ANGELO
"WHY are they taking so long?" Kunot na kunot ang noo ni Sho. Napangisi naman ako at inakbayan siya.
"Don't be possessive, pre. Ayaw ng mga babae ang ganyan."
"Don't lecture me, Angelo. You know nothing about girls, you only know to flirt."
"Ouch." Napanguso ako at inalis ang pagkakaakbay sa kanya. "Narinig ko lang kina Dans. Alam din siguro yun ni Clent kaya kahit nagseselos na ay nananahimik lang."
Hindi ko itinatanggi na flirt ako. Anong magagawa ko kung habulin ako ng mga babae? Hindi ko kasalanang gwapo ako at maraming nagkakandarapa sa akin. Pero noon iyon. Mas mabuting bawasan ko muna ang pagiging gwapo para maiwasan ang mga zombie na maattract sa akin. Masyado akong gwapo para sa kanila.
Nakita ko ang halatang pagtitig ni Clent kay Nathaniel at Dana na nag-uusap. Bumaba ang tingin ko sa kamao niyang nakakuyom at handa ng manuntok anumang oras.
"Are you sure about that?" seryosong tanong ni Sho na pinanonood din ang reaksyon ni Clent. Napangisi ako at muli siyang inakbayan.
"Yes---"
"But I love him being open to me."
Sabay kaming napalingon kay Alesia na nasa likuran na namin. Saglit akong napatulala. Ang ganda-ganda talaga ng babaeng ito. Unang kita ko pa lang sa kanya ay crush ko na siya. Crush lang naman. Paghanga lang. Wala rin akong balak na makipag-agawan kay Sho.
I like Alesia for my bestfriend. At mayroon sa dalawang ito ang nagkokonekta sa isa't isa. To the point na kahit anong pagkagusto ang maramdaman mo kay Alesia, kusa iyong hihina sa oras na makita mo silang dalawa ni Sho. Para kasing may plaka sila na nagsasabi na: Perfectly Made for Each Other. Back Off.
"Baby girl..."
"Alesia naman." Napanguso ako ng makatanggap ng batok sa kanya.
"Don't tell him what to do. Dalawang tao lang ang involve sa isang relasyon. It's my duty to tell him my likes and dislikes."
"Oo na. Hindi na." Mas humaba ang nguso ko kasabay ng pagtaas ng dalawang kamay na parang sumusuko. Sa loob-loob ko naman ay natutuwa ako sa kanilang dalawa. Lalo na para kay Sho.
"Alesia." tawag ni Nathaniel. Agad naman siyang nilingon ng tinawag.
Napakunot ako ng noo ng magtitigan silang dalawa. Nilingon ko si Sho at ang loko ay nakasimangot na. Matalim din ang tingin sa dalawa. Napailing ako. Kaya ayaw kong mainlove dahil masyadong nakakabaliw.
"Si Samuel ba?" tanong ni Alesia na tinanguan ni Nathaniel. "Samahan mo ako sa kanya."
"Kumain ka muna." iritadong wika ni Sho. Kasabay ng paglingon ni Alesia sa kanya ay ang pagngisi ni Nathaniel.
"Selos." sabi ni Nathaniel sa walang boses. Napangisi na lang din ako at hinila siya paalis doon.
Wala naman akong problema kay Nathaniel. Sa grupo nila ay si Nicole lang ang pinakakinaaayawan ko. Kaya hindi ko rin masisisi si Dans kung bakit ganoon na lang ang galit niya rito.
"Can I ask something?" tanong ko.
"Fire it up."
"Kaibigan n'yo ba talaga si Nicole?"
"Well... Not really." nakangiwing sagot niya. "Nakita lang siya ni Angel kaya ayon isinama na rin namin. Nakakapagsisi nga."
"Mag-isa n'yo lang siyang nakita?"
"Yeah. And I find it odd."
Bago pa ako makapagsalita ay sumulpot na si Angel at hinawakan siya sa braso.
"Pahiram muna." Ngumiti siya sa akin na tinanguan ko. Hinila naman niya agad si Nathaniel.
"Tara, pre. Kay Mich tayo manggulo." Umakbay sa akin si Andrei at hinila ako papunta sa kusina.
Tulad ko ay wala rin siguro siyang magawa sa buhay. Nakita ko si Mich na kausap si Lysa. Sina Migo at George ang naghuhugas ng pinagkainan namin. Sa pabilog na mesa ay nakaupo si Alesia na kumakain at si Sho na nanonood sa kanya habang nilalaro si Shaun.
"Sho, Alesia, anong plano?" tanong ni George. Sakto namang tapos ng kumain si Alesia at umiinom lang ng tubig.
"None. I want to have a rest, rest and rest. We're gonna stay here for five days so I'm planning to hibernate on the last three days." sagot ni Alesia. "And I don't want any disturbance within those days."
"What are we gonna do today?" tanong ni Mich
"Enjoy yourselves. Throw a party or have some games or both? I dunno. Depends on what you want."
"Can we drink?" tanong ni Lysa
"Yeah. Do everything you want like it's your last day in Earth."
"Okay! Pwedeng lumabas kami ni Nathaniel para kumuha ng mga alak? At ilang groceries na rin?"
Nagtitigan na naman sina Alesia na para bang nag-uusap sila gamit ang kanilang isip. Sabagay, wala naman ng imposible kay Alesia pero kay Lysa? Masyado siyang normal sa mga araw na nakasama namin siya.
"Go. Ikuha mo na rin ng gatas si Shaun at ilang damit."
"Yehey! Thank you!" Mabilis na hinalikan ni Lysa si Migo sa pisngi bago lumabas.
"You sure 'bout that?" tanong ni Migo
"Hmm-mm. Your girlfriend can handle herself. Trust her." Tumayo si Alesia at ibinigay kay George ang pinagkainan. "Pahugas, Georgie."
Parang may ibinulong pa si Alesia kay George dahil sa biglaang pagseseryoso ng huli.
"Thank you." sabi ni George at nagpatuloy na sa paghuhugas.
"Tell them that we'll have drinking session later at 8 o'clock. Prepare games at iba pang pakulo na maisipan nila." utos ni Alesia na sa amin nakatingin. Tumango na lang kami at lumabas na ng kusina kasama si Mich.
Akala ko pa naman ay kami ni Andrei ang mangti-trip pero mukhang kami pa ang napagtripan ni Alesia.
Ano na naman kaya ang iniisip nung babaeng yun at gustong magpaparty? Sabagay nakakabored na rin naman talaga. Dapat talaga na mag-enjoy naman kami. Mabuti na lang at gwapo pa rin ako kahit nakakastress ang mga nangyayari.
~*~
BINABASA MO ANG
ZOMBREAK
Science FictionVessels of Martiri #1 Do you know how to defend yourself? Perhaps, to kill? How 'bout being independent? Self-reliant? If you have or can do this two, then congratulations! You can definitely survive as long as you can Because as day one started...