Chapter 07: Library

1.3K 51 2
                                    

JEWEL DEMI-LEIGH's POV

KAKATAPOS lang ng first period namin at naghihintay nalang sa susunod na teacher.

Sa buong oras namin sa first period ay di ko talaga binigyan ng pansin si savage nerd, sa halip ay iniirapan ko lang ito pagnakasalubong ang tingin namin dahil galit parin ako sa kanya hanggang ngayon.

Habang si professor Jeonjey naman ay nakakailang medyo dahil panay ang titig sakin kanina.

How weird he is.

Ilang minuto pa ang nagtagal ay dumating si professor sugar.

Sabay-sabay naman kaming lahat na tumayo para magbigay galang dito.

Then saka niya kami pinaupo...

"Okay class. Today, we have an activity." wika agad nito sa amin.

And what? Activity agad, eh kaka start palang niya sa pag discuss ng lesson kahapon. Aughh!

Exaggeratedly.

Sumang-ayon nalang ang mga kaklase ko at di na kumuntra pa. I feel them.

"It's simple lang naman ang activity natin ngayon. Pupunta lang kayo sa library at hahanapin niyo ang mga meaning ng mga words na isusulat ko sa blackboard then isulat niyo lang sa one whole whitepad at saka niyo ipapasa sakin sa faculty room. Are we clear?." wika nito sa amin.

"YES PROFESSOR SUGAR!" sambit ng mga kaklase ko.

Nakisama narin ako dahil this is the time para makakuha ako ng tyempo upang alamin ang information tungkol sa V University na ito.

Hahanap ako ng history book na magbibigay sakin ng information tungkol sa lugar na ito. I smirked.

How I wish na makahanap ako ng kahit kunting information tungkol dito.

Matapos isulat at kupyahin namin ang mga words na ipapahanap samin ni professor sugar.

Pinapunta na niya agad kami sa library...

"Goodluck to all of you!"

Pagkasabi niyang yun ay nagsitayuan at nagsilabasan na ang lahat ng mga kaklase ko.

Tumayo narin ako para sumunod sa kanila. Pagkalabas ko ng aming classroom.

Binilisan ko agad ang aking paglalakad para makarating agad sa library.

HABANG naglalakad ako patungong library ay pansin ko ang mga kakaibang titig nang mga studyate dito na nasa labas ng kanilang classroom.

Hindi ko nalang sila binigyan pansin o tingnan man lang sa halip ay nakatuon lang ang mga mata ko sa aking daanan.

"Hey! Wait! Jewel?"

Isang pamilyar na boses ang narinig ko sa aking likuran na tumatawag sa aking pangalan.

Pero di ko nalang pinansin sa halip ay binilisan ko nalang ang aking paglalakad.

Yung tipong tatakbuhin ko na ang library...

"Please wait for me." sigaw niya ulit.

Lakad takbo, lakad takbo lang ako...

"Please Jewel! Talk to me!" dagdag pa niya.

Haist! Ang kulit talaga ng savage nerd na ito. Kaya huminto ako sa aking paglalakad at nilingon ito.

"Ano ba? Pagagalitin mo nanaman ba ako huh?" sigaw ko dito.

THE PANDEMONIUM WORLD (Completed)Where stories live. Discover now