4the Break
Can't SleepALESIA
BAKIT nga ba ako sumama sa mga 'to?
Pinapanood ko silang mahimbing na natutulog sa isang sulok ng opisina rito sa police station. Nakaharang ang mesa sa pintuan para hindi ito madaling mabuksan mula sa labas. Madilim at tanging kidlat na lamang ang nagbibigay liwanag sa paligid. Sa wakas ay bumagsak na rin ang ulan na kanina pa nagbabadya. Hindi ako makatulog kaya mas pinili kong sumandal sa dingding na malapit sa bintana at bantayan ang paligid namin. Dahil sa panonood ko sa kanilang pagtulog ay naalala ko na rin kung sino sila.
Si Michonne Lopez o mas kilala bilang 'Mich' ay ang pinakamasunurin sa kanila pagdating sa mga patakaran. Isa siya sa mga role model sa eskwelahan dahil sa katangian niyang iyon. But in my vocabulary, she's a people pleaser. I don't care if she'll take it as an insult once she hears this because I'm just stating the fact. Ayon sa mga nakakasalamuha niya, bukod sa pagiging maganda ay madali siyang pakisamahan. Ngunit muli, para sa akin ay masyado lang talaga siyang mabait at madaling utuin. Her words and actions towards me confirmed it.
Sunod kong tiningnan si Dana Vargas. She has a great sense of fashion. Maganda nga ngunit maarte naman. Magkaibang-magkaiba sila ni Mich sa pananamit at pagu-ugali. Our first conversation was bad. Medyo nagsisisi ako sa ginawang pisikal na pananakit sa kanya ngunit hindi ako nagsisisi sa mga salitang binitawan ko. Nawalan lang ako ng kontrol sa katawan ko kaya napahigpit ang paghawak ko sa panga niya at kahit hindi ko sinasadya iyon, hindi pa rin ako hihingi ng tawad sa kanya. Hindi dahil sa ma-pride akong tao kun'di dahil alam kong posibleng masaktan ko rin siya sa hinaharap kung hindi niya agad mapagtatanto ang maling kilos niya. Sadyang napaaga lang.
Lumipat ang tingin ko kay Angelo Morales, ang lalaking kulay asul ang buhok. Gwapo pero mukhang babaero. Sa pagkakaalala ko, hilig niya ang kumanta at madalas niyang gawing concert venue ang oval ng eskwelahan. Wala akong masyadong masabi sa kanya dahil puro papuri mula sa mga babaeng humahanga sa kanya ang naririnig ko sa araw-araw.
Sunod na dumako ang tingin ko kay Andrei Miguel, ang lalaking kulay berde naman ang buhok. Gwapo rin pero mukhang loko-loko. Sa itsura niya ay nahahalata mo agad na happy-go-lucky siya. 'Yong tipong laging naka-go with the flow lang sa lahat ng nangyayari sa paligid niya. Gaya ni Angelo ay tinitilian din siya ng mga babae sa eskwelahan. Kung si Angelo ang bokalista, si Andrei naman ang gitarista. Sila ang favorite duo ng eskwelahan dahil bukod sa gwapo na, matalino at talented pa.
Napunta ang tingin ko kay Clent Castro na blonde naman ang kulay ng buhok. Gwapo pero suplado. Matalino rin dahil siya ang madalas ipanglaban sa mga debate at quiz bee sa labas ng eskwelahan. Marami rin ang nagkakagusto sa kanya ngunit sa tingin ko ay nakareserba na ang sarili niya para kay Dana na uminom yata ng sandamakmak na anesthesia dahil sa sobrang kamanhidan. Isang tingin ko pa lang sa mga mata ni Clent ay batid ko na agad ang nararamdaman niya para kay Dana. Ngunit kung manhid ang babaeng gusto niya, siya naman ay isang dakilang torpe.
Lastly, si Sho Del Madrid, ang lalaking kulay pula ang buhok. Siya ang topnotcher sa batch namin at ang posibleng valedictorian namin. Gwapo pero misteryoso. Sa pagkakaalala ko, matalino siya ngunit hindi siya ganoon ka-active sa mga school activities na sa loob lamang ng eskwelahan ginagawa. Mas gusto niyang ipakita ang katalinuhan niya sa labas ng eskwelahan kaysa sa loob ng paaralan. Katulad din siya ni Clent na inilalaban sa labas ng eskwelahan. He excelled in both academics and sports. Siya ang madalas na nag-uuwi ng medals at trophies sa eskwelahan. Sa kanilang lahat ay mas gusto ko ang mukha niya na hindi nakakasawang pagmasdan.
Ang similarities nilang anim? Obviously, pare-pareho silang magaganda at gwapo. Lahat din sila ay nanggaling sa mayamang angkan at nag-iisang anak sa kanilang pamilya.
Napailing ako at naglabas ng kumot. Nakuha ko ito sa banyo rito nang maghanap kami ng gagamitin para sa pagtulog. Pinapatuyo siguro. Gustuhin ko mang matulog gaya nila ay hindi ko magawa. Masyado akong nababagabag sa bilis ng mga pangyayari. Ikinumot ko sa kanilang anim ang kumot. Magkakatabi silang natulog gamit ang ilang karton na nakuha namin bilang panglatag. At tulad ng inaasahan, hindi sila nagkasyang lahat sa kumot. Napakamot ako sa pisngi dahil wala na akong magagawa para r'yan.
Bumalik na lang ako sa bintana at sumilip. Masangsang na ang amoy ko dahil sa mga natuyong dugo sa damit at balat ko. Nakikita ko ang mga zombies na pagala-gala sa labas. Kaunti na lamang sila kumpara kanina. Hindi kami makaalis dahil malamang na hahabulin nila ang sasakyan namin. Baka ma-trap lamang kami at magaya sa kanila.
Tutal ay hindi rin lang ako makatulog. Mas mabuting maghanap na lang ako ng makakain o gamit na pwede naming gamitin. Sinigurado ko muna na hindi mabubuksan agad ang pintuan bago pumunta sa banyo. Itinulak ko ang parte ng kisame na may hugis parisukat para roon dumaan. Napuwing pa nga ako sa alikabok na bumagsak mula roon. Bumaba ako sa tinutungtungan at naghilamos. Dala ang baril ko ay pumasok ako roon. Kasya lamang ang dalawang tao rito para makagapang. Ginamit ko ang ilaw sa relo ko para makita ang dinadaanan. Kapag may nakikita akong butas ay sinisilip ko iyon para makita kung nasaang parte na ako ng ospital. Binabaril ko na rin ang mga zombies na nakikita ko para pag-alis namin ay wala ng masyadong sagabal. Oo, aalis kami dahil hindi naman kami pwedeng mamalagi rito.
Nakarating ako sa pantry. Maingat akong bumaba at nagtago sa dilim. Wala namang zombies pero mabuti na rin ang nag-iingat. Ilang minuto pa ay nagsimula na akong maghalughog dito. Maingat ang pagkilos ko kahit mahirap dahil plastic ang lalagyanan ng ilang pagkain dito na lumilikha ng ingay. Mabuti na lang at may eco bag akong nakita para roon ilagay ang mga dala ko. Nagdala lang ako ng makakaya kong dalhin pabalik. Kumuha na rin ako ng mga bottled water. Sa bawat pagsilid ko ng pagkain o maiinom sa eco bag ay lagi ko 'yong tinatantiya kung makakaya ko bang buhatin pabalik sa kisame. Nang makunteto ay una kong iniakyat ang mga pagkain sa itaas bago ako umakyat. Mabuti na lang din at nasa taas na ako ng may sumulpot na dalawang zombies sa ibaba.
Ilang beses ko bang makakagat ang pang-ibabang labi ko sa inis? Ingat na ingat na ako sa pagkilos ngunit talaga yatang hindi maiiwasang gumawa ng tunog ng mga pagkain na dala ko. Kaya isinisabay ko na lang sa kidlat ang pagtulak ko sa eco bag. Pawisan akong nakabalik sa banyo. At hindi talaga ako makapaniwalang tulog pa rin sila. Ingat na ingat na lang akong kumaing mag-isa.
Madaling-araw na ng tumigil ang ulan. Hindi ko na muna sila ginising at inayos na lang ang mga baril. Ang iba rito ay naka-assemble na at ang iba ay hindi pa.
At kung itatanong n'yo kung saan ako natuto? Siyempre sa mga palabas na pinapanood ko. Hindi ko lang inaakalang magagamit ko pala ang mga natutunan ko at sa ganitong sitwasyon pa.
Isa-isa silang nagising at nagtaka pa sa kumot na ibinalot ko sa kanila. Nagtanong sila pero sa halip na sagutin ay itinuro ko na lang ang eco bag na puno ng pagkain.
"Hindi ka ba natulog?" tanong ni Mich na sinagot ko ng iling. Sa kanilang anim ay siya ang masasabi kong feeling close sa akin.
"Hindi ka ba napagod?" tanong naman ni Andrei.
"Kumain na lang kayo dahil kailangan na nating umalis dito." maawtoridad na saad ni Sho. Wala ng nagsalita sa kanila at sinunod na lang siya.
Buti naman.
"Saan tayo sunod na pupunta?" tanong ko at hinarap si Sho na kumakain din. Kumain na rin ako ulit dahil baka mapasabak kami mamaya. Mabuti na ang handa. Hindi bale na rin na kulang sa tulog huwag lang walang laman ang sikmura.
"Where do you think?"
Tss. Hindi lang siya misteryoso, antipatiko rin. Boy version ko yata ito, eh.
"Hospital. Kailangan natin ng mga gamot. Tingnan na rin natin kung may survivor pa roon."
BINABASA MO ANG
ZOMBREAK
Science FictionVessels of Martiri #1 Do you know how to defend yourself? Perhaps, to kill? How 'bout being independent? Self-reliant? If you have or can do this two, then congratulations! You can definitely survive as long as you can Because as day one started...