Chapter 23: Indication Of Danger

896 41 1
                                        

JEWEL DEMI-LEIGH's POV

SUMIKAT ang umaga at panibagong araw para sakin. Ngunit tila ayaw parin maalis ang mga katanungan sa aking isip.

Mga katanungan na gusto ko ng kasagutan.

Gaya nalang ng mga nangyayaring kakaiba dito sa paaralan na ito.

Pakiramdam na hindi ko alam kung ano ang ibig-sabihin.

At ang mga nakakakilabot na nasasaksihan at naririnig ko sa labas ng condominium gabi-gabi.

At marami pang iba.

Pero isa lang ang pinanghahawakan ko ngayon, yun ang wag magpasindak sa lahat ng mga weirdong nangyayari.

At alamin if whats the hell's going on now there.

And also my mission, I want to take advantage about it. That's it.

NANDITO ako ngayon kasalukuyan na naglalakad sa hallway patungo sa office ng Head Administrator.

Kakatapos lang ng klase namin sa dalawang subject at break time na.

Napagpasyahan ko muna na huwag sumama sa mga kaibigan ko dahil alam kong mas lalo nila guguluhin ang isipan ko.

Pero namaalam naman ako sa kanila bago ako umalis at iwan sila. And they understand me naman.

Reason ko yung pagiging assistant ko at wala akong balak sabihin sa kanila na ayoko muna sumama sa kanila. That's it.

NASA na ako sa tapat ng pinto ng Head Administrator Office.

Syempre as usual, pumapasok agad ako at di na nag-aabal pang kumatok.

Pero gaya kahapon, wala nanaman akong nadatnan na Jeonjey sa loob.

"Asan na naman kaya yun? Psh!" sambit ko sa aking sarili.

Dumiretso nalang ako sa may couch at umupo dun...

Nagbabakasakali na baka nasa labas lang siya at may ginawa, kaya hihintayin ko nalang siya.

Ilang oras ang inabot sa paghihintay ko dito pero wala paring Jeonjey ang dumadating.

Nagkataon naman na napatingin ako sa bookcase kung saan naroon ang passage door.

Kaya automatikong napatayo ako at agad na lumapit dun.

Nang nasa harap na ako nito ay ginawa ko agad ang ginawa ni Jeonjey kahapon.

Hinawakan ang isang libro at inantras lamg ito ng konti. Then ayon, bumungad sa sakin ang passage door.

Agad naman akong pumasok dito dahil nagbabakasakali ako na baka nandito siya sa loob.

Pagkapasok ng pagkapasok ko dito sa loob ay agad kong inilibot ang paningin ko sa buong paligid ng kuwarto na ito.

Searching for him.

Hanggang sa halos maduling na ang mga mata ko ay wala parin Jeonjey ang nakikita ko.

"Saan ba nagsusuot ang taong yun? Psh! Maka-alis na nga." sambit ko ulit sa sarili ko.

Akmang hahakbang na ako paalis ng bigla nalang bumukas ang isang pinto na katabi lang ng kusina.

At laking gulat ko nalang ng ilinuwal dun si Jeonjey...

Naka topless ito at mukhang kakatapos lang naligo dahil tanging towel lang ang nakatakip sa may bandang baba niya.

THE PANDEMONIUM WORLD (Completed)Where stories live. Discover now