JEWEL DEMI-LEIGH's POV
AT ngayon araw ay dumating narin sa wakas ang hinihintay-hintay ng lahat, ang induction party.
Nandito ako ngayon nag-aayos ng sarili ko habang si Daisy naman ay nakaupo sa may kama niya at abala sa pagpa-practice ng speech niya mamaya.
Simple ayos lang ako ngayon, di kasi ako sanay na maglagay ng maraming kulerets sa mukha.
Nakasuot ako ngayon ng color gray dress tea lenght satin boat neck lace at silver high heel.
Pareho lang kami ni Daisy, green nga lang ang sa kanya...
Required kasi sa mga babae ang mag dress habang formal attire naman yung sa mga lalaki.
"Whoaa! Perfect!" sambit ni Daisy ng matapos na ako sa pag-aayos.
"Luh! salamat unnie." wika ko sa kanya sabay kiss sa pisnge niya.
"Ayiee. Oh sya tara na." aniya sa akin sabay kindat.
"Okay." nakangiting wika ko sa kanya.
NARITO na kami board hall room at nang makapasok kami dito sa loob agad na bumungad samin ang tugtog ng music kasabay ng ingay ng mga tao dito.
Parang nasa club lang.
Agad naman nagpaalam sakin si Daisy dahil kailangan daw silang lahat na officers sa backstage.
"Hey sis! Kanina ka pa namin hinihintay." wika ni Shain sabay tapik ng balikat ko.
"Naku, pasensya na talaga sis." paumanhin ko dito.
"Okay lang yun. Halika upo muna tayo dun sa vacant table." aniya niya sakin.
Tinanguan ko nalang at sumunod sa kanya...
NANG makarating kami sa sinasabi niyang table agad kong nadatnan ni Gaps na nakaupo dun at may kalandian na lalaki.
Itong baklang 'to.
Pumunta narin kami dun ni Shain at umupo. At di man lang nagulat ang dalawa.
"Hi sister." nakangiting bati
"Meet my boyfriend, Hector. And Hector, meet my bff Jewel." pakilala niya.
"Hi Jewel? Nice to meet you." bati sakin ng Hector niya.
Nginitian ko na lamang ito at umupo malayo sa kanila...
"Sister? Ang ganda mo ngayon parang ako lang. Diba babe?" wika sakin ni Gaps sabay tingin sa Hector niya at niyakap ito.
Nag fake smile nalang ako sa kanya...
Malandi pala ang baklang 'to.
"Pasensyahan mo na ang kalandian niya huh?" bulong sakin ni Shain na di naman napapansin ni Gaps dahil busy sa paglalandian nila.
"Ahh oo." tanging wika ko dito sabay ngiti.
Tapos ilang oras ang nagtagal ay naisipan na namin ni Shain na pumunta sa backstage dahil malapit nang magsimula ang party ceremony.
YOU ARE READING
THE PANDEMONIUM WORLD (Completed)
Mystery / ThrillerIn this PANDEMONIUM WORLD, so many questions that finding the answers can kill you. EVERYTHING WAS DIFFERENT. It's a different time, different place Love is right. But... In the same time, the same place, A heart full Of love, Can't be hidden. ••• V...