang pinakanangingibabaw. That frequency sound is familiar to me and I know what it was for.
"S-stop..." I whispered trying to fight the pain. Nahihilo na ako at nahihirapang huminga. "Make it stop..."
May humawak sa balikat ko at pilit akong iniharap sa kanya. Nanlalabo na ang aking mga paningin kaya hindi ko siya maaninag ngunit sa tulong ng kanyang pulang buhok ay nakilala ko kung sino siya. Base sa galaw ng bibig niya ay may sinasabi siya pero hindi ko maintindihan.
"S-Sho... S-stop... Make it stop... P-please..."
Masakit. Habang tumatagal ay mas tumitinis ang tunog na hindi ko alam kung hanggang kailan tatagal at kung saan nanggagaling. Sa puntong ito ay mas gugustuhin ko pang mawalan na ng malay.
Flashes of memories came into my mind. Memories that I kept hidden for years...
I don't know what's happening to my surroundings anymore. Namamanhid na ang buong katawan ko kasabay ng unti-unting paglamon ng dilim sa akin.
Sho...
ISANG nakakasilaw na liwanag ang bumungad sa akin pagmulat ko pa lang ng aking mga mata.
"Alesia..." It's a very familiar man's voice.
Nang luminaw na ang nakikita ko ay si Sho agad ang bumungad sa akin. Bakas ang pag-aalala sa mga mata niya na pinili kong huwag pansinin.
BINABASA MO ANG
ZOMBREAK
Science FictionVessels of Martiri #1 Do you know how to defend yourself? Perhaps, to kill? How 'bout being independent? Self-reliant? If you have or can do this two, then congratulations! You can definitely survive as long as you can Because as day one started...