12th Break: Shaun

5.7K 327 42
                                    

12th Break
Shaun

ALESIA

WHY did I have to do that? I sighed and slightly pinched Shaun's cheek. "So cute, baby, so cute."

He giggled and caressed my cheek. Lumambot ang puso ko at parang gusto ko biglang umiyak sa inosenteng tawa na iyon. Tipid na lamang akong ngumiti at marahang hinalikan ang noo niya.

"Narito ka lang pala."

Napatalon ako sa gulat nang marinig ang boses ni Sho. Tumikhim ako para itago ang hiyang nararamdaman sa ginawa. Bakit ko ba kasi ginawa 'yon?

"Hmm-mm. Bakit? May kailangan ka?" tanong ko at iwinakli na sa isipan ang halik na nangyari kanina. Medyo lumayo rin ako dahil kinikilabutan ako kapag nagdidikit ang braso namin. Para akong aatakehin sa puso sa lakas ng sparks na nararamdaman ko ngayon!

"Nakuha mo na ba ang lahat ng kailangan mo?" Inagaw niya sa akin ang push cart na tulak-tulak ko.

Na-a-amuse akong tumingin sa kanya ngunit diretso lamang ang kanyang tingin. Nagbawi ako ng tingin at pilit na sinupil ang ngiti. Nasa mall kami ngayon para kumuha ng mga pangangailangan namin. Marami pa naman kaming stocks pero kailangan pa rin naming kumuha nang kumuha para hindi kami maubusan at para na rin makapagbigay kami sa mga survivors na nasa ospital.

Gaya ng ospital, kataka-taka rin na walang zombie rito. Kanina pa kami naglalakad ngunit katahimikan lamang ang bumabalot sa amin. Puro bakas lamang ng dugo at mga kagamitang wala sa ayos ang nasa paligid namin.

"Yeah." sagot ko at nakita sa peripheral vision ko na nakatingin siya sa mga laman ng cart.

At dahil wala namang tao ay libre na ang lahat ng 'to. Napatawa ako sa isiping libre na ang lahat ng bagay at pagkain dito. The only good thing that happened in this apocalypse... Tsk.

"You do know how to take care of babies?"

"And what do you mean by that?" Nakataas ang kilay na nilingon ko siya. Paanong hindi ko tatarayan eh parang nagdududa siya sa baby sitting skills ko? Naku, Sho, umayos ka!

Natulala ako nang bigla siyang tumawa. Wala namang nakakatawa sa sinabi ko pero heto siya at ipinapakita sa hampaslupang gaya ko kung paano matuwa ang dyos na gaya niya. Para siyang hari na tinatawanan ang kanyang alipin.

Kung ganyang mukha lang din naman ang masisilayan ko araw-araw eh mag-a-apply na akong personal clown niya. Napalunok ako at agad na pinigilan ang kalandiang saglit na-activate. Get a grip to yourself, Alesia Montes!

"Hindi halata sa personality mo." He smiled that made me mentally held the garter of my underwear.

Oy, baka malaglag. Ipinilig ko ang ulo at tumikhim. Huwag kang lumandi, Alesia.

"Maraming namamatay sa maling akala. Yes, I may be harsh and all but I'm still a human who have a softie heart for babies." kalmadong sagot ko. "They're cute and innocent."

Laking pasasalamat ko nang hindi na siya nagsalita pa. Natatakot pa naman ako na baka magtanong siya ng mga bagay na kahit ako mismo ay hindi alam ang isasagot. Alam kong may mga napapansin siya at posibleng naghahanap lang siya ng tiyempo na masinsinang kausapin ako ngunit hinding-hindi ko siya pagbibigyan.

Tahimik kaming nakarating sa bilihan ng mga damit. Kaming pito lamang ang pumunta rito dahil iniwan namin sa ospital ang babaeng nurse at yung lalaking estudyante para samahan ang mga baby. As for Shaun, sadyang hindi ko siya iniwan doon kahit babalik din naman kami. Kaya ko naman siyang dalhin kaya bakit ko pa iiwan? Wala rin naman ako masyadong dapat ipag-alala sa mga naiwan sa ospital dahil iniwanan naman namin sila ng supply bago umalis. Halos lahat ng supply na nakuha namin sa canteen ng ospital ay ibinigay na namin sa kanila.

ZOMBREAKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon