JEWEL DEMI-LEIGH's POV
MAAGA akong nagising dahil ngayong araw ang simula ng pagpasok ko at sinadya ko talaga ang maagang gumising dahil ayokong malate.
Pumunta muna ako sa kusina para makapagluto ng breakfast namin ni Daisy.
It's already 6:00 in the morning at mamayang 07:30 a.m pa ang klase ko hanggang 7:30 in the evening.
Binuksan ko na ang ref at tamang-tama may nakita ako na pwede lutuin na hindi ako matatagalan.
"Good morning." bati sakin ni Daisy na nakatayo sa may pinto ng kusina.
"Morning too. Gising ka na pala." nakangiting wika ko dito.
"Anong ginagawa mo?" tanong nito sakin.
"Making our breakfast." sagot ko dito.
"How sweet naman." wika niya sabay ngiti.
Nginitian ko din siya ng pagkaganda-ganda.
"So, mauuna ako maligo sayo huh?" wika nito.
"Okay." nakangiting wika ko dito.
Tapos ay umalis na siya at nagtungo sa bathroom.
Habang naliligo si Daisy, busy naman ako dito sa paghahanda ng aming breakfast.
Nagluto lang ako ng half-cooked egg at fried rice na linagyan ko ng curry powder and green peas.
At ilang minuto lang ang lumipas ay bumalik na dito si na naka pink bathrobe lang habang linalagyan naman ng pink towel ang buhok niya.
I'm a girl pero I hate pink. Sa black, red at gray lang ako nagagandahan.
Napabuntong hininga nalang ako.
"Wow! Mukhang masarap yan huh." nakangiting wika niya habang naglalagay ako ng mga plates na may kutsara't tinidor saka baso.
"Syempre. Oh halika na't mag breakfast na tayo." nakangiting wika ko ko dito na may halong biro.
"Aba oo ba, sarap niyan eh." pabirong wika naman niya sakin.
Kaya natawa kami pareho. Kaya nag breakfast na kami with matching kuwentuhan pa.
Nang matapos na kami mag breakfast, agad na pinapunta niya ako sa bathroom para makaligo at siya na daw ang magliligpit ng mga pinagkainan namin.
At nang matapos akong maligo ay sinuot ko na ang aking school uniform.
Medyo nailang pa ako ng tignan ko ang sarili ko sa salamin.
Di kasi ako sanay sa ganitong kasuotan. A knee-length skirt na kulay navy blue, a collared white shirt with sleeves, and a vest.
Tapos ay sinuotan ko pa ito ng lacey black shoes na pinarisan pa ng black socks na hanggang tuhod. Auggh!
First time ko mag suot ng ganito.
YOU ARE READING
THE PANDEMONIUM WORLD (Completed)
Misterio / SuspensoIn this PANDEMONIUM WORLD, so many questions that finding the answers can kill you. EVERYTHING WAS DIFFERENT. It's a different time, different place Love is right. But... In the same time, the same place, A heart full Of love, Can't be hidden. ••• V...
