Chapter 15: Death Glare

1K 35 1
                                        

JEWEL DEMI-LEIGH's POV

MATAPOS nang araw na yun ay may kung ano na ang aking nararamdaman sa tuwing ganun ang inaakto niya sakin.

Hindi ko maintindihan kong bakit, pero may kung ano sa isip na gumugulo. Yung tipong ang hirap intindihin.

Ilang beses ko nang sinubukan baliwalain ang pakiramdam na yun pero mahirap gawin eh. Bakit ba ako nagkakaganito ngayon? Hindi naman ako ganito nung mga nagdaan pang araw huh.

Haist! I want to know what's going on with me.

ANDITO na ako ngayon sa ikalimang palapag nitong building at kalalabas ko lang ng elevator.

At naglalakad na ngayon patungo sa aming classroom. Ilang araw na kasi akong hindi nakakapasok ng klase eh.

Nang makarating ako. Wala pa ang bago naming professor na pumalit kay Jeonjey. Kaya agad akong pumasok at dumiretso sa aking puwesto.

"Oh bat matamlay ka sister?" bungad agad sakin ni Gaps pagkaupo ko sa aking armchair.

"Wala." walang ganang sambit ko dito.

Hindi ko naman talaga kasi alam kong ano ang sasabihin ko...

"May sakit ka ba sis?" tanong naman ni Shain.

Bigla naman ako napatingin sa kanya dahil sa sinabi niya...

Sakit? Ako may sakit? Siguro nga sakit lang ito kaya ako nagkakaganito ngayon.

Pero, ewan ko ba. Haist!

"Maybe." tanging wika ko dito. Nagulat naman ako bigla ng may humawak sa noo ko.

Kaya nilingon ko agad ito. And no other than Viey, nakahawak ang isa niyang kamay sa noo niya habang nakawak naman ang isa niyang kamay sa noo ko.

"Hmm hindi ka naman mainit. So, it means wala kang lagnat kong ganun." wika nito.

Trip nanaman nito?

No way! Hindi nila pala dapat makita na nagkakaganito ako at baka kung ano pa ang ma'discover nila sakin. Kaya dapat umayos ako.

Ano ka ba naman, Jewel.

Umayos ako ng upo kasabay ng pagbago ko sa aking mood saka sila tinitigan.

"Siguro may problema ka no?" nakangiting wika ni Viey.

"OH MY GOSH!" magkasabay na sambit nina Gaps at Shain.

Kahit kailan, ang OA talaga ng dalawang ito.

Napabuntong hininga nalang ako...

"School problem ba yan?" mausisang tanong ni Shain.

"O baka naman love problem yan?" mausisang tanong naman ni Gaps.

At Para akong inalisan ng hininga matapos marinig ang huling sinabi ng baklang 'to.

What? Love? No way! Never.

Kaya naman biglang sumereoso ang titig ko sa kanila...

"Alam niyo kayong tatlo, kung anu-ano ang pinagsasabi niyo. Stress lang ito okay, Stress." taray na wika ko dito na diniinan pa sa dulo.

"Oh really?" nakangising wika ni Viey.

"Bakit? Mukha ba akong nagsisinungaling huh?" tanong ko dito

"Opps! Wala akong sinabi na ganyan huh." mapang-asar na sambit nito.

"Nang-aasar ka?" taray na tanong ko dito.

THE PANDEMONIUM WORLD (Completed)Where stories live. Discover now