24th Break
CatchALESIA
GUMAAN ang pakiramdam ko matapos sabihin sa kanya ang mga sinabi ko kagabi.
Pero hindi pa rin maalis sa akin ang takot at pangamba...
Bumuntong-hininga ako at pinagmasdan ang dinadaanan namin. Hindi naman ako nagsisising sinabi ko ang nararamdaman ko kay Sho. Totoong gusto ko siya. Hindi ko lang siya agad nakilala dahil pilit ko siyang kinalimutan pati na rin ang nararamdaman ko sa kanya. Wala naman kasing saysay kung palalaguin ko ang pagkakagusto ko sa kanya. Hindi ko lang talaga inaasahan na magkikita at magkakasama kami rito. Kung hindi siguro sila napadpad sa rooftop ay tuluyan ko na talaga siyang nakalimutan. Alam kong hindi ito ang tamang oras para lumandi ako pero hindi rin naman siguro masamang maranasan ko ito. At least, naranasan kong lumandi at ma-crush back bago man lang ako bawian ng buhay.
Umaga na at hindi na si Sho ang nagmamaneho. Siya ang natutulog sa higaan na ginawa ko para kay Shaun at binabantayan naman siya nina Mich. Ayaw nilang mahiwalay kay Sho lalo na at patuloy pa rin ang bangayan nila ng grupo ni George. Nanatili naman akong nakaupo sa likod ng driver's seat.
"What's bothering you?"
"Dale..." Tipid ko siyang nginitian at sinenyasang maupo sa tabi ko. Tiningnan ko si Shaun na nakatingin sa akin. "Ano, bata? Kumain ka na ba?"
"Oo, pinakain ko na. Ang takaw pala nito." natatawang saad ni Dale at saka seryosong tinitigan ako. "Sia, iba ang pakiramdam ko sa hangin kanina. Ginamit mo ba?"
Natigilan ako. Ayaw ko sanang sabihin ang totoo ngunit imposibleng makapagsinungaling ako sa kanya. Napapalunok na nag-iwas ako ng tingin at dahan-dahang tumango sa kanya.
"I'm sorry... I don't have any other choice." sagot ko.
"You did it to save your friends, right? Kaya okay lang saka alam ko namang hindi talaga maiiwasan." Ngumiti siya bago magseryoso ulit. "But they already know where you are..."
"As if I'll let them catch me." seryosong saad ko habang nakatingin sa mga mata niya. "Pero kung sakaling makuha nila ako, hindi ko gagawing madali ang lahat para sa kanila. I won't allow them to use me again."
I know that they're just playing with me. Natutuwa pa silang panoorin ako at gamitin ang bagay na sapilitan nilang ibinigay sa akin. Ayoko sanang gamitin ang kahit isa sa mga ito ngunit kailangan dahil may bata akong dapat protektahan.
"Hindi ka nila pwedeng makuha dahil walang mag-aalaga kay Shaun."
"Nand'yan naman si Sho." sagot ko. Isang ngisi lamang ang ibinigay ko sa kanya nang samaan niya ako ng tingin. Marahil ay alam niya ang tumatakbo sa isip ko at hindi niya gusto iyon.
It's inevitable, Dale.
"Guys, we're here" anunsyo ni Migo kasabay nang pagtigil ng sasakyan.
Napatingin tuloy ako sa labas. May mga sasakyang nakabangga sa kahit saan, mga building na umuusok, mga nagkalat na gamit, mga talsik ng dugo sa paligid at iba pa. Wala sa ayos ang lahat.
"Dito na magsisimula na ang lahat." bulong ni Dale na hindi nakatakas sa pandinig ko. Tiningnan ko siya pero sa labas lang siya nakatingin.
Yes, everything will be different now. Saglit na pumikit ako at nang magmulat ay agad ding bumuntong-hininga. "Get ready, maglalakad na tayo papasok."
Agad kong isinuot ang baby carrier at inilagay naman ni Dale si Shaun sa loob nito. Dala ang baril at espada ay nauna na akong lumabas para tingnan ang paligid. Hindi na kakasya ang bus kung ipipilit pa naming gamitin ito papasok. Don't get me wrong, malawak ang kalsada at kasyang-kasya sana ang bus kaso nga lang ay may mga sasakyang hindi maayos ang pagkakaparada. May mga nakabukas ang pintuan, basag ang mga bintana, umiilaw ang headlights at tumutunog pa ang alarm. Basta, wala sa ayos ang lahat.
BINABASA MO ANG
ZOMBREAK
Science FictionVessels of Martiri #1 Do you know how to defend yourself? Perhaps, to kill? How 'bout being independent? Self-reliant? If you have or can do this two, then congratulations! You can definitely survive as long as you can Because as day one started...