Chapter 05: The Savage Nerd

1.4K 52 2
                                    

JEWEL DEMI-LEIGH's POV

KAKARATING ko lang sa loob ng aming classroom. Nandito narin lahat ng mga classmates ko at naghihintay nalang sa pag dating ng professor Jeonjey namin.

Dumiretso agad ako sa aking armchair at umupo dun. And as usual tulog nanaman itong nerd na lalaki kagaya kahapon.

Nakakaawa naman ito dahil mukhang kinulang palagi sa tulog. Edi sana di nalang siya pumasok. Dahil pwede naman siya matulog sa kuwarto niya dun sa condominium.

Pero infairness ang, gwapo niya.

Nagulat nalang ako ng pagkaharap ko sa may unahan ko ay, yung babaeng tulog naman kahapon ay naka tiger look sakin ngayon.

Titig na titig talaga siya sakin. Para siyang maldeta base sa itsura niya.

"A-ah b-bakit p-po?" nauutal na tanong ko dito.

Ngunit imbes na sagutin ako nito ay tumayo siya at lumapit sakin. Ewan ko kung ano ang ginagawa niya sakin ngayon, pero sa tingin ko ay sinusuri niya ako.

At bakit naman? Pansin ko tuloy ang tinginan samin ng mga kaklase ko na para bang may hinihintay na resulta.

Ang weird nila.

Ano ba talaga ang trip ng babaeng 'to. At inaamoy-amoy ako nito mula ulo't hanggang paa.

Ano 'to aso?

"A-ahh miss. A-anong ginaga---"

Di ko na natapos ang sasabihin ko ng ilapit nito sakin ang mukha niya kaya napaantras ang ako habang nakaupo. Yung para bang hahalikan na ako.

Tomboy ba 'to?

At ilang saglit pa ay umalis na ito at bumalik sa kanyang upuan. Napahinga naman ako ng malalim na halos mawalan na ako ng hininga kanina.

Nang makaupo na siya sa upuan niya, tumingin muna siya ulit sakin at doon na nagsalita.

"Mabuti naman at kabilang ka sa uri namin. Anyway, I'm Kressley Lu Sierra." cold na wika nito sabay smirked at irap sakin.

Ang brutality naman nito.

"Amm. What do you mean po?" takang tanong ko dito. Di ko kasi makuha ang ibig niyang sabihin.

Lumingon ito ulit sakin with tiger look. Magsasalita na sana siya pero dumating ang professor Jeonjey namin.

Kaya sabay-sabay kaming napatayo lahat at nagbigay galang dito sa pamamagitan ng pagbati nang magandang umaga. Ngumiti naman ito samin saka kami pinaupo.

"Okay class. Let's start the another lesson today." wika agad nito samin. Ayos huh walang paligoy-ligoy.

We nodded our head.

Di ako masyado maka focus sa mga dini-discuss samin ni professor Jeonjey dahil busy ako sa pagtitig sa mga mata niya. His eyes telling that he's sad.

Bakit ba ganyan ang mga mata niya? May pinagdadaanan ba siya?

Wala naman akong pakialam sa kanya kung meron man siyang pinagdadaan, but I'm so curious if why.

"Miss Jewel are you with us?" napahinto nalang ako sa pagmumuni ng magsalita ako.

"A-ah. Y-yes s-sir! I am." utal na wika ko dito.

Pansin ko din na nakingin na pala sakin ang lahat ng mga kaklase ko. Nakakahiya naman.

THE PANDEMONIUM WORLD (Completed)Where stories live. Discover now