10th Break
VMALESIA
"SO, what are we going to do now?" tanong ni Mich kay Sho.
Nasa NICU kami at tinitingnan ang lagay ng iba pang mga bata. Nandito rin ang tatlong survivor na nakita ko. Isang lalaking doktor, isang lalaking estudyante at isang babaeng nurse. Hindi ko na inalam ang pangalan nila dahil hindi naman kailangan. Nilibot ko ang buong NICU at pinanood ang mga batang natutulog.
Aw, they all look so soft and fluffy. I chuckled from my own thought.
Napailing ako at pumunta na lamang sa bintana. Hinawi ko ang kurtina at tumingin sa labas. Napahawak ako sa sikmura nang kumalam iyon. Napanguso ako at isinara na lang ang kurtina. Napakurap ako nang paglingon ko sa kanila ay mga nakatingin sila sa akin na may nanlalaking mga mata. Hindi ko sila pinansin at lumapit sa nurse.
"Pahiram." Itinuro ko ang espadang hawak niya. Hindi ko alam kung saan niya ito nakuha basta ang mahalaga may magamit ako. Walang pag-aalinlangan na iniabot niya sa akin 'yon. Lumapit ako kay Sho at hinalikan sa noo si Shaun na gising na. "Take care of Shaun or I'll kick your ass off."
"Saan ka pupunta?" tanong ni Mich.
Napatigil ako sa pagpihit ng doorknob at nilingon si Mich. "Maghanap ng makakain. Oh, Andrei, sumama ka sa akin. Kailangan ko ng taga-bitbit."
Walang salitang lumapit siya sa akin. Tahimik na lumabas kami roon at naglakad papuntang cafeteria. Kumunot ang noo ko nang maalala ang mukha ng doktor kanina. Nakita ko naman na siya noong kunin ko si Shaun sa kanila ngunit hindi pa rin talaga nawawala ang pagdududa ko sa kanya. Noong pumunta ako sa NICU ay nakatitig lamang siya sa akin tapos bigla siyang ngingiting mag-isa at hanggang ngayon ay ganoon pa rin siya. Hindi naman siya pangit at hindi rin naman ako ganoon ka-judgemental ngunit bakit nakakaramdam ako ng hindi maganda sa kanya?
"Wala akong dalang baril." basag ni Andrei sa katahimikan.
"Kung ba't naman kasi iniwan n'yo sa van?" singhal ko at masamang tiningnan siya. "Nakakamatay ng maaga ang katangahan, Andrei."
Halos lahat ng baril na nakuha nila sa police station ay naiwan nila sa van at ang tigda-dalawang baril na dala naman nila ay mga paubos na rin ang bala. Kung hindi ko sila narinig ay malamang na patay na talaga ang mga ito. Nginusuan lang ako ng walang'ya na ikinairap ko. Itinaas ko ang talim ng espada sa harap niya.
"Nakikita mo 'to? Kayang-kaya kong tapyasin iyang nguso mo gamit 'to."
Napatikom siya ng bibig. Natahimik kami ng ilang saglit. Nakikiramdam ako sa bawat hakbang namin. Mahigpit rin ang hawak ko sa espada. Napakurap-kurap ako nang makarating kami sa canteen ng ospital at napasimangot din dahil sa malansang amoy dito. Pumasok kami sa loob at talagang napataas ang kilay ko sa nakikita.
Hindi ko naman na kailangan pang sabihan si Andrei dahil kusa na siyang kumilos para maghakot ng pagkain. Ako naman ay inikot ng tingin ang buong canteen. Mga natuyong dugo at ibang parte ng katawan lamang ang nandito. At siyempre, pati nga gamit na wala sa ayos.
Nasaan ang mga bangkay Napabuntong-hininga na lang ako at nag-isip. Sigurado akong may mga napatay ako rito. Pero ba't wala ang mga bangkay nila? Nasaan sila?
"Alesia, tapos na. Kumuha na rin ako ng ilang kahon ng gatas." wika ni Andrei kaya napalingon ako sa kanya para lang makita siyang tulak-tulak ang isang water dispenser. "Para sa tubig natin. Pwedeng malamig, pwedeng mainit."
Tumango ako ulit at ibinigay sa kanya ang espada. "Kukuha lang ako ng stretcher or kahit anong de-gulong para sa mga tubig. Kapag may nakita ka, saksak agad or putulan mo ng ulo."
Napalunok siya at tinanggap ang espada habang tumatango. Umalis naman ako at naghanap ng malapit na kwarto para kumuha ng stretcher. Alam kong ang mga kaya lang naming buhatin ang dapat naming kuhain ngunit ayaw ko namang sayangin ang pagkakataon lalo na at hindi naman kami nakasisiguro na may makikita pa kaming mga supply sa mga susunod na araw. Habang naglalakad ay hindi ko mapigilang mapaisip sa nangyayari.
Bakit nawawala ang mga bangkay? Sino ang mga narinig kong nag-uusap sa walkie-talkie kanina? Sino ang babaeng tinutukoy nila? Anong kinalaman niya sa kanila? Napailing ako para patigilin ang sarili sa pag-iisip. Ba't ko ba iniisip ang mga walang kwentang bagay na 'yan? Ang mahalaga lang naman sa akin ay maka-survive sa outbreak na 'to.
Tumango-tango ako at iwinaksi na iyon sa isipan ko. Hindi ko dapat ini-involve ang sarili ko sa mga bagay na wala namang kinalaman sa akin. Agad akong bumalik sa canteen nang makita ang pakay. Maingat kong itinutulak ang stretcher na sa kabutihang palad ay hindi pa kalawangin ang gulong kaya hindi masyadong lumilikha ng ingay. Pagbalik ay nakita ko si Andrei na nagkakalkal pa rin sa kusina. Salubong ang kilay niya at seryosong-seryoso sa paghahanap.
"Hey." Napatawa ako nang mapatalon siya sa gulat at masamang tumingin sa akin. Napailing na lang ako sa kanya. "Ilagay mo na ang mga tubig dito."
Nakangusong sinunod niya ang sinabi ko. Wala akong balak tulungan siya kaya kinuha ko ang espada sa kanya at nagsimulang ikutin ang kitchen area ng canteen.
Hindi ko alam kung bakit pero hindi ako mapakali. Parang may hinahanap ang mga mata ko na hindi ko matukoy kung ano.
Napatigil ako nang nay mahagip ang nga mata ko. Tinitigan ko ang isa sa mga lababo ng kusina. Nilapitan ko iyon dahil hindi ko iyon makita masyado. May nakaukit na maliit na bilog sa gilid noon at may dalawang letra sa loob.
VM... Napangiwi ako nang makaramdam ng sakit sa ulo. Hinihilot ko ang sentido habang kumukuha ng suporta sa lababo. Kagat ko ang ibabang labi habang nilalabanan ang sakit na nararamdaman pero sa huli ay bumagsak ako sa sahig bago lamunin ng dilim. Saglit lang iyon dahil makalipas ang ilang minuto ay may naririnig na akong mga ingay.
"What happened?!" rinig kong sigaw ni Sho na sinundan ng pag-alog ng kinalalagyan ko.
Medyo masakit pa ang ulo ko at kahit gising na ako ay mas pinili kong huwag na munang imulat ang mga mata. Baka mag-panic lang sila sa oras na makita nila ang mga mata ko. Nanghihina pa rin ako kaya gagamitin ko na ang pagkakataong ito para makapagpahinga kahit saglit lang.
"Anong nangyari sa kanya, Andrei?" boses ni Mich.
Naramdaman kong may bumuhat sa akin pero hindi pa rin ako nagmulat ng mga mata. Pakiramdam ko'y pagod na pagod ako kahit wala naman akong masyadong ginawa. Nagsisimula na rin akong makaramdam ng antok.
Oh yes. Hindi nga pala ako nakakatulog at nakakakain ng maayos.
"Hindi ko rin alam. Nakita ko na lang siyang nakahiga sa sahig." nanginginig ang boses ni Andrei.
"Paanong hindi mo alam eh ikaw ang kasama?" boses no'ng lalaking estudyante.
Nakaramdam ako ng iritasyon dahil sa angas ng pagsasalita niya. Bangasan ko kaya 'yan?
"Nasaan ang espada?" tanong naman ng babaeng nurse.
Mas sumasakit ang ulo ko sa ingay nila. Gusto ko man silang singhalan ay wala akong lakas para gawin 'yon. Kailangan ng katawan ko ang bawat pahinga na makukuha ko. Kahit ilang minuto pa iyan.
Ugh. I hate being weak.
"S-shut them up." bulong ko bago tuluyang hayaan ang sarili na tangayin ng antok.
I need some rest. Food, maghaharap tayo mamaya.
BINABASA MO ANG
ZOMBREAK
Science FictionVessels of Martiri #1 Do you know how to defend yourself? Perhaps, to kill? How 'bout being independent? Self-reliant? If you have or can do this two, then congratulations! You can definitely survive as long as you can Because as day one started...