Chapter 37: Worst Tragedy in the Night of Ball Party

690 31 1
                                    

[A/N: Ang chapter pong ito ay ipinapakita ang mga ginagawa ng ibang characters sa parehong oras na naganap ang pagsabog.]



NARRATOR's POV

MASAYA ang lahat ng narito sa Board Hall Room. Nag i-enjoy sila sa Ball Party ngayon gabi.

Ngunit sa di inaasahang pangyayari ay bigla nalang may sumabog dahilan para magulat ang lahat. Kaya dahil sa gulat at takot, di maiwasan mag-panic at magsigawan ang lahat.

Hawak-hawak ni Jeonjey ang kamay ni Jewel para dalhin sa ligtas na lugar. At sa mga oras na iyon wala siyang ibang iniisip kundi ang kaligtasan ng lahat.

Habang ngalalakad sila, laking pasasalamat nalang ni Jewel dahil nakasalubong nila ang mga kaibigan na si Gaps at Shain.

"Saan tayo pupunta?" tanong ni Gaps sa gitna ng paglalakad nila.

"Yehey! New year na ba mga sis?" wika naman ni Shain na walang kaalam-alam sa nangyayari ng dahil sa pagka-psycho niya.

"Loka! Magtino ka naman this time. Ano ba." wika ni Gaps na may halong takot.

"Saan ba tayo pupunta, Jeonjey?" tanong ni Jewel.

"Sa lugar na ligtas kayo." sagot ni Jeonjey.

At matapos ng tagpuan na yun ay nakarating na sila sa isang tahimik at walang ibang tao na kuwarto.Pero sa kasamaang palad ay di nila namalayan na nawalay na pala sa kanila ang isa nilang kasama.

"Jusko! Nawawala si Shain." mangiyak-ngiyak na wika ni Gaps.

"Huh? Diba magkasama lang tayo?" takang tanong ni Jewel.

"Oo. Pero paglingon ko sa may gilid ko, wala na siy---."

Di niya na natapos ang sasabihin niya dahil biglang may sumabod nanaman at sunod-sunod na. Kaya nag-umpisa na silang mag-panic at natakot ng sobra-sobra.

"Jusko! Jewel, si Shain. Si Shain, baka napaano na siya." umiiyak na wika ni Gaps.

Yinakap naman si ni Jewel to give him a comfort "Wag kang mag-isip ng ganyan."

"Stay there. I will find her." wika ni Jeonjey at hinalikan niya sa noo si Jewel.

"Wait!" pigil sa kanya ni Jewel. "Mag-iingat ka." wika niya na may halong pag-aalala.

Tumango lang si Jeonjey at saka umalis. Kahit lapag yun sa kalooban ni Jewel, may tiwala siya kay Jeonjey.








• M E A N W H I L E •

NANG marinig ni Daisy ang pagdabog, agad siyang nagtungo sa kaninang table na kinaroonan nila nina si Jewel at ang mga kaibigan nito.

"Sinasabi ko na nga ba. Tama talaga ang kutob ko na may masamang manyayari ngayon." sambit niya sa sarili habang tumatakbo.

Ngunit, ganun nalang ang gulat niya ng wala na doon sa kaninang table nila sina Jewel at ang mga kaibigan nito.

"No way! Nasan na sila?" kinakabahan na sambit niya sa kanyang sarili.

Inilibot niya agad ang patingin niya para hanapin ang mga hinahanap niya. At sa mga oras na ito at puno ng takot at pag-aalala ang puso niya.

"Oh my god!" gulat na sambit niya ng may malakas na sumabog nanaman. Kaya nagsimula na siyang umalis doon para hanapin sina Jewel at habang tumatakbo siya palayo roon, sunod-sunod na ang narinig niyang pagsabog.

She had a strange feeling in the pit of her stomach, like when you're swimming and you want to put your feet down on something solid, but the water's deeper than you think and there's nothing there








THE PANDEMONIUM WORLD (Completed)Where stories live. Discover now