Chapter 33: Death Threat

778 37 2
                                    

JEWEL DEMI-LEIGH's POV

KAKATAPOS ko lang naligo at patungo na ngayon sa closet ko para kumuha ng aking susuotin.

Fashion day ngayon so I'm wearing a red beaded two-piece homecoming dress, yun bigay sakin ni Gaps at Shain.

Ilang fashion day na kasi ang dumaan at ngayon ko lang ito naisipan na suotin. Ngayon ko lang din kasi ito naalala.

At nag-promise ako sa kanila nasusuotin ko ito, kaya kahit labag sa kalooban ko sinuot ko at alam kong matutuwa yung mga loka na yun.

Napangiti nalang ako habang nakaharap sa full size mirror...

"Mauna na ako huh? Bye!" paalam ni Daisy sabay alis.

"Okay Unnie. Ingat!" wika ko while looking myself at the mirror.

So perfect.

After a fews minutes bigla nalang may kumatok sa pinto.

Nagtatakang napatingin agad ako dun. Dahil bukod kay Daisy, wala naman akong ibang ideya kung sino.

*Knock Knock*

But I'm pretty that's not Daisy, dahil hindi naman yan naka-lock atsaka may duplicate key sya nitong condo namin.

Who's there?

Bigla namang pumasok sa isipan ko ang dalawang kaibigan ko na si Gaps at Shain. Kaya agad-agad akong nagtungo sa may pinto.

*Knock Knock*

"Wait lang kayo jan, I'm coming." wika ko habang lumalakad patungong door.

I think sila ang kumakatok at naghihintay na ngayon sa labas para sabay na kaming pumasok sa klase.

*Knock Knock*

"Hi naku! Ang kulit-kulit niyo sinabi ng sandali katok ng ka---"

Natigilan ako bigla ng wala akong madatnan na tao sa labas pagkabukas ng pagkabukas ko ng pinto.

Luminga-linga ako sa paligid. Left to right, up and down. Ngunit, I didn't saw kahit isang tao.

Di ko naman pwedeng isipin na baka guni-guni ko lang yun dahil ilang beses kong narinig na may kumatok.

So weird.

Isinarado ko nalang ulit ang pinto at mahigit isang minuto lang ay binuksan ko na ito ulit para lumabas at pumasok na sa klase.

Pagka-lock ko nito, hindi agad ako nakakilos ng may mahagilap ang mata ko na isang maliit papel na nakadikit sa pinto.

Kahit nagtataka, kinuha ko nalang ito at agad na binuksan...

'Keep your eyes open, Fireheart. Keep your ears pricked. Keep looking behind you. Cause your death is coming!!!' -DEMON

Yan ang nakasulat sa papel na hawak-hawak ko ngayon. And I'm so very loading about it.

"Ano 'to? At sino ang may gawa nito? Is this a kind of prank? Well, hindi ako nasindak." walang emosyon na wika ko sa aking sarili.

Sa totoo lang, nakakabadtrip!

Mabilisan kong itinapon sa isang trashcan dito sa labas ng condo ang papel na hawak ko.

Ayoko masira ang magandang umaga ko.

NARITO na ako sa loob ng classroom. Nadatnan ko agad ang mga kaibigan ko na nagkukuwentuhan sa upuan nila.

Nagtungo na agad ako sa aking upuan. Hindi ko naman maiwasan mapansin ang mga kaklase ko, back to normal na sila hindi na sila yung parang mukhang mamatay sa lahit na anong oras.

THE PANDEMONIUM WORLD (Completed)Where stories live. Discover now