Chapter 31: The Ruined Feelings

887 30 2
                                    

VIEY STEVELER's POV

NANDITO ako ngayon sa rooftop at nakatayo sa may terrace.

Naka-sideward ako ngayon habang linalanghap ang masarap na simoy ng hangin.

Gusto kong i-relax ang katawan ko lalo na ang puso ko.

Nasaktan ako ng sobra, pero di ako dapat magpa-down ng dahil lang dun.

Di man dumating ang araw na mamahalin niya ako tulad ng pagmamahal ko sa kanya.

Nandito parin ako lagi para sa kanya, para damayan siya sa mga problema niya at iligtas siya sa ano mang dumating na kapahamakan sa buhay niya.

"I'm always here for you, my Jewel." I whispered.

Umiba ako ng position at itinaas ang mga kamay ko sa kawalan.

"BOSSINGGGGG???"

Halos mapatalon ako sa gulat at muntikan nang mahulog sa napakataas na building na ito dahil sa nakakabinging mga sigaw na yun.

At kahit hindi ko sila linilingon, alam na alam ko kung sino sila.

Ang mga tarantadong kulay.

"Bossing? Wag mo muna bawasan ang mga lahi nating gwapo!"

"Wag kang magpapakamatay bossing!"

"Oh my! Bossing naman!"

"Bossing? Pag-usapan natin ito!"

Mabilis akong lumingon sa kanila at tinignan sila isa-isa na nakatayo at malapit lang sa kinaroroonan ko ngayon.

"Ano ba ang pinag-sasabi niyo huh!?" I asked.

"Bossing? Alam kong gwapo ako, pero wag ka naman magpatiwakal." -Gray.

"Bossing? Kung broken ka, tara hanap nalang tayo ng iba." -Black.

"Linoloko niyo ba ako?" walang emosyon na wika ko sa dalawa.

Tapos binigyan ko sila ng death look...

"Naku! Mukhang may magaganap na fire dead ngayon huh, Blue."

"Oo nga Red. Tara ikuha natin si bossing ng Gas at lighter."

"Ano! Answer me immediately!" sigaw ko sa kanila.

"Hoy black! Tinatanong ka ni bossing!"

"Bat ako Gray, ikaw kaya!"

"Oo alam ko ako ang gwapo, pero ikaw talaga ang tinatanong ni bossing."

"Oh kung ikaw ang gwapo, edi ikaw ang sumagot."

Habang busy silang dalawa sa pagsasatsatan nila. Dahan-dahan kong linibas ang dagger sa may likuran ko.

"Pag kayo'y hindi tumigil sa mga kalokohan niyo! Ibabaon ko ito sa mga bituka niyo!" sereosong wika ko dito.

Mabilis naman nila yun napansin dahilan para mapahinto sila sa ginawa nila.

"Oh my! Sige na bossing, my date pa pala ang gwapong ito. Sibat na ako." -Gray.

"Ay! May gagawin nga pala ako. Hoy! Blue, Red? Hintayin niyo ako!" -Black.

Tapos nun ay mabilis silang kumawala ng takbo palayo sakin...

Bwesit talaga ang mga tarantadong kulay na yun!

Napabuntong-hininga nalang ako dahil sa sira na ang pag i-emote ko dito kanina.








DEATH GLARE's POV

THE PANDEMONIUM WORLD (Completed)Where stories live. Discover now