39th Break: Plans

2.8K 168 16
                                    

DANA

I saw it. I freaking saw how that monster ate Alesia's brother before they exploded!

Napatingin ako kay Alesia na walang malay habang nakaupo sa kandungan ni Sho. Si Shaun ay na kay Clent na katabi ko.

"She used her power to save us. And his brother sacrifice his life for us." Angel whispered. Pareho sila ni Rowena na natatahimik dahil sa takot at kaba.

"That's Alesia. Mukha man siyang heartless but deep down inside her she cares." sabi naman ni Lysa.

I have this feeling that she know her more than Nathaniel do. Para kasing may invisible line na nagkokonek sa kanila ni Alesia. At nakumpirma ko yun kanina. They're talking and looking at each other that only the two of them can understand.

"Kaya ko nga siya nagustuhan." singit ni Nathaniel at tumawa. "No worries, Sho. Di ako mang-aagaw."

That's good to hear. I sighed in relief.

"Hindi siya friendly." sabi ulit ni Lysa. "Pero sa oras na kausapin mo siya sa kahit anong paraan, kahit sarkastiko ka o nang-aasar, she will start identifying you if you can be an acquaintance, a friend or an enemy. "

We hated each other the first time we met but look at us now, we become friends.

"Alesia is everyone's dream. Believe me. And you're lucky for having her, Sho." sabi ni Nathaniel. "Kung kikilalanin n'yo pa siya, paniguradong maiintindihan ninyo ang sinasabi ko. Karamihan sa mga babae ay naiinggit o humahanga sa kanya. At halos lahat ng lalaki ay kulang na lang sambahin siya. If you will see that side of her, maiintindihan ninyo ako. She's doing things that you didn't think that she can. Kaya masyadong protective si Dale sa kanya."

I felt a little bit envy because they seem to know her more and curious sa kung ano ba talaga ang tinutukoy nila. I wanna see that side of her too.

Bumaba si Nathaniel kaya bumaba na rin kami.

"This is my uncle's abandoned house. Nakalimutan ko kasing sabihin kay Alesia na may bahay kami rito na mataas naman ang security kahit papaano." Nathaniel smiled apologetically at us. "Feel at home."

Malaki ang bahay at may mataas na gate. May kinalikot si Nathaniel at bumukas na ang gate. Walang hiya-hiya na pumasok na kami. Binuksan na rin muna niya ang pinto bago lumabas para ipasok ang van. Inihiga muna ni Sho si Alesia sa sofa.

"Feel at home daw diba? Titingnan ko kung anong pwedeng lutuin sa kusina. Hiramin ko na rin muna si Michonne." presinta ni Lysa at hinila na si Mich na napanguso na lang.

"May anim na kwarto sa taas. Pwede kayong mamili kung saan ninyo gustong matulog at kung sino ang gusto ninyong kasama. May mga damit din na pwedeng suotin. Pili na lang kayo." sabi ni Nathaniel.

"Sa isang kwarto lang kami." sabi ni Sho.

"Sige, sige. Kukuha na lang ako ng mga panlatag. Tara na sa taas."

Sumunod kaming lahat kay Nathaniel. Tulad namin ay sa isang kwarto lang din tutuloy ang grupo ni George. Magkasama naman sa isang kwarto sina Lysa at Migo. At solo naman ni Nathaniel ang isa.

Malaki ang kwartong napili namin. And I think this is the master's bedroom. How fortunate of us. Inihiga na ni Sho sa kama si Alesia. Si Shaun naman ay gumapang agad sa kama at kusang tumabi kay Alesia. Nagkanya-kanya naman kami ng pwesto.

"Kawawa naman si Samuel. Magiging katulad din nila siya diba?" tanong ni Andrei.

"Yeah. Unless if there's a cure." Sho said na ikinatahimik namin.

"Come to think of it, we doesn't have any goals in this zombreak maliban na lang sa mabuhay." sabi ni Clent na sinang-ayunan naman namin.

Lumapit si Angelo sa pinto para ilock iyon. That's a cue for us na magkakaroon kami ng masinsinang pag-uusap. Kahit wala pa si Mich.

"But Alesia seems doing it for us." sabi ni Angelo pagkaupo niya ulit. "Pansin n'yo ba? Siya ang naglelead sa atin kung saan tayo pupunta."

"She told me that all we have to do is to stay alive at siya na ang bahala kung paano tayo makakasurvive." sabi ni Sho. "We can't let her do everything for us. Pero wala tayong magagawa. If we oppose to her decision, we might just ruin her plans. Hindi tayo pwedeng gumawa ng kumlipkasyon lalo na at may batang maiipit sa pagsalungat sa kanya."

"Then what clearly our goals here?" Clent asked.

"Stay alive and don't be caught by them." boses ni Alesia. Pagtingin ko sa direksyon niya ay nakaupo na siya at nakaunan sa hita niya si Shaun na nakatingin sa amin.

"By whom?" I asked.

"By the Vessels of Martiri." She answered using her cold voice. Nakakakilabot ang boses niya pero ang mga mata... iba ang sinasabi.

"Who are they?" tanong ni Andrei.

"Sorry but it would be better if you know nothing about them. Just stay away from them."

"How are we gonna do that if we didn't know kung kanino tayo magtatago?" tanong ni Angelo

"You'll die if I tell you. Just do what I say, obey with my plans and have some trust on me then you'll be safe."

Katahimikan na ang namayani sa amin. All of us looks so confused on what she told us. My gut feeling is telling me that she just gave us a warning on how dangerous they can be. It's obviously an organization and not just a person. Sino bang matinong magulang ang magpapangalan ng Vessels of Martiri sa anak nila diba?

"Guys kakain na!" boses ni Lysa.

Nagsitayuan naman kaming lahat. Lumapit si Sho kay Alesia at binuhat si Shaun.

"You okay now?" I heard him asked. Hindi ko na narinig pa ang sagot ni Alesia dahil lumabas na kami ng kwarto. I saw Lysa knocking to the remaining rooms.

"We need to talk." malamig ang boses na saad ni Alesia. Wala siyang sinabi kung sino pero lumingon si Lysa.

"Saglit lang." sabi niya at malakas na hinampas ang pintuan ng tatlong kwarto. Sabay-sabay naman yung bumukas. "Bumaba na kayo. Kakain na."

Tiningnan ni Alesia ang bawat pintuan ng kwarto bago siya pumasok sa kwartong tinutuluyan ni Migo. Sumunod naman agad si Lysa.

"Tara na." sabi ni Sho na agad naman naming sinunod.

What really are they? Long time friends?

~*~

ZOMBREAKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon