LYSA
"BAKIT ba ayaw mong sabihin sa kanila na magkakilala tayo?"
"Malalaman din naman nila." sagot ko.
Nasa isang grocery store kami at namimili na parang normal lang ang lahat. Siya ang nagtutulak ng cart at ako ang kumukuha ng mga gamit.
"Anong ibig mong sabihin?"
"Alam mo kung ano ang ibig kong sabihin." seryosong sabi ko ng hindi siya nililingon.
"Pero hindi pwede. Alam nating pareho ang mangyayari kapag hinayaan natin siya!"
"They got him, Nathaniel. Don't expect her not to do anything lalo na kung siya ang pinag-uusapan natin. Yes, she loves Sho. Pero sa tingin ko, kahit siya ay hindi mapipigilan si Alesia." Halos madurog ko ang hawak na junk food sa sobrang gigil. "Isa pa, may traydor sa mga kasamahan natin. Isa pa lang ang kumpirmado. Pero sabi ni Alesia ay may isa pa. Silang dalawa ang magbibigay sa atin sa kanila."
Nanggigigil pa rin ako. Hindi ko alam kung bakit nila kami kailangang traydurin gayong ginagawa namin ang lahat ng makakaya namin para iligtas sila. Alam kong hindi ganoon kaapektado si Alesia sa mga traydor lalo na at wala naman talaga siyang pakialam sa kanila. At alam kong pareho lang kami ng inaalala. Yun ay ang mga posibleng mangyari kapag nakuha na kami. Si Shaun ang pinakainaalala ni Alesia. Pero si Alesia ang inaalala ko.
"Kilala ko na kung sino-sino ang tinutukoy mo." Ngumisi siya. "Hindi ko pa nasasabi sa kanya kung sino ang ikalawa. Si Nicole ang una."
"Yeah. Masyadong magaling ang napulot mong iyon, Nathaniel."
"Hindi ko siya pinulot. She was given to me by him. Alam niya siguro ang mga mangyayari."
Natahimik kami at ipinasok na lang sa van ang mga kinuha namin. Napapaisip ako. Si Nicole ang isa sa mga traydor at nasisiguro ko iyon. Walang duda. Ang ipinagtataka ko lang, paano siya nakikipagkomunikasyon sa kanila? Walang signal ang buong Sitio Seven at wala kaming makitang walki-talkie maliban sa dalawang nahanap ni Alesia pero pareho niyang winasak.
Si Alesia lang ang kayang kumonekta sa kanila ng isip lang ang ginagamit.
Matiwasay kaming nakarating sa bahay. Agad akong tinulungan ni Migo sa mga dala ko. Napangiti na lang ako.
"Magluluto lang kami tapos ready na tayong mag-inuman." sabi ko.
Wala akong maramdamang pagod ngayon dahil gusto kong i-enjoy ang gabing ito. Katulad ni Alesia ay magha-hibernate din ako.
Pagdating ko sa kusina ay nandoon na rin si Mich na hinahanda na ang mga lulutuin namin. Si Migo at George naman ay inilalagay sa ref ang mga stock namin.
"Sho, hawakan mo muna si Shaun. Magtitimpla ako ng gatas." rinig kong sabi ni Alesia.
Naupo muna ako at pinagmasdan siya sa ginagawa. Bestfriend ko si Alesia pero higit pa doon ang turing namin sa isa't isa. Magkapatid. Oo, kapatid na ang tingin namin sa isa't isa. Hindi lang halata dahil hindi namin ipinapakita. Selfless si Alesia. Bagay na minsan ay nakatutuwa pero madalas na hindi. Alam ko ang plano niya ngayong gabi. Hanggang ngayo'y hindi ko lubos maisip na gagawin niya iyon para kaya Sho. Pakiramdam ko ay namula ako ng maalala ang sinabi niya tungkol sa bagay na iyon.
Kakailanganin nga talaga niya ng alak para magawa ang bagay na iyon.
"Tss. Hindi ikaw ang gagawa kaya wag kang mamula diyan." bulong niya sa kanang tenga ko.
Sa gulat ko ay bahagya akong napapitlag na ikinatawa niya. Napasimangot ako.
"Hindi ko maiwasang isipin e." Napanguso ako. "Parang hindi ko yatang gawin yan kung saka-sakali."
"Ikaw nga na naiisip iyon ay namumula na, ako pa kaya na gagawa? Saka kaya nga mag-iinuman diba? Anong silbi ng alak kung hindi lalakas ang loob ko?" Tinapik niya ang balikat ko. "I want to enjoy this night, Ly. Who knows if this will be my last?"
Agad akong napaangat ng ulo at binigyan siya ng masamang tingin. Nakita ko ang malungkot niyang tingin habang pinapanood si Sho na pinapakain si Shaun.
Inlove na talaga siya.
"You'll tell him tonight about that thing too?"
"He deserve to know. Siya rin naman ang mag-aalaga sa kanya sa huli." Tumingin siya sa akin. "Bilisan mo na ng matapos na. Anyway, do something on them. Ayaw ko ng istorbo."
"Sure. Kung gusto mo yung wala ng gisingan e." Napangisi ako pero nginiwian niya lang ako.
"Kung pwede lang." Umiling siya at lumapit na kina Sho.
Pinanood ko ang paglabas nila. Napabuntong hininga na lang ako at napahilot sa sentido. Tumayo na rin ako at nagsimula na lang magluto kasama si Mich. Kampante na ako sa presensya niya at nakakatuwa rin siyang kausap. Ikinuwento niya rin ang mga journey nila noong wala pa kami.
"Sho loves her from the very start. Kakaiba si Alesia sa mga estudyante dahil hindi siya takot sa mga ito. You know, delinquent students." sabi niya habang abala sa paghahalo ng sisig. "Lagi ko siyang nakikita na pinaparusahan ng ibang teacher pero balewala lang sa kanya dahil ini-enjoy niya lang."
Natawa kaming pareho kahit wala siyang example na sinabi. Alam ko na dahil na-witness ko na rin naman.
"If I were a guy, malamang na magkagusto rin ako sa kanya. You will fall inlove with her kahit sa kaunting bagay lang."
"Agree." Ngumiti siya.
Nagseryoso na ulit kami sa pagluluto. Ilang saglit lang ay natapos din kami. Nasa salas na silang lahat at mukhang pinatulog muna ni Alesia si Shaun sa taas. Ngumiti lang siya sa akin na para bang sinasabi niya na magiging okay lang ang lahat. Umiwas ako ng tingin.
Nakakastress ang mga nangyayari. Nasa salas kami at nagkanya-kanya ng upo. Nasa center table na rin ang pulutan, ice bucket at mga bote ng alak. Nagkatinginan kami ng Alesia at nagtanguan. Ako ang nagpasimula ng laro. Spin the bottle para sa dare or drink. Gagawin ang dare o iinom ng alak ng dalawang beses na puno ang shot glass. Take note, halo-halong alak yon.
"Dare or Drink?!" pasigaw na tanong ko kay Dana.
"Dare!"
"Halikan mo si..." Inikot ko ang paningin kahit alam ko naman kung sino ang dapat piliin. Kumindat ako sa gagawan ng dare. "...Clent!"
Alam ko namang may gusto sa isa't isa ang dalawang ito kaso ay torpe ang lalaki at manhid ang babae. Walang pasabing ginawa niya iyon. Hinalikan niya nga pero sa pisngi lang. Natatawa ako sa isip ko. Di bale, simula pa lang naman. Pa-iinitin ko muna ang bote bago gumawa ng medyo mabibigat na dare.
Ilang saglit pa ay nabagot na kami sa nilalaro. Wala na kasi kaming maisip na wild dares. Nag-sexy dance na sina Angel, Nathaniel at Angelo. Naghalikan na sina Dana at Clent. Naglap dance na si Rowena kay George. Pinakanta na rin sina Migo at Andrei habang nagsasayaw ng magkasalungat na musika. Kaming mga natira naman ay puro drink kaya may tama na rin kami.
Napagdesisyunan namin na magvideoke naman. Tamang volume lang para hindi magising si Shaun. Kanya-kanya naman kaming lagay ng numero na aming kakantahin. Naghanda pa si Nathaniel ng disco light at ginawang dim ang ilaw. Dahil doon ay mas feel namin na nasa isang bar kami.
Sa kalagitnaan ng pagwawala namin ay nahagip ng paningin ko si Sho na umaakyat na at mukhang walang kamalay-malay kay Alesia na nakasunod sa kanya.
Napangisi ako dahil mukhang ito na ang oras para pareho silang magpawala ng stress!
~*~
BINABASA MO ANG
ZOMBREAK
Science FictionVessels of Martiri #1 Do you know how to defend yourself? Perhaps, to kill? How 'bout being independent? Self-reliant? If you have or can do this two, then congratulations! You can definitely survive as long as you can Because as day one started...