JEWEL DEMI-LEIGH's POV
DON'T be afraid of being scared. To be afraid is a sign of common sense. Only complete idiots are not afraid of anything.
KAKATAPOS ko lang maligo. Nauna na rin sa akin si Daisy, dahil di na kami magka same schedule.
Patungo na ako ngayon sa aking closet para kumuha ng maisusuot today.
It's friday, kaya fashion day nanaman yung araw na wala kang makikitang naka uniform na studyante.
Isa yan sa mga patakaran dito every friday...
Pagkabukas ko ng closet ko kinuha ko agad ang damit ng susuotin ko saka ito sinuot kahit na napipilitan.
Well, nagsuot lang naman ako nang Navy blue knee-lenght chiffon and satin cocktail dress with cap sleeves na pinarisan ko pa ng navy ankle boots.
Sinasanay ko na ang sarili ko sa ganitong kasuotan dahil no choice eh, halos dress above knee ang lahat ng damit dito sa loob ng closet na ibinigay sakin.
Balak ko sana magsuot ng kasuotan na nakasanatan ko na dati pa, like moxy jeans black ripped knees at woman black coat and jacket na dala ko ng nagpunta ako dito.
Pero naisipan kong wag nalang magsuot ng ganun, dahil baka makahalata pa sila na isa akong secret agent.
Hindi imposible na may makahalata sakin lalo't may kilala akong Kressley na sobrang talino.
Kaya't dapat talaga ako mag-ingat sa babaeng yun, dahil baka siya pa ang bumunyag sakin sa lahat ng tinatago at iniingat-ingatan ko.
No way, I will never let that happen.
Pagkatapos kong ayusin ang sarili. Syempre umalis na ako at nagtungo na sa aming classroom.
MABILIS kong narating ang main building ng nitong school.
At habang naglalakad ako mag-isa dito sa hallway patungo sa amin classroom. Ramdam ko ang mga titig sakin ng mga studyante dito.
Nakakakilabot ang mga titig nila. Di sinasadya napadako ang tingin ko sa tatlong babae na nag-uusap sa tabi-tabi habang nakataas ang kilay na nakatingin.
Ako yata ang pinag-uusapan nila. Aba't mga tsismosa na ito!
Kaya naman ng makadaanan na ako sa tabi nila, binigyan ko ito ng isang beastliest irap then smirked. Dinig ko pa ang satsat nila. Nagalit yata haha.
Akala nila huh. Tsk!
Malapit na ako sa aming classroom at nang makarating ako sa tapat ng pinto.
Agad ko ito binuksan at pumasok sa loob...
Wala pa ang professor namin at kita ko ang titig sakin ng mga kaklase ko kaya medyo nailang ako at agad na nag tungo sa aking upuan.
"Ganda mo ngayon sis." bungad agad sakin ni Gaps ng pagkaupo ko.
"Oo nga sis." singit naman ni Shain.
"Naku, Hindi huh! Pero salamat." wika ko sa kanila sabay ngiti narin.
"Hindi ka jan! Truly kaya loka. Para ka ngang model. Perfect body with a beautiful face. Diba Shain?" wika ni Gaps sakin sabay tingin kay Shain.
"Yeah Yeah! Korek Korek!" wika naman ni Shain.
"Para kang si Catriona Gray, yung miss world." wika ni Gaps.
YOU ARE READING
THE PANDEMONIUM WORLD (Completed)
Mistero / ThrillerIn this PANDEMONIUM WORLD, so many questions that finding the answers can kill you. EVERYTHING WAS DIFFERENT. It's a different time, different place Love is right. But... In the same time, the same place, A heart full Of love, Can't be hidden. ••• V...
