2nd Break: What?

7.3K 413 72
                                    

2nd Break
What?

DANA

"I THOUGHT she's heartless..." bulong ni Mich.

I rolled my eyes in annoyance.

"She's heartless, Mich. Hindi mo ba nakita kung anong ginawa niya sa 'kin kanina?"

Damn that bitch. Masakit pa rin ang panga ko hanggang ngayon. Kumikirot ito sa tuwing nagsasalita ako ngunit kailangan kong indahin dahil hindi naman ako tahimik na tao.

"She's not heartless, Dans. She wouldn't do these if she is." kontra ni Clent na blonde ang kulay ng buhok. Bakas sa boses niya ang pagiging sinsero at pagsubok na ipaintindi sa akin ang aksyon ng babaeng iyon.

"She's a bitch and that will never change." mariing wika ko at pinaikot ang mga mata ko. Bagama't tama sila ay hindi ko iyon aaminin. Lalo na at naiinis ako sa ginagawang pagtatanggol ni Clent sa babaeng iyon laban sa akin.

Wala ng nagsalita pa sa amin at tahimik na nagpatuloy na lang kami sa paglalakad. I badly want to puke because of what I am seeing right now. Bloods and dead bodies are everywhere. May mga nagkalat din na lamang-loob at iba't ibang parte ng katawan ng tao kung saan-saan.

"Ang brutal naman niya, Sho." nakangiwing wika ni Angelo na may kulay asul naman na buhok.

"We should thank her for this, guys." madamdaming saad naman ni Andrei. Kulang na lang ay lumuhod at umiyak siya sa sobrang pagpapasalamat.

"We will. But we need to get out of here first." pagsang-ayon ni Sho.

Noon pa man ay si Sho na ang tumatayong leader ng grupo namin. Bukod sa siya ang pinakamatanda sa amin, siya rin ang laging rasyonal kung mag-isip. Hindi katulad namin na madalas pangunahan ng emosyon kaya lagi ring nagkakamali ng desisyon. Magkababata kaming lahat na hanggang ngayon ay magkakaibigan pa rin kaya kilalang-kilala na talaga namin ang isa't isa.

We reached the first floor without facing any zombies. Aaminin ko, what that girl told me a while ago hit me and what she did right now amazed the hell out of me. But again, I will never admit that.

Paano n'ya natalo ang ganoon karaming zombies ng mag-isa?

"Damn it! Answer the damn phone!" impit ang sigaw ng napakapamilyar na boses.

Napahinto kami sa tapat ng isang classroom kung saan namin narinig ang boses.

"Damn it! Damn it! Papatayin talaga kita 'pag hindi mo sinagot ang tawag ko!"

Nagkatinginan kaming anim.

"It's her." pangungumpirma ni Sho. Kakatukin na sana niya ang pinto nang bumukas iyon at bumungad si Alesia. Mas marami na ang dugo sa uniporme niya at pati ang mukha niya ay may bakas na rin ng dugo.

"Bakit?"

I shivered upon seeing her dead eyes and hearing her cold voice.

"A-ahm. Gusto lang naming magpasalamat sa ginawa mo." kinakabahang saad ni Mich.

"Wala akong ginagawa."

"Wala kasing natirang buhay na zombies sa taas kanina. Wala namang ibang gagawa no'n kun'di ikaw."

"I did it for myself. Ngayon, kung wala na kayong sasabihing importante ay aalis na ako."

Nilagpasan niya kaming lahat at sinugod ang limang zombies na papunta pala sa amin! She killed them all, effortlessly!

"Mas mabuting umalis na kayo rito." kalmadong saad niya nang hindi kami nililingon.

"Hindi ka ba sasama sa amin?" tanong ni Mich na halata sa boses ang panghihinayang.

I rolled my eyes. "Why are you so determined to let that girl join us?"

"Dana..." nanunuway ang tono ni Clent.

Nanahimik ako. 'Dans' ang tawag niya sa akin at tinatawag lang niya akong 'Dana' kapag naiinis na siya. Sa akin pa talaga siya naiinis? Yes, I admitted to myself that she woke something in me but it wasn't enough for me to like or be with her!

"Fine. Let's go to the parking lot, quietly." She emphasized the last word before she turned her back. Agad naman silang sumunod sa kanya kaya wala na akong nagawa kun'di ang sumama. Kahit sobra ang pagkadisgusto ko sa kanya sa mga oras na ito ay hindi pa naman ako nahihibang para magpaiwan!

"Anong gagawin natin do'n?" tanong ni Andrei.

"Ano bang meron do'n?" balik tanong naman ni Alesia.

"Sasakyan..." pabulong na sagot ni Andrei at parang batang ngumuso.

"Sumakay na kayo." utos niya sa amin at siya pa mismo ang nagbukas ng van nang makarating kami sa parking lot.

"K-kanino 'yan? Ayaw kong makasuhan ng carnapping." kinakabahang saad ni Mich.

"E'di maglakad ka. Ano bang magagawa ng mga batas na 'yan sa nangyayari ngayon? Mukha bang takot sa mga batas ang mga zombie na 'yan? Hindi naman, 'di ba? Kung hindi ka didiskarte, mamamatay kang walang laban. Ngayon, kung ayaw n'yong sumakay, hindi ko na problema 'yon."

She hit us with her words, again.

"Get in." utos ni Sho na agad naming sinunod. Of course, siya na ang nagsabi e. Wala na kaming karapatang umangal. Labag sa loob na sumakay ako at nakasimangot na pinanood silang sumakay isa-isa.

"Where do you think you are going?" tanong ni Sho.

Akmang tatalikod kasi si Alesia ngunit pinigilan siya ni Sho sa pamamagitan ng paghawak sa braso niya.

Huh? Tumaas ang kilay ko habang pinagmamasdan silang dalawa. May nase-sense ako sa kanilang dalawa na hindi ko matukoy kung ano.

"Sumakay ka na at magmaneho na lang." Ibinigay ni Alesia ang sa tingin ko ay susi ng sasakyan kay Sho kasabay ng pagkalas niya sa pagkakahawak nito. Naglakad na siya palayo sa amin dala ang kanyang steel bar at nakasukbit sa balikat niya ang kanyang bag.

"Close the door and lock the windows." saad ni Sho nang makaupo siya sa driver seat. He started the engine and minutes later, pinapaligiran na kami ng ilang zombies.

"Guys! Magmaneho ka na, Sho!" natatarantang wika ko. Natatakot ako na baka makapasok sila. Sa tantiya ko ay nasa pito ang mga nakapaligid sa amin pero unti-unti silang nabawasan dahil kay Alesia.

"Bakit hindi ka pa nagmamaneho?!" singhal ni Alesia na binuksan ang pinto sa passenger seat matapos niyang patumbahin ang apat na zombies na nakaharang doon kanina. Hindi siya pumasok at idinuwang lamang ang ulo.

"We're waiting for you."

"Magmaneho ka na lang, pwede?!" Sinamaan niya ng tingin si Sho bago padabog na isinara ang pinto. Iniatras naman ni Sho ang sasakyan at ilang segundo pa ay tinatahak na namin ang daan palabas.

"N-nasaan na siya?!" tanong ni Angelo at tinitingnan ang likuran namin. May mga zombies na humahabol sa amin pero hindi namin makita si Alesia. For a second, my conscience ate me up and got worried about her.

"She's outside." saad ni Sho kaya napatingin kami sa labas. Mabilis siyang nagi-skateboard hanggang sa pumantay siya kay Sho. May isinesenyas siya na parang may dapat ibaba si Sho. Ibinaba naman ni Sho ang bintana sa side niya.

"Buksan mo ang pinto!"

Walang salitang sinunod ni Sho ang sinabi niya. Kumapit siya sa pinto para hindi maiwan. She does some flip tricks at sa isang iglap pa ay nasa isang kamay na niya ang kanyang skateboard habang nakahawak pa rin siya sa sasakyan. Nakaakyat na siya sa sasakyan at hawak siya ni Sho sa bewang para hindi mahulog. Ang isang kamay naman ni Sho ay nasa manibela.

"Bakit ba kasi hindi mo na lang ipatigil ang van?" I asked with a bit of irritation in my voice.

"Hindi pwede dahil dudumugin nila tayo. Mas marami sila at posibleng ma-trap nila tayo." kalmadong saad niya na para bang hindi man lang siya nakakaramdam ng hingal at pagod sa mga pinaggagawa niya.

Nagulat kami nang walang pakundangan siyang naupo sa mga hita ni Sho para makarating sa passenger seat. Hindi naman nagsalita si Sho at isinara na lang ang pinto.

What the hell did just happened?

ZOMBREAKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon