6th Break
Saved By HerMICHONNE
"HANGGANG dito na lang ako."
Napatigil kaming lahat dahil sa narinig at nilingon ang babaeng nagsalita.
"Alesia? Akala ko ba sasama ka na sa amin?" tanong ko at naguguluhang tiningnan siya.
Tinaasan niya ako ng kilay saglit at saka bahagyang tumawa na ikinanguso ko. May mali ba sa sinabi ko?
"Ha? Kailan ko naman sinabi 'yon?" Inosente siyang tumawa at kalmadong tiningnan kami isa-isa. "I never said such a thing. I just helped you to survive the first day dahil parang nangangapa pa kayo sa nangyayari. At ngayong kaya n'yo na, aalis na ako. I am not sorry for hurting you, physically and emotionally, because that's what you need to survive this apocalypse. But, I don't have any intentions to be with you 'till the end."
This girl... Halatang hindi siya dumedepende sa kahit kanino at sanay na sanay siyang mag-isa. Kahit matalas ang pananalita niya at gusto mo siyang layuan dahil sa pagiging maldita niya ay may humihila pa rin sa iyo palapit sa kanya.
Not the right time for this but I want to be her friend. Ngumuso ako. Please, just come with us, Alesia.
"Hindi ba't mas delikado kung mag-isa ka lang?" tanong ni Andrei na natatawang ikinailing ni Alesia.
"Nope. Mas delikado kapag may kasama ka. Kapag mag-isa ka, sarili mo lang ang iisipin mo. Tss. You should know what I mean." Ngumisi siya habang nakatingin kay Dana na masama rin ang tingin sa kanya. "Don't trust anybody after me. Hindi lahat ng makakasalamuha ninyo ay kailangan ng tulong o handang tumulong. Ang suwerte n'yo lang at ako ang nakita n'yo. Anyway, be careful. Nakakakita na rin sila. Gotta go."
Kalmadong tumalikod siya at nagsimula ng maglakad papunta sa kabilang hallway. Ikinaway pa niya ang kanang kamay na may nakataling panyo nang hindi lumilingon. She probably felt our stares...
"Let's go." saad ni Sho kaya wala kaming nagawa kun'di ang magpatuloy sa paglalakad.
Kumikislap-kislap na ang karamihan ng ilaw dito sa ospital. May mga bakas ng dugo sa dingding at sahig, may mga parte rin ng katawan ng tao at mga gamit na nagkalat kung saan-saan. Magulo. Napakagulo ng ospital.
Nang tumigil si Sho ay tumigil din kaming lahat. Sinenyasan niya kaming maging alerto at huwag maingay. Binuksan niya ang pinto at mas umalingasaw ang napakabahong amoy. Hindi ko na napigilan ang sumuka sa hallway pati na rin si Dana na lalo lamang sumuka nang hindi sinasadyang mahawakan niya ang dugong nasa pader. Gusto ko sana siyang lapitan ngunit hindi ko kaya dahil nanghihina pa ako.
Nasa canteen kami ng ospital. Expected ko naman na mabaho ang lugar ngunit hindi naman ganitong kabaho na parang may ilang linggo ng nabubulok sa loob gayong ilang araw pa lang ng magsimula ng zombreak.
"Tama na 'yan, girls. Baka maisuka n'yo pa pati internal organs n'yo." saad ni Andrei.
Napairap ako nang marinig iyon. At talagang nagagawa niya pang magbiro sa ganitong sitwasyon?
May nag-abot sa akin ng panyo na agad ko namang tinanggap at tubig na ininom ko agad.
"Kainin n'yo muna ito." wika ni Clent na binigyan ako ng candy na agad kong isinubo.
Pinanood ko siyang lapitan si Dana na panay ang kuskos ng palad sa palda niya. May kinuha si Clent sa bulsa niya at nakita kong isa 'yong alcohol. He sprayed some on her palms and wiped them using the hem of his polo. Napailing na lamang ako sa kanilang dalawa at ibinaling na kina Sho ang tingin.
BINABASA MO ANG
ZOMBREAK
Science FictionVessels of Martiri #1 Do you know how to defend yourself? Perhaps, to kill? How 'bout being independent? Self-reliant? If you have or can do this two, then congratulations! You can definitely survive as long as you can Because as day one started...