JEWEL DEMI-LEIGH's POV
Who's the stranger can do some death threat for me? And why?
Yan ang kanina pang katanungan sa aking isip na hindi maalis, simula tumalikod ako sa locker room.
Nandito na ako ngayon sa loob ng klase at kanina pang walang kibo, ni hindi ko na nga nabigyan pansin ang mga kaibigan ko.
Kakaalis lang ng second period namin at ngayon hinahintay nanaman namin ang susunod na teacher subject.
"Sister? Okay ka lang?" bulyaw sakin ni Gaps na ikinabalik ng diwa ko.
I nodded my head "Yeah! I'm fine."
"Eh bat parang kanina ka pang malalim ang iniisip? Kulang nalang batuhin na kita ng ballpen para magising ka." tanong niya sakin.
Ganun na ba talaga ako katagal na wala sa sarili? At akala ko di nila ako mapapansin yun.
Pero, Bakit nga ba? Sasabihin ko ba?
I look at them "Ahh wala naman. Masakit lang siguro ang ulo ko. And don't mind me nalang."
Hindi ko kayang sabihin. Itatago ko nalang siguro muna yun.
Agad naman nag-react si Shain na ikinagukat namin parehas ni Gaps...
"Waaaahh! alam ko na!" lumapit siya kay Gaps at may binulong ito. "Siguro... nasaniban si Jewel ng masamang espirito." bulong niya kay Gaps ngunit dinig na dinig ko naman.
"Loka! Ang laking katangahan talaga ng imagination mo! Ilang supot ng cream stick ba ang naubus mo huh? Gusto mo sabunutan kita ng magtino ka na ulit!" iritang wika sa kanya ni Gaps.
"Kita mo na, Kita mo na. Pati ikaw nahahawa na sa sumanib na masamang espirito sa katawan ni Jewel. Huhuhu!" mangiyak-ngiyak na wika ni Shain.
"Hay naku! Tanga talaga, tunggak pa. Nakaka-stress ng beauty. Aughh!" pabulong na wika ni Gaps na may halong inis.
Napailing-iling nalang ako at kasabay nun ang pagpasok ni Professor Rapmon...
Huh? Anong ginagawa niya dito ngayon?
Nabalot naman ng katahimikan ang buong klase. Marahil gulat sa biglang pagsulpot niya dito.
First period namin kaya siya.
"Okay class! Alam ko nabigla kayo sa pagsulpot ko dito kahit hindi oras ng klase ko sa inyo. Pero sandali lang naman ako ngayon dito." simula niya habang nakatayo sa unahan naming lahat.
"I came here now to tell you the announcement from V.U president. He said that there's have an Ball Party tomorrow night... The venue of the event is at the Hall Board Room. That's all! Hope to see you all. Goodbye."
AFTER he say those words, umalis na siya. At hinding-hindi ko makakalimutang ang ngiti binigay niya sakin bago siya umalis.
Ang ngiting makahulugan. Nakakatakot.
Aaminin ko na minsan nakakapagtataka siyang tao, napaka weird niya kasi. Ngunit isinasawalang bahala ko lang yun dahil hindi naman siguro siya masamang tao.
At dahil siguro sa sobrang dami ng iniisip ko, binibigyan kong kahulugan ang mga ngiti niyang yun.
Nahawa na yata ako sa pagiging creepy ng dalwang kaibigan kong 'to.
MABILIS natapos ang lahat ng klase namin this morning. Half day nalang kasi ngayon ang klase since last week pa.
Habang naglalakad ako sa tahimik na hallway patungo sa H.A office, pansin ko na parang may sumusunod at nagmamanman sakin.
YOU ARE READING
THE PANDEMONIUM WORLD (Completed)
Misterio / SuspensoIn this PANDEMONIUM WORLD, so many questions that finding the answers can kill you. EVERYTHING WAS DIFFERENT. It's a different time, different place Love is right. But... In the same time, the same place, A heart full Of love, Can't be hidden. ••• V...