22nd Break: Awake

4.3K 216 19
                                    

22nd Break
Awake

MICHONNE

"WHEN will she wake up?" tanong ni Dana.

Nasa bandang hulihan kami ng bus kasama sina Clent habang nasa unahan naman ang ibang grupo. Tatlong araw na pero hindi pa rin nagigising si Alesia kaya nag-aalala na kami. Nagamot na rin naman namin ang sugat niya at ang paggising na lang niya ang hinihintay namin.

"Guys, ang daming zombies." imporma ni Migo na binagalan ang pagmamaneho.

Tumingin kami sa labas at ilang kilometro sa unahan namin ay may mga zombie na mabagal maglakad at hindi alam kung saan pupunta.

"We don't have enough ammunitions." agad na saad ni Sho habang hinehele si Shaun. "Kung ganyan sila karami ay hindi natin kakayaning patayin sila ng malapitan. Baka maging pagkain lang nila tayo."

Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwalang nagagawa ko na ang pumatay at lumalabag na ako sa rules. Pero mas mabuti na ang sumuway kaysa mamatay.

"Anong gagawin natin?" tanong ni Lysa. "Hindi naman pwedeng hindi natin sila daanan dahil hindi tayo makararating sa paroroonan."

"Ah, guys? I think they're not the normal zombies that we've used to see." wika ni Angel na nanlalaki ang mga mata.

"Oh my gosh! They're tumatakbo palapit to us!" maarteng sigaw ni Nicole na kumapit sa braso ni Sho. Umiyak tuloy ang batang kakatulog pa lang dahil sa boses niya!

"Guys! Kumapit kayo!" sigaw ni Migo kasabay ng pag-u-turn niya.

Nakahawak ako sa hawakan kaya hindi ako tumilapon pero dahil biglaan iyon ay hindi ko nahawakan si Alesia! Napunta siya sa gitna ng nakadapa. Gustuhin man namin siyang hawakan ay hindi naman magawa dahil sa paggewang-gewang ng sasakyan. Kanya-kanya kami ng sigaw dahil parang titilapon na kami sa sobrang likot ng bus. Naaawa na nga ako kay Alesia dahil kung saan-saan na siya tumatama pero wala naman akong magawa.

"Migo, saan tayo pupunta?! Hindi tayo pwedeng bumalik!" sigaw ni Lysa.

"Wala tayong choice, Ly! At least sa pinanggalingan natin, hindi ganyan kaagresibo ang mga zombies!" Bumagal ang takbo ni Migo kaya sabay-sabay kaming napahugot ng hininga. Pero ilang segundo lang ay nabalot kami ng sigawan at pagkataranta nang paligiran kami ng mga zombie.

"Pakshet! Bakit dito ka tumigil, Migo?!" sigaw ni Lysa at kinuha ang espada ni Alesia. "Clent, hiramin mo ang baril ni Sho. Umakyat ka sa itaas at barilin sila habang ako naman sa ibaba. Migo stand by ka lang. Babalik tayo kung nasaan na tayo kanina. Kailangan nating makapunta ng Escalante."

Nanginginig ako habang nakatingin sa kanila. Kinakabahan ako sa gagawin nila at natatakot din para sa buhay naming lahat. Malakas akong napatili nang mabasag ang bintana sa pwesto kung nasaan si Rowena. Bago pa siya makalayo ay nahagip ng zombie ang buhok niya at pilit siyang hinihila palabas ng bus.

"Guys! Tulong! Tulungan n'yo 'ko!" paulit-ulit niyang sinasabi iyon habang umiiyak.

Pilit hinihila nina Nathaniel ang buhok ni Rowena pero hindi ito binibitiwan ng zombie. Nahihirapan din sila dahil hindi nila mahawakan ang zombie sa takot na masugatan sila at matulad dito.

"Tss."

Napakurap-kurap ako sa bilis ng pangyayari. Sa isang iglap ay sumisirit na ang dugo ng zombie mula sa utak nito dahil sa ilang ulit na pagsaksak ni Alesia sa ulo nito gamit ang steel bar niya. Pinatahan naman ni Angel ang kaibigan.

"Alesia..." tawag ni Sho pero parang hindi iyon narinig nito. Patuloy pa rin sa pag-iyak si Shaun kaya ito na lang muna ang binigyan niya ng pansin.

"Ay, grabe. Ang sakit ng ulo at katawan ko, ah." reklamo niya at nag-stretching pa.

Tumingin siya sa labas at napailing na lang. Nakita niyang nahihirapan si Lysa na kalabanin ang mga zombies dahil sa bilis ng kilos ng mga ito. Sa isang pitik ng mga daliri niya ay nakaramdam kami ng vibration. Tumahimik din si Shaun at tumingin sa kanya. At tulad noon, nangisay ang mga zombies na dinaanan ng vibration na 'yon.

"Oh, you're back to life!" pang-aasar ni Nathaniel na nakatanggap ng irap kay Alesia.

"Papasukin n'yo na si Lysa at si Clent. Pupunta pa rin tayo sa Escalante." Lumapit siya kina Sho at nginisihan niya si Nicole. "Mawalang-galang lang, palaka. Kukunin ko ang anak ko."

Kinuha nga niya si Shaun kay Sho na nakasunod lamang ang tingin sa kanila hanggang sa maupo sila malapit sa driver. Panay naman ang daldal ni Nicole kay Sho na si Alesia pa rin ang tinitingnan. Isang malamig na titig ang iginawad ni Sho kay Nicole nang akmang hahawakan siya nito. Umirap pa ang lalaki bago padabog na naupo at nakahalukipkip na tumingin sa labas.

Si Sho ba talaga 'yon? Mahina akong napatawa sa iniasta niya. Hindi ko akalaing makikita ko ang ganitong side mo, kaibigan ko.

"You okay?" rinig kong tanong ni Migo kay Alesia.

"Yes. Ilang oras akong tulog?"

"Oras?! Baka araw kamo!" sigaw ni Nathaniel.

"What?! Hala! 'Di nga?!" gulat na sabi ni Alesia na lumingon pa sa amin nang may nanlalaking mga mata.

Cute.

"Yeah. 3 days kang tulog." sagot naman ni George.

"Shoot. Sorry, Shaun. Napabayaan kita ng mga three days lang naman." Kinausap niya si Shaun na para bang naiintindihan siya nito.

Noong una ay normal pa ang pananalita niya hanggang sa mag-baby talk na siya. Natahimik kaming lahat at pinanood lang siyang tumawa habang pinapatawa rin si Shaun. Napangiti ako dahil ngayon ko lang nakita si Alesia na may tunay na ngiti sa labi.

Nakakatuwa silang dalawa.

Buong biyahe ay naglalaro lang sina Alesia at si Shaun. Sila lang ang maingay sa amin at hindi naman kami nagrereklamo roon. Wala naman kaming ibang ginagawa kun'di mag-isip, umidlip o 'di kaya ay panoorin sila.

"We're here." mahinang saad ni Migo nang makabalik kami kung saan kami nagkaproblema kanina. Tulad kanina ay naroroon pa rin ang mga zombie at mas marami na sila ngayon.

"Iyan ang dahilan kung bakit hindi kami makadaan kanina at piniling bumalik na lang." wika ni Nathaniel. "Hindi kami makakalaban dahil kulang sa armas. Isa pa, mas agresibo na sila ngayon kaysa noong una."

"Wala bang kahit na anong armas ang puwedeng gamitin?" tanong ni Alesia na nagsisimula ng magduda.

"Wala." sagot ni Lester na hirap pa ring kumilos sa tama ng bala.

Kumunot ang noo ko. Ang weak naman nito. Daig pa siya ni Alesia na mukhang handa na namang sumabak sa gyera.

"A-ano?! Anong ginawa n'yo sa loob ng tatlong araw?!" iritadong tanong ni Alesia at sinamaan kaming lahat ng tingin. "Sagot!"

"Wala, may nagmamagaling kasi." pasaring ni George.

"Tss. Nagsalita ang hindi." mahinang ganti ni Sho.

"Wow, wow lang." namamanghang wika ni Alesia at sinamaan ng tingin ang dalawa. "Alam n'yo? Mga bwesit kayo. Lysa, bukod sa baril at espada ko ano pang mayroon diyan?"

"May dalawang palakol."

"Tss." Tumayo si Alesia at lumapit kay Clent para ibigay si Shaun. "Pakibantayan muna, Clent. Kayong dalawang ungas, sumunod kayo sa akin. Tig-isa kayo ng palakol na dadalhin. Nate, umakyat ka naman sa bubong at mamaril mula roon. Mga naturingang leader pero mga isip-bata."

Natatawang pinagmamasdan namin ang tatlong palabas ng bus. Oo, sa loob ng tatlong araw ay walang nangyari sa amin dahil ang grupo namin at grupo nina George ay nagtatalo.

Wala kaming nagawa kun'di panoorin sina Alesia na lumalaban sa labas. Pisikal na lakas lang ang gamit niya kaya hindi ko maiwasang hindi hangaan ang bawat kilos niya. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwalang kaya niyang makipagpagpatayan. Sa gitna ng pakikipaglaban nila ay may naghagis ng kung ano hanggang sa isang pagsabog na lang ang narinig namin.

ZOMBREAKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon