15th Break
New MembersALESIA
TWO weeks. Two weeks has passed when the zombreak started and fortunately, we're still alive and kicking.
Napangiwi ako habang tinititigan ko ang may kalayuang street pole. Awtomatikong nag-zoom in ito sa paningin ko at nakita ko kung nasa anong street kami.
"Nasa Seven Andiola tayo." wika ko at iniba na ang tingin.
Mula ng magising ako ay unti-unti ng lumabas ang mga kakayahan na pilit kong itinatago. Ako pa lang ang nakakaalam nito. Kahit naman kasi handa silang mamatay para sa akin, hindi pa rin ganoon ka-buo at katatag ang tiwala ko sa kanila. Magmula rin ng magising ako at lumabas sa ospital ay nagbalik na rin ang lahat sa normal. If you're thinking about our normal lives then you're wrong. The zombies are back to the town and roaming everywhere where they can hear some noise. And that's the new normal for me.
Wala na rin kaming nakakasalamuhang upgraded zombies at pawang mga zombie na may sense of hearing lang ang pakalat-kalat.
Para kaming bumalik sa Day One. Iyon nga lang ay mas mahaba-habang Day One dahil walang mga upgraded zombies sa paligid.
At iyon ang isa sa mga bagay na ikinapagtataka ko. If the upgraded zombies aren't lurking here, then where are they? I mentally slapped my face. I already know the answer, damn it.
"Parang bumalik talaga tayo sa Day One, 'no? 'Yong mga panahon na hindi natin inaakalang magkakatotoo ang zombie outbreak." wika ni Angelo na para bang sobrang tagal na ng pangyayari para i-reminisce niya ng ganito.
I can sense that they're all happy because there's no upgraded zombies everywhere. Madali na para sa kanila ang kaharapin ang low level zombies na mga 'to.
Pero ako? Hindi ko magawang magsaya. I have this feeling that what'll happen in the next few days is much worse than what we've experienced already.
Hindi pa nga ganoon kahirap ang naranasan ko. Tumingala ako at pinrotektahan ang mga mata para makita ang araw. I'm ready to face you, bitches. Give me what you've got.
I smirked secretly when my head throbbed a bit. Try harder, guys, try harder.
"What are we gonna do now?" tanong ni Dana.
"Let's search for survivors." wika ni Sho. "By partners. Clent and Dana, Andrei and Mich while Angelo will come with us. Bring your weapons with you and let's meet here after 2 hours. May walki-talkie naman para makapag-usap tayo. Don't hesitate to call if something happens. Be careful."
Tumango sila at umalis na. Napabuntong-hininga ako at malungkot na ngumiti kay Shaun.
"Sana ay okay lang ang daddy mo, baby." I whispered. Because I don't know what I will do if something bad happened to him.
Tahimik lang ako habang nakasunod kay Sho. Pinapayungan ako ni Angelo para hindi mainitan ang baby na natutulog. Sa likod ko ay nakasabit ang espadang ginawan ko pa talaga ng lalagyan samantalang ang baril ay nasa holster ko pa rin. Just like in movies, parang naging abandunadong lugar na ang village na 'to. Sobrang tahimik at tanging hangin lamang ang maririnig dito. Bloods scattered everywhere together with some body parts or corpses na mismo.
BINABASA MO ANG
ZOMBREAK
Science FictionVessels of Martiri #1 Do you know how to defend yourself? Perhaps, to kill? How 'bout being independent? Self-reliant? If you have or can do this two, then congratulations! You can definitely survive as long as you can Because as day one started...