21st Break: Monday Flashback

4.6K 239 8
                                    

21st Break
Monday Flashback

ALESIA

LUNES na lunes ay nakasimangot akong nagi-skateboard papasok sa Del Madrid University, ang bagong school na papasukan ko. Tumigil lang ako nang nasa tapat na ako ng unibersidad.

Paano nagkasya ang ganitong kalaking school sa Sitio Seven?

Wala naman kakaiba rito dahil kagaya lamang nito ang mga magaganda at malalaking ekswelahan sa ibang lugar. Nakita ko ang mga maliliit na elementary students na nakapila habang ginagabayan ng teacher nila. Papunta yata sila sa flag ceremony. May mga hayskul din na naglalakad dala ang mga libro nila o di kaya'y nakikipagdaldalan sa kasabay nilang pumasok at iba pa na tipikal namang nangyayari tuwing umaga sa eskwelahan.

Bakit narito ako? Nakataas ang kilay na napaisip ako. Mukhang wala namang kakaiba rito.

Nagkibit-balikat ako at pumasok na lamang dala ang skateboard ko. Alam ko na kung anong schedule ko sa para sa ikalawang semestre at kung saan ang classroom ko. Oo, second semester ako lumipat dito at wala namang problema doon. Iniwan ko sa locker ang skateboard ko bago ako tuluyang pumunta sa classroom. Tatlong beses akong kumatok hanggang sa pagbuksan ako ng pinto.

Sa halip humupa ang ingay na nadatnan ko ay mas nag-ingay pa yata sila. Para silang mga bubuyog na bumubulong-bulong sa katabi nila habang pabalik-balik ang tingin sa akin.

Pinag-uusapan nila ako. Palihim ko naman silang inirapan.

"Class, quite!" Paulit-ulit na 'yong isinisigaw ng babaeng guro ngunit hindi yata siya naririnig ng mga ungas na 'to. O mas tamang sabihin na iniignora siya ng mga ito.

Hindi ba nila alam na dapat irespeto ang mga matatanda?

"Can I come in, ma'am?" nakangiting tanong ko.

"Ah, sorry. Sige, pasok ka." Nakangiting nilakihan niya ang bukas ng pinto. Bumuntong-hininga siya. "This class is always the noisiest."

Obviously. Pinatunog ko ang dila. Sa paglalakad ko kanina ay napansin ko ang bagay na iyan. Kung hindi tahimik ay mild lang ang ingay ng ibang classroom. Hindi katulad dito na dinaig pa ang palengke sa sobrang ingay.

Pumasok kaming dalawa at nang makalapit ako sa teacher table ay isang beses ngunit malakas kong hinampas iyon.

And there, I got their attention and the silence that I wanted.

"Correct me if I am wrong, nandito kayo para mag-aral at hindi para makipagdaldalan o mag-ingay. Kung gusto n'yo lang din na laging nagsasalita, well, mali kayo ng pinuntahan." Ngumiti ako ng malawak. "Marami pang pwesto sa palengke. Pwedeng-pwede kayo roon."

May babaeng iniatras ang upuan niya kaya lumikha iyon ng tunog. Ipinagkrus niya ang mga braso at tinitigan ako ng masama.

Para namang matatakot ako niyan.

"Sinasabi mo bang bobo kami?" taas ang kilay na tanong niya.

Nag-isang linya ang labi ko sa dahil sa kanya. Ang layo ng sinabi niya sa sinabi ko. Ang pagiging maingay at kawalan nila ng respeto ang tinutukoy ngunit halata namang iba ang pagkakaintindi niya.

Oh, well. Nagkibit-balikat na lang ako at  pumalakpak para sakyan ang sinabi niya.

"Okay, kung gano'n ang pagkakaintindi mo e'di gano'n na iyon." Tumango-tango ako. "Sadly, I don't believe in hearsays, so I suggest you prove that to me. Listen carefully. Alesia's father has six daughters; Amy, Gela, Marie, Drea and Mika. What's the name of the sixth daughter?"

ZOMBREAKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon