1st Break
Day OneALESIA
MULA sa rooftop ay pinagmamasdan ko ang nagkakagulong mga estudyante at mga staff ng school. Sigawan dito, takbuhan doon. Kain dito, dugo roon.
Kanina pa nagbabadya ang masamang panahon ngunit hindi pa rin umuulan. Ala una pa lamang ng hapon ngunit dahil sa panahon ay parang alas sais na agad.
Sino bang mag-aakala na magkakatotoo ang zombie outbreak? Parang kanina lang ay isa akong estudyante na sinesermunan ng teacher dahil sa pagtulog sa klase pero ngayon ay tumatakbo, nagtatago at pumapatay na ako. Ang bilis ng level up ko, 'no? From being a normal student to a ruthless killer.
Yes, a killer. Uunahin mo pa ba ang awa para sa ibang tao kaysa sa buhay mo? Kung kayo oo, pwes ako, hindi. Hindi ka tatagal dito kung puro awa ang uunahin mo.
Nakarinig ako ng mga kalabog sa may pintuan kaya humigpit ang kapit ko sa steel bar na hawak. Nababalutan ito ng dugo at may iilang laman pa ang nakadikit dito na nanggaling sa mga pinatay ko kanina. Lumapit ako roon at pinakiramdaman ang labas.
"H-hindi ko mabuksan, Sho." nanginginig na wika ng isang babae.
Sho? Napakunot ang noo ko sa narinig. It seems familiar...
"Ano ng gagawin natin, pre?!" boses naman ng lalaki.
"Damn it! 'Wag kayong maingay!" boses ng isa pang lalaki.
Pamilyar ang mga boses nila sa akin. Hindi ko nga lang matandaan kung sino-sino sila.
Binuksan ko ang pinto kaya natumba ang mga nakasandal doon.
Aba. Malay ko bang nakasandal sila?
"Tatayo ba kayo o ano?"
Apat na lalaki sila at may dalawang babae na kasama. Tatlong lalaki ang natumba kasama ang mga armas nila na agad namang tumayo.
Naaalala ko na kung sino sila. Sila ang mga pinakakilalang estudyante rito.
But, I still can't remember their names.
"Sana nagbabala ka man lang muna bago buksan ang pinto, 'no?" sarkastikong sabi ni...
Hmm? Nakataas ang kilay na tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa at saka nakipagtitigan sa kanya. Heh! Hindi ko talaga siya kilala.
Pamilyar sila sa akin ngunit hindi ko maalala kung sino sila o kung ano ang katayuan nila sa eskwelahan bukod sa pagiging estudyante. Ang alam ko lang ay mukha siyang fashionista sa ayos niya kahit naka-uniform kami. Mas maiksi ng dalawang pulgada ang palda niya sa orihinal na haba ng skirt ng eskwelahan. Ang blouse namin na long sleeves ay halos pumutok na ang mga butones sa laki ng dibdib niya. Ang blazer naman namin ay sobrang hapit sa katawan niya kaya kitang-kita ang hubog ng kanyang bewang. Maganda at sexy siya ngunit nasisiguro kong hindi siya ang nagsalita kanina kun'di ang isa pa nilang kasamang babae.
"I don't have time for your bitchy attitude, miss. Ngayon, kung ayaw n'yong pumasok, d'yan na lang kayo. Hindi 'yong madami pa kayong sinasabi." Akmang isasara ko na ang pinto nang pigilan iyon ng tatlong lalaki na ito. Oo, sabay-sabay sila kaya bahagya akong napaatras sa impact niyon sa akin na hindi naman nila napansin.
"Sorry, miss. Papasok na kami." paumanhin ng lalaking blonde ang kulay ng buhok at bahagyang ngumiti sa akin.
Pumasok nga sila maliban sa lalaking ito na may hawak na palakol. Katulad ng akin ay puno na rin iyon ng mga dugo at may kaunting laman na nakadikit. Err... May mata pa yata.
"Ew!" sigaw ng babaeng kausap ko kanina. Nakita niya marahil ang mga bangkay na nasa isang tabi.
"Miss at Sho, hindi pa ba kayo papasok?" tanong ng lalaking mint green naman ang kulay ng buhok.
BINABASA MO ANG
ZOMBREAK
Science FictionVessels of Martiri #1 Do you know how to defend yourself? Perhaps, to kill? How 'bout being independent? Self-reliant? If you have or can do this two, then congratulations! You can definitely survive as long as you can Because as day one started...