34th Break
Wednesday FlashbackALESIA
BORING~ I sighed. Naiinip na ako lalo na at history pa ang subject namin ngayon. Isama pa ang teacher kong pinapatulog yata kami sa mabagal at nakakaantok niyang pananalita.
Napahikab ako.
"Binibining Montes!"
Kingina. Heto na naman tayo.
"Bakit po?" bagot na saad ko at tumayo. Nasa harapan ko na ang teacher namin na nakakunot ang noo.
"May problema ka ba sa klase ko?"
Kahit kunot na ang noo niya ay hindi pa rin halata na galit na siya. Malumanay pa rin kasi ang boses niya.
"Opo. Nakakaantok po." magalang kong sagot. Ayaw ko sanang ma-detention ngayon dahil mas gusto kong sa canteen ubusin ang oras ko pero hindi naman nakikisama ang katawan ko lalo na ang bunganga ko.
Hay~ Red days sucks... Muli akong napahikab kaya mas lalong namula sa galit ang teacher namin.
"Lumabas ka ngayon din sa klase ko! Palagi ka na lang natutulog sa kahit kaninong klase! Tumayo ka sa labas!"
"Ma'am, pwedeng sa detention na lang po?" hirit ko. Baka sakaling pumayag para kahit sa detention na lang ako matulog. Hindi na nga ako makakatambay sa canteen tapos hindi pa ako sa detention ibabagsak? Hindi puwede iyon!
"Hindi pwede, Binibining Montes! At bilang karagdagang parusa ay kailangan mong idipa ang iyong mga kamay! Hindi puwede ang ibang lengguwahe rito bukod sa Tagalog!"
"Eh, ma'am, panahon ng amerikano naman ang pinag-aaralan natin, hindi ba? Ako ang amerikano at ikaw ang Pilipino." sagot ko na ikinabungisngis ng mga kaklase ko.
"Labas!"
Nakangusong sinunod ko siya. Nagsuot ako ng bluetooth headset at tinakpan ko ng buhok ang aking tenga para itago iyon. Kinuha ko ang cellphone at pumili ng kanta.
And there, I can enjoy my punishment. I smiled wickedly and spread my arms. Dahil boring lang ang nakatayo habang nakadipa ang mga kamay ay pasimpleng nagsasayaw ako.
"Rock my world into the sunlight, make this dream the best I've ever known," Natigil ako sa pagkanta ng Domino ni Jessie J at tumayo ng maayos habang nakadipa ang mga kamay nang may maramdaman akong palapit.
"Bakit po, miss?" inosenteng tanong ko habang nakatingin sa kanya.
"Sinisigurado ko lang na hindi ka umuupo."
"Miss naman." Nagpapaawang ngumuso ako na hindi naman tumalab sa kanya.
Umirap siya sa akin at muling pumasok sa loob. Nang masigurado ko na nasa loob na siya ay nagsimula akong sumayaw habang kumakanta ulit. Napakurap-kurap ako nang makita ang grupo no'ng lalaking nakapula na nakatingin ngayom sa akin. Nabitin tuloy sa ere ang ginagawa ko. Kumurap lang ako ulit at nagpatuloy na sa ginagawa na para bang hindi ko sila nakita. Hindi ko namalayan ang pagsulpot ng teacher ko. Paglingon ko kasi sa pintuan ay nandoon na siya at masamang nakatingin sa akin.
Patay.
"Miss Montes!"
"Ma'am, bawal mag-ingles!"
PAGKATAPOS ng morning classes ay agad akong dumiretso sa cafeteria dahil lunch break na. Oo nga pala, inilipat na sa isa pang branch 'yong mga bulilit kaya ngayon ang Del Madrid University ay para sa mga Grade 7 hanggang college na lang.
Um-order muna ako ng makakain at saka naghanap ng pwesto. Kaso lang ay may paa na paharang-harang kaya tumilapon ang mga pagkain ko. Siyempre, bago pa sila mahulog sa sahig ay sinalo ko na iyon. Kinindatan ko muna 'yong lalaking muntik ko ng makabanggaan bago pumunta sa nakita kong pwesto.
Nasa kalagitnaan ako ng pagkain nang makita ko ang pagpasok ng dalawang estudyante na lalaki. Mukha silang Grade 7 pa lang. Hindi ko naman sila mapapansin kung hindi lang dahil sa gitara na dala no'ng isa. Oo, 'yong gitara talaga ang nakakuha ng pansin ko. Nakabalot pa iyon sa itim na lalagyan.
Hindi ko inalis ang tingin sa kanila habang kumakain ako. Pinanood ko silang maupo sa napiling pwesto. Iniwan nila ang gitara sa isang tabi para um-order ng pagkain. Sakto namang pagkabalik nila ay tapos na akong kumain. Uminom ako ng tubig bago pagdiskatahan ang Milo na nakakahon. Kagat-kagat ko ang straw nito nang lumapit ako sa kanila.
"Ate..." tawag no'ng isa sa akin. Siya ang nakita kong may dala ng gitara.
"Puwedeng pahiram?" nakangiting tanong ko at itinuro ang gitara.
"Sige po." walang bahid ng pag-aalinlangan na sagot niya.
Natutuwa akong inilapag muna sa mesa nila ang iniinom ko at kinuha ang gitara. I gasped in awe when I saw its color. It's burnin' red! Excited akong naupo sa mesa nila. Oo, sa mismong ibabaw ng mesa.
"Don't mind me...?"
"JM po, Ate. Siya naman po si Eric."
"Okay. Wag n'yo na lang akong intindihin. Kain lang kayo riyan." Ngumiti ako. Sa unang strum pa lang ay agad ng tumahimik ang paligid. "Okay, ano ang magandang kantahin?"
Nag-suggest naman sila. At sa dinami-rami ng mga sinabi nila ay isa lang ang nagustuhan ko. Nagsimula na akong mag-strum ng napiling nakita.
🎶Fly Me To The Moon (Acoustic Version)🎶
"Fly me to the moon
And let me play among the stars
Let me see what spring is like
On Jupiter and Mars," Napangiti ako dahil gusto ko ang kanta."In other words, hold my hand
In other words, darling, kiss me,"May ilang sumasabay sa akin na hinayaan ko lang. May nagta-tap din sa mesa na mas ikinangiti ko.
"Fill my heart with song
And let me sing for ever more
You are all I long for
All I worship and adore,""In other words, please, be true
In other words, I love you,"Sumabay sila sa akin sa pagha-hum. Napangiti ako dahil ang peaceful ng mga oras na ito sa akin.
"Fill my heart with song
And let me sing for ever more
You are all I long for
All I worship and adore,""Ang galing mo, ate." bulong ni JM na nginitian ko lang.
Pag-angat ko ng tingin ay saktong nagtama ang mga mata namin no'ng lalaking pula ang buhok. Kasama niya ulit ang mga kaibigan niya.
"In other words, please, be true
In another words, I love you
In another words, I love you," Kinindatan ko siya bago bumaba sa mesa."Isa pa, Alesia!" sigaw ng kung simumang hudas. Hinanap ko siya at nakita ang nakaaway ko kahapon.
"Oy, hudas, ikaw pala." Ngumisi ako. "Ano naman ang makukuha kong kapalit sa pagsunod sa 'yo?"
"Food."
"Hmm." Napaisip ako sa sinabi niya. Itinaas ko ang iniinom na chocolate drink. "50 pieces of this. No talkshit or else."
"Deal." Ngumiti siya sa akin. "Sing anything you want."
Tumango ako at bumalik sa pwesto. Nahagip pa ng paningin ko ang grupo no'ng lalaking may kulay pula na buhok na kumakain na rin.
I started strumming Love Story by Taylor Swift. And that's how I spent my lunch break in the third Wednesday of June.
BINABASA MO ANG
ZOMBREAK
Science FictionVessels of Martiri #1 Do you know how to defend yourself? Perhaps, to kill? How 'bout being independent? Self-reliant? If you have or can do this two, then congratulations! You can definitely survive as long as you can Because as day one started...